CHAPTER TWENTY THREE

407 12 3
                                    

Xyrus's POV

"G*go nagagalit sya sa akin!!"

Ako pa nasisi! Pagpasensyahan nyo na si Terrence hindi kasi gwapo kaya laging mainit ang ulo

"Ano ang kasalanan ko?" Pagmamaangan ko kahit alam ko na yung tinutukoy nya

"Nagagalit na sya sa akin Xyrus!"

"Eh ano ngayon?" Takte problemadong problemado

"Bakit kailangan maging cold pa ako?!" Napangisi na lang ako... Sinabi ko kasing maging cold sya baka sakali lang namang pansinin na sya ni Tapang girl pero sa tingin ko ay ganon pa rin mas lumala pa

"Ayaw mo bang lumapit lalo sa iyo si Brielle?" napaupo naman sya sa couch at napabuntong hininga.

"Syempre gusto pero mas lalo lang atang lumayo g**o pa yung plano mo"

Nagkibit balikat lang ako

"Iba naman kasi ang diskarte mo masyadong bulok"

Nagkaroon ng saglit na katahimikan pero pinutol ko iyon at nagsalita
















"Change of plans tayo"

*****************
Eyziel's POV

Nandito kami ngayon ni beshy sa isang restuarant at nagshoshopping hehehe kumakain kami

Pero ang pinagtatakhan ko kung bakit halos torturin na nya yung pagkain at nakatingin sa may unahan namin

"Hindi naman kasi sila ang mawawala kung sasayangin mo ang pagkain"-ako dahilan para tumingin sya sa akin hindi pa sya nagseselos ng lagay na yan?

"Ang kapal kapal nya Eyz kapagtapos nyang sabihin na ---"

"Oo na beshy! Nagseselos ka na!! Omygosh nagseselos ka na!" Sarcastic kong sabi dahilan para matigilan sya

Tumayo na sya at bumalik na sya sa dati ....well cold

"Tara na uuwi na tayo" opppsss nasobrahan ata ako sa sarcastic hehehe

*****************

"Tingnan mo ginawa mo sa dress ko ghhadd babe oh!" Dapat talaga ay uuwi na kami kaso gaya ng hindi namin inaasahan ay may nakabangga kaming kuko...

Na ngayon ay nagiinarte dahil sa natapunan daw namin sya ng inumin nya kami pa sinisi! Eh ang asta nya nakikipagharutan sa restuarant at di tumitingin sa dinadaanan

"Hindi ko naman po kasi alam na aanga anga ka"

Nanlaki pa yung mata nung babae para lang syang kwago

At si Beshy naman ay expressionless ang mukha dahil kasama lang naman ng kuko si Terrence o diba? Gawain ba ng matinong lalaki yan? Pagkatapos sabihin na gusto yung bestfriend ko ... Wala talagang kwenta

"B1tch... Ano yung tinawag mo sa akin?"

"Sino? Sa tingin ko ikaw ang mas mukha b1tch sa ating dalawa looking at you tiningnan pa nya yung kuko mula ulo hanggang paa oh diba taray ng beshy ko! Ano yung tawag ko sa iyo? Sweetie ang ganda mo noh?"

Nagfliphair pa yung babae hindi ba sya tanga? Halata namang sarcastic yung pagkakasabi ni Beshy

"I know right". Tss hindi bagay tsaka ano ba yung ginagawa ni Terrence nakatunganga lang sya...

well ganon din naman yung ginagawa ko hehehe

"Omygosh your so gullible naman pala eh" nakita kong napakunot ng noo yung babae tapos tumawa at nagfliphair na naman at parang bilib na bilib na sa sarili nya ghhadd iniinsulto na sya

Worst Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now