CHAPTER THIRTY FOUR

339 10 0
                                    

Third Person's POV

"Alam mo naawa na ako dyan eh"

"Sinabi mo pa lalo na sa kasama nyang babae para na ngang baliw yon eh"

"Kung ako kay Dra. Lynne dapat mas kumbinsihin nya pa yon"

"Pero ang pogi nya no?"

"Ang harot mo! Pero tama ka sayang talaga alam mo ba nakita ko syang umiyak---"

Natigilan ang isang nurse sa narinig nya sa kasamahan nito nandito sila sa kwarto at inaasikaso ang kanilang pasyente...

"Teka teka ano yung sinabi mo ?!"

"Ano na pogi sya?"

"Hindi yung isa"

"Yung umi---- Omy! Ibig sabihin!"

"Oo! Bakit ngayon mo lang narealize Nurse ka! G*ga! " Napatingin ang dalawang nurse sa kama kung nasaan ang binata napatili sila ng bigla na lang bumukas ang mata nito

"Tawagin mo si Dra.!"

"Ikaw na!!"

"Kung sampalin kaya kita?!"

"Sabi ko nga ako na!"

Habang gulong gulo na ang dalawang nurse ay hindi naman magalaw ng binata ang kanyang ulo at tanging pagtingin lang sa puting kisame ang kanyang ginawa..

Naaalala nya lahat sinubukan nyang magsalita pero hindi nya magawa naghanap sya ng tao na kahit na sinong lalapit sa kanya pero wala man lang lumapit dito

"This is a miracle! Amy check his vitals!" Rinig nya ang pagkakagulo ng paligid hanggang sa may liwanag na sumilaw sa mata nya

"Doc stable ang vital signs nya... Nakakamangha"

"Mister My name is Dra. Lynne at i know na naririnig mo ako it is a miracle that you woke up pero kukuhanan pa kita ng test"

"Nasaan sila?" Tanong nya sa ssrili nya habang pinipilit iikot ang paningin nya pero ng mapagtanto nya na wala ni isa syang nakitang kasama at mga taong hinahanao nya kaya nagsimula syang magwala

"Doktora! Nagwawala ang pasyente!!" Patuloy na lumuha ang binata at pilit kumawala.. pero natigil ito ng may nagturok sa kanya ng kung ano at unti unti syang nawalan ng malay

"Ano po ang nangyari Doktora?"- Jean

"Inuulit ko masyado akong namangha sa nangyari sa kanya ang akala ko talaga ay hindi na sya magigising matapang sya and someone or something made him strong para lumaban "

"Nasaan po yung kasama nya" umiling naman ang Doctor

"Hindi ko alam pero bigla na syang nawala

Kausap ko sya kanina pero noong tinawag nyo ako at nang lingonin ko ay nawala na sya ...

Pero nagtataka ako bakit? hindi ba sya masaya at nagising na ang kapatid nya?"

Habang abala ang mga tao sa loob ng kwarto ay may isang babaeng nakatanaw lamang sa labas habang nakangisi

"Nagising sya maraming salamat at nagising sya makakaganti na tayo gaganti na si Ate para sa iyo dahil sa ginawa sa iyo ng Brielle na yon at sa pagpatay ng pesteng babaeng yon sa mommy natin"

******************
Brielle's POV

Sinabi ko kay En na susunod ako sa kanya sa headquarters at pumayag naman ito sa sinabi ko...

Worst Nightmare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon