CHAPTER FORTY SIX

301 11 0
                                    

Third Person's POV

Nabigla si Tracey sa nangyari she can't move a bit natauhan lang sya ng akma na namang hahampasin ng lalaki si Brielle bigla syang napalabas sya ng kotse at agad pumunta sa likod ng lalake hinablot nya ito paharap sa kanya at sinipa ang iniingatan nito at sinutok sa mukha na agad ding nawalan ng malay

Napalapit sya kay Brielle na ngayon ay malalim na ang paghinga punong puno na ng dugo ang damit nya pati na rin ang dmait ni Tracey

"Dadalhin kita sa ospital! Fvck bakit ako pa nag nakasama mo ngayon?!" Umiling ito na labis namang ikinataka ni Tracey bakit ba napakatigas ng bungo ng babaeng ito? Marami na nga ang nagtatangka sa kanyang buhay...

Marami na ring buhay ang nasasawi... Napailing sya sa knayang naiisip maaring matatapos na rin ito...

"Sa clinic na lang ng school" nahihirapan man ngunit ngawa pa rin nyang sabihin ito

"Dadalhin ka rin sa ospital ano ba?!" Kahit na naghihina ay nakuha pa rin nitong samaan ng tingin si Tracey.. nanlalabo na ang paningin nya at patuloy pa rin ang pagkirot ng ulo nya sabay ng pag agos ng dugo mula dito

"May sa--sakyan ba tayo?" Hindi na napigilan ni Tracey ang pag irap sa ganitong sitwasyon ay puro kalokohan pa rin nag naiisip ng babaeng ito..

"Oo na! Basta wag kang matutulog okay! I swear sasampalin kita kapag natulog ka" tumango tango na lang si Brielle at palihim na ininda ang sakit pakiramdam nya ay kinakapos na ang hininga nya  nanunuyo na rin ang lalamunan nya...

Marami na ring nawala na dugo sa kanya mula sa sugat sa balikat pati na rin sa tyan...

Bakit lagi na lang nagyayari sa kanya ito? Parang paulit ulit na lang.. bakit sila naghihiganti ? Bakit sya? Napakaraming tanong ang bumabagabag sa kanya

Magkahalo na ang sakit na nararamdaman nya physically at emotionally.. paano matatapos ito.. hirap na hirap na sya...








Gusto na nyang mawala...











"Fvck you! Sabi ng wag kang matulog!"












Tama na siguro..

*******************












"Ghad buti buhay ka !!" Napalingon sya sa katabi nyang si Tracey na ngayon ay malamlam nag mata at napakalaki ng eyebags nito makikita dito kulang na kulang ito sa tulog at makikitaan mo rin ng ilang pasa sa kanyang mga katawan

"Ano ang nagyari sa iyo?" Tanong agad nya kay Tracey pero ngiti lamang ang sinagot nito umiwas rin ito ng tingin na animoy ayaw pagusapan ang nangyari sa kanya

"Isang linggo kang tulog" gulat ang naging ekspresyon ni Elle isang linggo ang naging pagtulog nya matapos ang nangyari.. hindi na rin sya nagtaka dahil kala nya ay mamatay na talaga sya...

Nakaramdam sya ng takot sa nangyari noong nakaraan pero pinilit nya itong inalis

"At ikaw lang ang nag alaga sa akin?"  Tanong ulit ni Elle umaasa sya na may mga tao pang dumalaw sa kanya dahil pansin nya na tanging silang dalawa lang ang nasa loob ng silid at parang wala syang naramdamang ni anino ng mga bisita

"Sino ba sa tingin mo?" nabigla man pero pinilit nyang ngumiti ...

Napatanong na lang sya sasarili nasaan si Eyz? Sya? Bakit wala ang mga taong inaasahan nya?

"Just eat makakalabas na rin tayo bukas" tipid na ngumiti si Elle lay Tracey na ngayon ay nakahiga na sa may sofa ng ospital room at nakapikit pagod na pagod na nga ito sa pagaalaga sa kanya pero bakit sya? Bakit sya lang ang nagaalaga sa kanya?

Hindi ba sya importante sa iba? Napabuntong hininga na lamang sya at ibinalik ang tingin sa pagkain nya

Katahimikan...

Binalot ng katahimikan ang buong silid walang nagsasalita sa kanilang dalawa...

Napaka awkward ng sitwasyon nila kung tutuusin tunog lsmang ng pagtatama ng plato at kutsara ang maririnig

Natigil lamang ang katahimikan ng biglang pumasok sa kwarto si Dra. Lynne nakangiti ito sa dalawa ngunit makikita mo rin ang tamlay sa mata nito... Nakakapanibago..

Karaniwamg nakikita ni Brielle ang doktor na laging may ngiti sa mata sa masasalubong nitong pasyente pero bukod sa kanya... Napangiwi na lamang sya sa kanyang naiisp

"Kamusta ka na?"

Tumango lang ang dalaga indikasyon na sinasabi nyang okay lang sya at pinagpatuloy ang pagkain tila ba malalim na rin ang iniisip ...

Naghahanap sya sa mga tanong na matagal na nyang hindi nasasagot sino ba talaga nag may gawa ng lahat? Sila Tyron lang ba talaga? Bakit lahat ng taong nakapaligid sa kanya? Ni minsan hindi nagtiwala sa kanya?

May kasalanan ba sya?

"Alam mong buhay ang ama ko hindi ba?" Napaangat ng ting si Brielle at nakita nya na nakitingin na sa kanya si Tracey pati na rin ang doktor... Tumawa ang doktor at tumikhim

"Oo" napatango tango si Brielle sa nalaman hindi nya rin maiwasang magalit sa doktor lagi na lang syang nagtatanong kung bakit sa tuwing naghahanap sya ng sagot dito ay walang bahid kung hindi awa ang nakikita nya sa mga mata nito? Dapat bang kawaan sya? Bakit? Sa paanong paraan?

"Bakit malungkot ka doc? May problema ba?" Mabilis namanag umiling ang doktor pero nahalata naman ni Brielle ang pangangatog nito...










"Kailangan mo ng tapusin ito!"















Bahagayang nagulat si Brielle ng bigla na lang sumigaw si Doktora Lynne

"Bakit ba ginagawa mo ito ha?! Wag kang maging inosente! Lawakan mo naman ang isip mo! Mamatay kami! Naiinitindihan mo ba yon?! Mamatay kami dahil sa iyo! "

"Umalis ka na doc before i do something i will never regret" napatingin si Brielke kay Tracey na ngayon ay may nakatutok na baril sa doktor

"Teka-- Tracey ano ba yang ginagawa mo?" Napalingin namna anh dalawang babae ng bigla na lang tumawa ang doktor habang nakatingin kay Tracey mula ulo hanggang paa

"Ikaw? Tracey Brakze the former member of Mortem? Hahhahaha tama nga ang nakuha kong balita...


















Patapon ka na nga" bigla na lang naibaba ni Tracey ang baril na hawak nito at ngumisi sa doktor kung ganoon ay alam na pala nito ang lahat..

"Atleast ako kumawala na ako sa tali ko eh ikaw?  Aso ka pa rin na sumusunod sa amo nya natatakot maparusahan ... Natatakot mamatay" napatingin naman si Brielle sa dalawa na may pagtataka tila ba nalilito sa mga nangyayari dahil sa mga masamang tingin ng mga ito sa isa't isa

"Mas mabuting patayin ang babaeng ito... Tatapusin sya pakakawalan nya kami ... Napakasimple"  bigla na lang natigilan si Brielle ng tutukan sya nito ng baril ..  ramdam nito ang napakatinding galit ng doktora...

Kailangan nyang gumawa ng paraan hindi sya pwedeng mamatay lalo na at kagigisng lang nya

"I know you can't do it... O c'mon Dra. Lynne pag namatay sya tiyak na sasabog ka... Kapag sinaktan mo sya tiyak na papatayin ka nya ... Kahit anong gawin mo you will only kill yourself" nagkatinginan pa ang dalawa pero mas naunang bumawi ng tingin ang doktor at umalis na sa kwarto .... Napabuntong hininga si Tracey at tipid na nginitian si Brielle
























"Gumising ka na... Don't create a nightmare with your own game"








********************

To be continued

Worst Nightmare (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu