Chapter 6: N&N

106 8 11
                                    

Simula nung araw na magkausap usap kaming magkakaibigan, lagi na kamimg magkakasama sa lahat ng gawain namin dito sa school. Hindi ko na rin inisip yung contest na sinalihan namin, este contest na isinali kami ni Chester kasi parang di na naman interesado yung tao kaya hinahayaan ko na lang siya.

Habang naglalakad kami papunta muli sa classroom namin nakasalubong namin si Chester at nagulat kami ng bigla niya akong kausapin.

"Hey" sambit niya.

Nagpalingon-lingon pa ako sa likuran ko pero tinuturo ako nila Claire na ako daw ang kinakausap ni Chester. Para hindi ako mapahiya humarap ako sa kanya at tinuro ang sarili ko,

"Ako ba kausap mo?" tanong ko.

"Yes, you. Let's talk about that contest, I don't like that contest too but for the sake of our class. Let's do it and don't assume so much, I don't like to work with you. So pls, clean your toughts" mataray niyang sambit.

"Wait lang ha! Masyado ka naman atang ano jan. First of all hindi ako nag-aassume, kala mo naman gusto kong makipagtrabaho sayo. Duhh!! Kung siguro crush kita okay pa eh, kaso hindi eh. Tsaka alam mo, wala akong pake jan sa contest na yan. Pero dahil mabait ako, osige para na sa klase natin. Tapusin natin yan ng mabawas bawasan naman yung problema ng mga kaklase natin kay sir Junmar." pagtataray ko rin sa kanya.

"Okay. After class let's meet at the near café here at our school. Exactly 6:30pm nandun ka na, ayoko maghintay." at sabay umalis na siya

"Then now, happy? tss. Panira ng araw ha! Siya pa talaga nag-set ng time and place. Just wow!" badtrip kong sambit.

"Oh easy, puso mo" pang-aasar ni Yahna sakin.

"Na kay Neil" sabay tingin ako kay Neil, "hahahahaha charut lang" at sabay sabay kaming tumawa lahat.

"Woi gurl, nakooo ka kapag na-fall yan sayo si Neil" pang-aasar pa ni Isobelle.

"Na-fall na nga ata" panggagatong ko pa.

"Mandiri nga kayo, magkakaibigan tayo oh" badtrip na sagot ni Neil.

"Oyy grabe ka naman beyb, galit ka kaagad eh." pang-aasar ko sa kanya

"Awtsu! magkakaibigan daw oh" sambit ni Gabriel

"booOooOoooOooom Friendzone ka Nickie" pangungutya ni Alfonso.

"Pagsabihan niya yang kaibigan niyo Alfonso, kapag ako di nakapagpigil ako na manliligaw sa kanya. Torpe niya ha" seryoso kong sambit.
"Hoyy Neil, joke lang yun. Nagkakabiruan lang eh. Ano ba? kala ko ba susuportahan niyo ko sa mga pinaggagawa ko? Ikaw 'tong kj oh. balakajan, break na tayo" dugtong ko pa.

"Alam mo Nickie, may mga bagay talaga na kailangan mong maniwala na lang" natatawang sambit ni Neil kaya't nahampas ko yung balikat niya.

"Bwiset ka rin noh! kanina ang seryoso tapos ngayon lakas mang-asar" badtrip kuno kong sambit.

"So ano? gusto mong seryosohin ko mga sinabi mo kanina?" nakangisi niyang sambit.

"Ha?" gulat kong tanong.

"Ngayon nagmamaang-maangan ka naman. Hayy nakoooo, wag ka kasing magbiro kung di mo naman kayang seryosohin" nakangisi niya pa rin na sambit.

"Nakooo nagkakainlaban na po tayo dito oh" pang-aasar naman ni Claire.

"Hayy nakooo umakyat na nga lang tayo sa room natin, baka malate pa tayo. May date pa si Nickie mamaya, lagot yan kapag na-late. Baka mabugahan siya ng apoy ng dragong ingleshero" sambit ni Isobelle na ikinatawa naming lahat ng sabay sabay.

Paakyat na kami ng hagdan ng may nag-uunahang mga lalaki papaba ng hagdan kaya't iniwasan namin iyon, ngunit sa pag-iwas ko sa kanila may nasanggi akong babae na paakyat ng hagdan na ikinalaglag ng gamit niya na ikinamuntikan kong ikalaglag ngunit nasalo ako ni Neil.

I'm Inlove With My Forgotten BestfriendWhere stories live. Discover now