Chapter 11: Choose

84 9 9
                                    

After the day Neil confessed his feelings to me. Normal pa rin ang pakikitungo namin sa isa't isa.

Today is the last day of our foundation day and one of the leg of intramurals, may laro ulit sila Neil at same pa rin ang kalaban nila.

"Nagkita na kayo ni Neil?" Isobelle ask

"Nope. Why?" nagtataka kong tanong

"Nothing, para kasing may gumugulo sa kanya this past few days" kumento naman nito

"Ha? I don't think so. Okay naman siya nung nakakasama natin siya" alangan kong sagot

"Kaya nga" pagsang-ayon naman nila Yahna

"Maiba tayo, nagkita na ba kayo ulit ni Chester, Nickie?" tanong ni Claire

"Why?" sabay iling ko

"He looks more matured nung nakita ko or maybe namalikmata lang ako" sagot niya naman

"Pa'no mo nasabi? I mean, yes we know that he is attractive and good looking, di ko na ikakaila yun but like what you've said, he looks more matured?" alanganin ko ulit na sagot

"I saw him yesterday, roaming around the campus, para siyang may hinahanap or ganun lang talaga siya. Everyone chatched his attention while he was walking." kwento ni Claire

"Tapos para lang siyang walang pake. I-aapproach ko sana kaso nung may lumapit sa kanyang classmate natin, tinignan niya lang tapos iniwasan" dagdag pa nito

"Maybe we just don't know Chester well kaya ganun na lang natin siya mapansin" sagot ni Maine

"And as far as I can see, pili lang talaga ang pinapakisamahan niya. We don't know his story" sagot ko naman

"Nevermind about that, tara sa gym" pag-aya naman ni Isobelle

Pagkarating namin sa gym, ang dami ng tao. Half of the gym ay mga students of St. Celestine while half is our school. Maingay na rin ng dumating kami, nagpa-practice na rin ang both teams kaya di na rin namin sila nalapitan.

Naupo kami malapit sa bleachers ng players pero kita pa rin naman ang kabuuan ng court. Nakita ko rin ang mga kaklase namin na to do cheer kanila Neil, nandon din ang mga cheerleader ng school namin.

"Ayos ka lang?" tanong ni Yahna

"Ah oo, first time ko lang manood ng ganito tapos sobrang daming tao" nag-aalinlangan kong sagot. Actually, ayaw ko rin sa crowded places feeling ko sobrang suffocated ako pero di ko ka lang pinakita sa kanila.

"May ilang minutes pa bago magsimula ang game, baka gusto niyo lapitan natin sila?" pagtatanong ni Claire

"Good idea, ito yung first game nila na nandito si Nickie. They need a goodluck from her" natatawang sambit ni Isobelle

Bumaba kami kung saan naroroon sila Neil, nagpapahinga sila para sa pagsisimula ng laro.

"Hey" bati ko sa kanya at naiilang siyang tumigin sakin.

"ohh hey" impit niyang bati.

"Are you okay?"

"ahmm yah"

There is something bothering him di ko lang ma-figure out kung ano.

"By the way, goodluck sa game niyo. Okay na ba yang paa mo?" paninimula ko ulit

"Yes, I'm fine. Thankyou" pilit siyang ngumiti sakin.

Kinakausap naman nila Maine ang iba pang boys para i-goodluck kaya naiwan kaming dalawa ni Neil na nakaupo sa may bleachers nila, walang ni isa ang nangahas para mag-usap kami.

I'm Inlove With My Forgotten BestfriendWhere stories live. Discover now