Chapter 24: I'm Inlove with my Forgotten Bestfriend

82 8 0
                                    

Nagising ako bandang tanghali na, tahimik pa rin ang buong bahay. Pumasok ako sa kwarto ng mga kaibigan kong babae, may konektadong pinto sa kwarto papunta roon. Mahimbing pa rin ang mga tulog nito. Lumabas ako ng kwarto at ganun din ang nakita ko. Tulugan pa rin sila Neil at nakita ko ang mga nagkalat na bote ng alak.

"Nagpabili pa 'tong mga 'to" kinuha ko ang mga boteng nagkalat sa sala at lumabas ng bahay para pumunta kanila tita at magpahanda ng pagkain.

"Tita?" tawag ko nang makapasok ako sa kusina nila at dumeretso sa sala nila.

"Oh ineng, bakit?" tanong niya agad nang makita ako.

"Pwede po ba magpahain ng tanghalian? Nandyan po kasi ang mga kaibigan ko, wala naman pong mga stock ng pagkain sa rest house"

"Ayun lang ba? sige ako na ang bahala, dadalhin ko na lang sa gazebo" nakangiting sambit ni tita at naghanda na ng mga iluluto niya at ako naman ay bumalik na sa rest house.

Gising na ang mga kaibigan ko ng nakabalik ako sa rest house. Naglalabasan na rin sila at pumunta sa gazebo.

"Ang sarap mag-stay dito. Paggising nature agad, hindi ramdam ang sobrang init" bulalas agad ni Claire ng pagbaba ng bahay.

"Oh edi maiwan ka na dito" sagot naman ni Kyle

"Tantanan mo ko ha, ang aga aga" pagbabanta nito sa kanya.

Nagkakailangan kami ni Neil nang magkatinginan kami. Nginitian ko na lang siya at nginitian na lang din niya ako. Naupo na kami sa gazebo at hinintay ang pagkain namin.

"Ang tahimik, Nickie at Neil mag-usap na nga kayo" paninira ng katahimikan ni Adrian at matalim lang siyang tinignan ni Neil.

"Parang mas bagay na kayo ang mag-usap, tingin palang ni Neil pwede ka na mamahinga jan" pang-aasar ko na naman sa kanya.

Natahimik na kaming lahat ng dumating ang nilutong pagkain ni tita para sa amin. Tinulungan ko na si tita na maghain para sa amin. Matapos na maghain ay kumain kaming agad.

"Ang sarap naman po nitong hinain niyo, ano po ito?" pag-uusisa ni Gabriel sa pagkain

"Patay gutom" singhal naman ni Maine sa kanya.

"Ay nako hijo, sinaing na tulingan yan kung tawagin dito sa amin" nakangiting sambit ni tita sa amin at inisa-isa ang mga putaheng nakahain sa amin.

"Ito naman ay pochero, madalas na nakahain yan tuwing fiesta rito. Ito naman ay tinolang tagalog na manok, itong isda naman na ito ay kung tawagin dito ay dugong, inihaw yan, yan kasi ang masarap na luto. Syempre hindi mawawala ang kilalang lomi Batangas at itong malagkit ay sinugno, pwedeng panghimagas at meryenda" nakangiting sambit ni tita habang binabanggit ang mga putahe. Matapos nun ay umalis na siya dahil may gagawin pa raw siya.

Tahimik lamang kaming kumain at ninamnam ang bawat putahe. Ngayon na lang ulit ako nakakakin ng mga putahe rito na si tita ang nagluto.

Matapos namin kumain ay nagpunta kami sa resort dahil nagkayayaan na maligo kami. Nagsuot lang ako ng terno rush guard ko at ganun din ang mga kaibigan kong babae samantalang ang mga kalalakihan naman ay mga naka-summer shorts at walang pang-itaas.

"Eyes up, sweety" nakangising sambit ni Neil at inirapan ko siya. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisnge ko sa sinabi niya.

"Nahuli ka tuloy" pang-aasar naman ni Kyle sa akin ag binatukan ko siya agad.

Lumusong na kami sa malamig na tubig ng dagat at nagpunta sa malalim na parte dahil low tide, mamayang gabi pa ulit tataas ang tubig.

"Nickie, di ba pinsan mo yun?" turo ni Yahna sa isa kong pinsan ko na kasama rin ata ang mga pinsan namin at hindi ko kilala yung iba.

I'm Inlove With My Forgotten BestfriendWhere stories live. Discover now