Chapter 20: Voice

62 7 0
                                    

Nang natapos kong malaman ang lahat pati na ang taong nagpapadala ng mensahe sa akin. Hindi man ako sigurado kung si Lander ba talaga iyon o hindi pero umaasa ako na sana siya nga iyon.

Dumeretso ako ng tabing dagat para magpahangin at ibuhos lahat ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Kung sino pa ang pinagkakatiwalaan ko ng sobra sila pa pala ang mananakit sakin ng sobra sobra. Really, too much is too bad." napapailing na lang ako habang kinakausap ang sarili ko.

Nakatingin lang ako sa kawalan. Dinadama ang malamig na simoy ng hangin at ang kalmadong mga alon.

"Hey" he greeted.

I immediately wiped out my tears before facing him. I saw the smile in his face and he sat down beside me.

"Hey" I greeted back.

"Hindi na kita tatanungin kung okay ka kasi mukhang hindi naman" seryoso niyang sabi habang nakatingin sa dagat at bumabato ng mga bato na pinapatalon doon.

"Ang sakit pala" bulalas ko sa kawalan.

"Everything is painful, naiiba lang kung paano i-take ng tao" sagot niya agad habang nakatingin pa rin sa dagat.

"I don't know how to handle this. Buong buhay ko naging isang laro, napaglaruan ako ng mga taong nasa paligid ko" at nag-uunahan na naman ang pagpatak ng mga luha ko.

"Cry until the pain gone" sabi niya agad.

"Why do you care, Chester?" out of nowhere I asked him.

"I don't know, I saw you here sobbing so nilapitan kita. Be thankful na lang, woman" iritado niyang sabi sa akin.

Silence filled us. Gusto kong mapag-isa pero ayaw akong iwanan ng taong ito. I want to burst out everything but I can't because of him. Ayokong marinig niya ang mga hinaing ko, he's just a person I know and not that important after all.

"Burst it out. The more na tinatago mo yung sakit, mas masasaktan ka. Don't mind me" seryoso niya pa ring sambit pero hindi pa rin tumitingin sakin.

"I don't know anymore, hindi ko na kilala yung sarili ko. I just want to be happy pero hindi ko makuha kuha. Nagiging masaya nga ako panandalian pero ang tindi ng lungkot na kapalit. Ganunba kahirap maging masaya? Pucha naman. In my age now, parang sobrang tanda ko na to face this" natatawa akong napailing habang nagsasalita.

"Happiness is a choice. Kasalanan mo na kung hindi mo pipiliin maging masaya. Oo mahirap maging masaya kung marami ang nagiging hadlang so bare with it. Hindi sa lahat ng oras papabor sayo ang mundo, mas maraming sakit ang darating sayo lalo na kapag hindi mo tinatanggap kung ano ang mga nangyayari sayo" dere-deretsong sabi habang nakatingin sa ibaba. Hindi ko alam pero ramdam kong may sakit sa mga binibitawan niyang salita.

"How can you say that?"

"I don't know. Maybe that's what I feel right now" sabay tumingin siya sa akin at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Why?" I asked instantly

Tumahimik lang siya at tumingin sa mga langin tapos humiga sa mga buhangin.

"I hate seeing someone crying. I feel na I have a responsibility to ease their pain kahit hindi ko kilala. I don't know but the reality is, kahit anong lungkot ko, ano mang sakit ang dumating, time can't heal it only acceptance and letting go. In your case, you should accept what is bothering to you" dere-deretso niyang sambit habang nakatingin ako sa kanya.

Should I accept na hindi ko na ulit makikita ang bestfriend ko and let him go so I can move forward from my new life?

Napailing na lang ako sa isipan kong iyon. I hate my family for not telling me this, feeling ko may kulang sa akin. All this time, I'm finding for an answers for my questions pero ang nag-iisang katanungan ko hindi masagot-sagot

Where are you, Lander?

Napansin ko na lang na wala na si Chester sa tabi ko kaya tumayo na rin ako bumalik sa rest house namin. Nadatnan ko sa gazebo si Ate Dylan. Aakyat na sana ako sa bahay ng bigla niya akong tawagin.

"Nickie, c-can we talk?" seryoso niyang tanong sa akin at binigyan ko lang siya ng ngiti tapos lumapit sa kanya.

"Don't worry, Ate Dyl. Hindi ako galit sayo, kanila Daddy at Mommy ako galit but I know I don't have any rights para magalit sa kanila, they are still our parents" I smiled.

"I don't know what to say but I want to talk to you"

"I have question"

"What?"

"Do you...ahmmm... know anything about Lander?"

"He's your bestfriend. Nakilala mo siya nung ma-meet mo siya sa resort. He's dad now is the owner of our resort."

"You know he's full name?"

"Yun ang hindi ko alam. I tried to searched his name before pero hindi ko makita. May list kasi tayo ng mga guests noon, matapos nung aksidente naisipan ko siyang hanapin to inform him kaso wala." malungkot na sabi ni ate sa akin.

"Arrghhh!! Bakit ko ba hinahanap yung taong ayaw magpahanap?" frustrated kong sigaw.

"Huwag mong hanapin, kusa yan darating. Magulat ka, kumakaway na lang siya sayo" natatawang sambit ni Kuya Mak na may dalang bote ng Tanduay Ice

"Hoy wag kang painosente jan Dylan, ito sayo oh" sabay inabot ni kuya ang isang bote.

"Since, 18 ka na naman or 19 pwede ka na uminom" kukuha na sana ako ng isang bote pero tinapik niya bigla ang kamay ko at may inabot sa akin.

"Gatas ka lang ineng" natatawa niyang sabi kaya inirapan ko siya at hindi kinuha ang gatas na binibigay niya.

"Pero ito seryoso, magigising ka na lang isang araw nanjan na yung taong hinahanap mo. Darating din yun kung gusto niya, di ba nagme-message siya sayo? Bakit hindi mo i-try tawagan o kaya imessage mo rin" suhesyon ni Kuya sa akin ay umiling lang ako.

"No. I'm not sure nga kung siya yun o hindi. Ayokong umasa kuya, masakit" nakayuko kong sambit sa kanya.

"I don't know why do you want to know or meet that person. He left you 5 years ago" seryosong sambit ni ate sa akin

"Same ate, I don't know why I'm finding him, maybe may big part siya ng life ko before na hindi niyo alam kaya gusto ko siya makita ulit" ismid kog sagot sa kanya.

"Pero di ba sabi mo Ate, dad niya ang may ari na ng resort natin. Do you know theire surname?"

"No. Wala akong pagkakakilanlan sa kanila. You know, I don't want to be involved sa business natin"

Napa-face palm na lang ako at pumasok sa bahay tapos dumeretso sa kwarto ko. Nag-shower ako at nagpalit ng pantulog sabay ibinagsak ang katawan ko sa kama.

Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip kung gagawin ko ba ang sinabi ni Kuya Mak.

Should I call him?

"Arrgghhh!!! Nakakaasar naman." sigaw ko

Pinaglaruan ko lang ang cellphone ko, pinaikot ikot sa kamay ko. Hindi ako tinatamaan ng antok kaya lumabas ako sa may veranda ng kwarto ko. Humahampas ang malamig na hangin sa akin.

"I've decied, I'll call him" I dialed his number, immediately. I heard it ringing that makes me smile. After more than three rings, may sumagot.

"Hello, this is Lander? I'm Nickie" napatayo ako agad dahil sa gulat.

"Hi" sambit ng tao sa kabilang telepono. Nagtayuan ang balahibo ko nang marinig ang boses niya tapos namatay na ang tawag.

That manly voice, no It's not him. Maybe someone tricked me. It couldn't be him. Noooooooo!!!





To be continued ♡...

I'm Inlove With My Forgotten BestfriendWhere stories live. Discover now