Chapter 25: fin heureuse

89 7 0
                                    

The next morning, naririnig ko na ang mga ingay ng mga kaibigan ko sa gazebo. May nakahain na ring pagkain doon. Tanghali na ako nang magising. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang nangyari.

Hinanap ng mata ko kung nasaan si Neil pero hindi ko nakita. I love that person so much kaya hindi ko akalain na susukuan niya aki ng ganun lang but I know, Neil is happy with his decision.

Bagsak ang braso ko ng lumapit sa kanila at agad naman nila akong inalok ng pagkain. Umupo na ako sa upuan ko at kumain na rin.

"Nasaan si Neil?" bulalas kong tanong sa kanila na ikinatigil naman nila.

"May kakausapin daw siya pero babalik din naman daw bago magdilim" simpleng sagot ni Adrian at ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

Natapos kami sa pagkain at si Claire at Isobelle na ang nagpresentang maglinis. Inayos ko naman ang mga gamit ko dahil sa susunod na araw ay babalik na kami ng Manila.

Magdidilim na ng matapos ako mag-ayos ng gamit ko. Lumabas ako ng kwarto ko, tahimik sa labas at hindi ko nakita ang mga kaibigan ko.

"Bago raw magdilim nandito na siya pero bakit wala pa?" pagkausap ko sa sarili ko habang inaantay si Neil.

Naupo lang ako sa may hagdan ng bahay habang nag-aantay. Wala pa rin ang mga kaibigan ko, hindi ko alam kung nasaan sila. Namutawi na naman ang katahimikan. Naglakad ako papuntang gazebo at nakatingin sa kawalan.

Hindi ko na namalayan kung anong oras na pero nanatili pa rin akong naghihintay sa kanila.

"Anak, kumain ka na muna" sambit ni tita nang makarating gazebo, may dala-dala siyang pagkain para sa akin.

"Wala po akong gana" nakayuko kong sambit sa kanya

"Anak, huwag mong ikulong ang sarili mo kakahanap ng mga kasagutan jan sa katanungan mo. Tumingin ka sa paligid mo, may tanong naghihintay na bigyan mo nang pansin" makabuluhang sambit ni tita at nginitian ako tapos iniwan na ako.

Kinain ko ang dinala niyang pagkain at nagligpit sa gazebo. Papasok na sana ako ng may pumasok sa gazebo.

"Neil" bulalas ko nang makita siya at niyakap siya agad.

"Inantay kita, saan ka ba galing?" taka kong tanong sa kanya at kumalas na sa pagkakayakap.

"Jan lang sa tabi-tabi" malamig niyang sambit sa akin.

"Neil, look at me. Ano bang problema? If it's about last night, let's fix it"

"Nickie, may mga bagay na kailangan natin tanggapin na lang at huwag ng ipilit pa ang gusto natin kasi parehas lang tayong masasaktan. You're too precious, Nickie and you don't deserve the pain that cause me" kalmado niyang sambit habang nakatingin sa mga mata ko

"Bakit ka pa bumalik? Para ipamukha sa akin na hindi kita deserve? What the hell, Neil, all this time I thought we're fine. Kung alam ko lang namagkakaganito tayo, hindi na sana ako umuwi at hinayaan na ang mga alaala ko" at hindi na nga nagpatalo ang mga luha ko kaya't isa isa na 'tong bumagsak.

"You deserves to be happy and I'm not the one who will give the happiness your looking for. Don't worry, I'm still here for you no matter what and always remember, I love you at hindi magbabago yun. Hindi mo kailangan mamili dahil sa pagpipilian mo, ako na agad ang unang aalis" makabuluhang sambit niya sa akin kaya naguluhan naman ako.

"What do you mean?" taka kong tanong sa kanya at pinahiran ang mga luha kong pumatak

"Wait, what are you doing here?" taka kong tanong sa taong pumasok ng rest house namin.

"He's your happiness. I have to go" sabay hinalikan niya ako sa noo at iniwang nakatanga habang nakipag-apir sa lalaking nakatayo malapit sa gate ng rest house.

I'm Inlove With My Forgotten BestfriendWhere stories live. Discover now