- one

5.7K 113 131
                                    

Chapter One: Byun Baekhyun

----------------------------------------


"INAY! INAY!" Sigaw ni Baekhyun na agad na pumasok sa loob ng bahay nila. Agad naman siyang sinalubong ng kaniyang inay na may hawak pa na sandok dahil ito'y nagluluto.


"Ano ba't nagdudumali ka?!" Sigaw na sagot ng inay ni Baekhyun.


"INAY! NAGHAHANAP NG SCHOLAR SI MAYOR!" Masayang sambit ni Baekhyun. Nanlaki naman ang mga mata ng kanyang inay at agad na napangiti. Alam niyang malaki ang pangarap sa buhay ni Baekhyun at gustong gusto talaga nito pumunta sa Seoul para doon makapagtapos at maghanap ng trabraho dahil sa pangako niya sa mga magulang niya na i-aahon niya ito sa hirap.


"T-talaga ba?! Kukuhain ka ba ni Mayor?!" Sagot ni Inang Byun. Nakangiting tumango si Baekhyun.


"O-Oho inay! Ako po ang representative ng mataas na paaral ng suputan at alam niyo naman na kayang kaya kong i-pasa ang exam na yun nay!" Agad na niyakap ni Inang Byun ang anak at nagtutumalon sa tuwa.



"Ay nako, Kailangan malaman ito ng itay mo, Yeobo! Yeobo!" Tawag ng inang ni Baekhyun at lumabas naman sa isang kwarto ang itay ni Baekhyun. Agad na lumapit ang Itay ni Baekhyun sa kanyang mag-ina.


Isang magsasaka ang itay ni Baekhyun at kahit papaano nakakakain sila sa araw araw dahil sa ani ng palay at pagtatanim, ang kaniyang inay naman ay nasa bahay lang at kung minsan natanggap ng labahan sa mga nagpapalaba ng mga damit, kaya malaking opportunity na kay Baekhyun ang pagkuha sakaniya ng Scholar lalo na sa City pa ito. Isa rin sa mga pangarap niya.


"Ano ba't nagkakatuwaan kayo riyan?" Tanong ng tatay ni Baekhyun. Lumapit si Inang Byun kay Itang Byun at agad na sinabi ang magandang balita na nanggaling sa kanilang anak na si Baekhyun.


"T-totoo ba yan anak?" Hindi makapaniwalang tanong ni Itang Byun. Tumango si Baekhyun at ngumiti. Agad ring napangiti si Itang Byun dahil sa balita na nakarating sakaniya. Akala mo'y nanalo sa lotto ang tatay ni Baekhyun dahil sa sobrang tuwa.


"MGA KAPITBAHAY! MAGIGING SCHOLAR SA SEOUL ANG ANAK KO! MAKAKAPUNTA NA SIYA SA SEOUL! MGA KAPITBAHAY!" Nagsisigaw pa na sabi ni Itang Byun at nahihiyang napatingin si Baekhyun sa mga kapit bahay nilang nakatingin sakaniya at pinupuri siya at natutuwa naman siya sa mga supporta ng mga kababayan niya.








Nagising si Baekhyun mula sa sinag ng araw at agad na bumangon. Ito ang araw na titignan niya kung siya ay pasok sa scholarship na ibinigay ng Mayor. Agad siyang naligo at nagbihis ng uniporme at lumabas para magalmusal.


"Magandang umaga anak, kumain kana." Bungad na sabi ng kaniyang ina at nakangiting umupo si Baekhyun sa isang bakanteng upuan. Dahil sa araw-araw halos sabay sabay silang pamilya na kumakain. ang kanyang Itay, Inay at Baekbeom. Sa ngayon hinihintay nilanila ang nakakatandang kapatid na si Baekbeom.



"Asan po si Kuya, Itay?" Tanong ni Baekhyun habang sumasandok ng sinangag na kanin. Pagmayaman ka ang tawag sa sinangag, Fried Rice pero mahirap lang sila Baekhyun kaya sinagag ang tawag niya rito.


"Palabas na iyon ng kaniyang kuwarto, Baekbeom halika na rito't kakain na!" Sigaw ng kaniyang itay kaya lumabas na si Baekbeom sa kaniyang silid na bagong ligo rin.



"May lakad ka ba?" Tanong ng inay ni Baekhyun sa nakakatandang kapatid. Tumango si Baekbeom at umupo sa tabi ni Baekhyun. "Good morning Baek." Bati ni Baekbeom. "Ah opo, Inay, Itay. May tuturuan po ako ngayon." Sagot ni Baekbeom. Ito ang sideline ng Kuya ni Baekhyun. Magaling ito sa pagkabayo kaya naman talagang dinadayo siya sa probinsiya para magpaturo lamang. Bukod sa maganda ang pangangatawan at magandang muka, may talento rin itong taglay.



hyung • chanbaekhunWhere stories live. Discover now