- three

1.9K 97 52
                                    

Chapter Three: First Meet.

----------------------------------------

BAEKHYUN


Seoul, nasa harapan na kita ngayon. Maingay at maraming tao. Puro matataas na building at talagang ibang iba sa probinsiya sa Bucheon. Namimiss ko agad si Inay at Itay, pati si Kuya. Masayang masaya sila para sakin, sinabi sakin ni Kuya na mag ingat ako dito sa Seoul dahil minsan na nakapunta na siya rito. Natatakot ako, First time ko sa Seoul at talagang mahirap para sakin yun'.



"Yah Baekhyun!" Napalingon ako, Ah ngapala. Kasama ko yung bestfriend kong si Jongdae, parehas kaming nakuhang scholar at pupuntahan namin ngayon yung staff ng Presidente. Presidente pala ang magsusuporta sa scholarship namin. Kinakabahan ako kasi Presidente yun.


Goodluck, Baekhyun.


"Paano nga pala tayo makakapunta sa Main Office?" Tanong ko kay Jongdae, hindi namin alam kung saan kami pupunta, sasakay o basta. Basta kailangan muna namin pumunta sa Main Office para malaman namin kung saan kami mag-aaral saka magdodorm.


"Teka...magtanong tayo hehe hindi ko rin alam eh." Nauna siyang naglakad pero nakakahiyang magtanong kasi hindi manlang kami pinapansin ng mga dumadaan na tao, ganito ba talaga sa Seoul? Busy parin habang naglalakat at may hawak silang bagay? Cellphone. Alam ko lang pero hindi ko alam gamitin dahil hindi pa naman ako nagkaroon ng ganung bagay.



"Excuse me, Saan po ba pwedeng sumakay o paano po makakapunta sa Main Office ni President Park?" Tanong ko sa lalaki na mukang babae na nakasalubong ko lang sa daan. Napakunot yung noo niya at mukang napaisip.


"Kay President Park? Uhm, Tawag kayo ng Taxi then sabihin niyo sa Main Office ni President Park." Nakangiting sabi niya kaya ngumiti ako't nagbow sakaniya. "Maraming Salamat." Ngumiti ulit siya bago lumakad ulit. Tumakbo naman ako kay Jongdae at tinapik siya sa balikat.


"Sumakay daw tayo ng taxi tapos sabihin natin sa Main Office ni President Park!" Sabi ko kay Jongdae kaya naintindihan naman niya at nakahanap kami ng Taxi.



Nakarating na kami sa Main Office ng Presidente. Malaking building at sobrang ganda. Maraming tao na naglalamas-pasok sa loob at busy na busy sa daan. Parang invisible ka sa lugar na ito kung normal ka lang na tao.


"Wow, ang ganda dito Dae!" Nakatingala kami ni Jongdae sa mataas na building. "Oo nga Baekhyun, pasalamat talaga sa Scholarship na binigay ni Mayor at sa President pa tayo binigay." Napatango ako at napagdisisyunan naming pumasok sa loob at nagtanong tanong kung saan ang staff room at for scholarships na pwede namin makausap. Mabilis kaming nakarating sa 15th floor kasama ang isang trabrahador dito at inihatid kami sa isang kwarto.



May isang lalaking nakaupo sa upuan habang busy ito sa mga papers.


"Magandang Umaga po, k-kami po yung scholar na galing sa Bucheon..." Sabi ko at nagbow naman kami ni Jongdae. Tumayo yung lalaki at inalok ang kamay niya para sa shakehands at tinanggap naman namin yun ni Jongdae.



"Have a sit," turo niya sa upuan kaya umupo kami ni Jongdae. "Natutuwa akong nakarating kayo. We expected you two, actually. Ako nga pala si Zhang Yixing, secretary ng ating Presidente. Nasa ibang bansa siya ngayon at ako ang naiwan dito para sa mga scholar na dadating na katulad niyo." Napatango kami ni Jongdae. Sa sitwasyon ngayon para kaming na pipe sa mga nangyayari. Ako feeling ko nananaginip ako, kahit gusto ko magsalita ng magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.



hyung • chanbaekhunWhere stories live. Discover now