- seven

1.7K 87 21
                                    

Chapter Seven: Party

----------------------------------------

BAEKHYUN


Nauna na kong umuwi, si Jongdae wala pa may ginagawa pa raw siya sa school. Si Kyungsoo, hindi ko alam kung saan nag punta.



Kumain na ko ng hapunan, naligo na rin para mapresko yung katawan ko. Umupo ako sa sofa at nanood ng TV.



Pero hindi mawala sa isip ko yung mga kinilos ni Sehun kanina. Gusto niya raw ako, nakarandam ako ng tibok ng puso, naging malakas yung impact sakin. Si Sehun lang kasi yung lalaking nagsabi sakin na gusto niya ko.



Lahat nang nagugustuhan ko, sinasabihan ako ng kadiri. Sabagay, bakla ako. May mali dun pero hindi ko mautusan yung puso ko na tigilan niya. Mali kasi kapwa lalaki yung nagugustuhan ko. Pero, basta. Tanggap ko at tanggap ng pamilya ko kung ano ako.



"BAEKHYUN! BAEKHYUN!" Napalingon agad ako. Si Jongdae, naghahabol ng hininga.


"Anong nangyari?" Napatayo ako at sinalubong si Jongdae.

"Mamaya...mamaya...p-pumunta ka sa 69Bar ha? Please?!" Napakunot yung noo ko. 69Bar? Bar?!


"At bakit ako pupunta dun?" Napataas yung kilay ko at tinitigan si Jongdae. "A-ano...c-celebration daw.." Natatawang sabi niya at napakunot ang noo ko. Celebration?


"Ah? Sige, punta tayo—"


"May gagawin ako Baek eh, ikaw na lang muna. Tambak ako ng project na ibinigay ng principal." Ani ni Jongdae.


"Anong oras ba?" Tanong ko. "9PM." Sagot niya at napatango ako. "Sasama din ba si kyungsoo?" Tanong ko at tumango siya. "Oo? Saka daw si Luhan?" Napangiti ako at tumango.







THIRD PERSON'S VIEW


Nakataas noong naglakad papasok ng 69Bar si Sehun. Kasama niya si Jongin at agad naman silang nakapasok sa VVIP room. Sila lang ang tao dito at mga piling taong ininvite ni Sehun.



"Woah, another celebration. Party!" Sigaw ni Jongin at nakangising umupo si Sehun sa isang upuan at agad na kumuha ng brandy.


"Si Baekhyun, pupunta ba?" Tanong ni Jongin at ngumisi si Sehun at tumango. "Yes, Jongdae made it." Nakangising sabi ni Sehun at ininom ang isang basong brandy na hawak hawak.






Nakasuot ng jeans at puting plain tshirt si Baekhyun ng makarating siya sa labas ng 69Bar. Hindi niya alam kung papasok ba siya o hindi dahil hindi pa niya nakikita si Kyungsoo, hindi niya naman ito ma-text dahil wala siyang load.



"Sorry Sir, pero bawal kayong pumasok ng ganyan lang ang suot." Hinarang si Baekhyun ng bouncer dahil hindi pwede ang kanyang suot na damit. Expensive at talagang mayayaman lang talaga ang pumapasok sa loob ng bar na ito.


"Eh? Teka Kuya ininvite ako dito para sa party—" naputol ang pagpapaliwanag ni Baekhyun dahil nagulat siyang may umakbay sakaniya. Agad siyang napatingin.


"S-sehun.."


Agad na nagbow ang bouncer dahil sa paglitaw ni Sehun. "He is my, important person in my own party." Nakangising sabi ni Sehun at hindi na nakapagsalita si Baekhyun dahil dinala na siya ni Sehun sa loob.



hyung • chanbaekhunWhere stories live. Discover now