- thirty

1.2K 69 70
                                    

Chapter Thirty: Little Star
----------------------------------------


Nagmamadaling lumabas ng CR si Baekhyun. Agad siyang sinalubong ni Kyungsoo.


"Anong nangyari Baek? Sinaktan ka ba? Ano? Bakit ka umiiyak?" Sunod sunod na tanong ni Kyungsoo. Ngumuti lang si Baekhyun.



"Soo, sa tingin ko..panalo ako ngayon." Ngumiti si Baekhyun at pinunasan ang kanyang luha. "Ayoko magtanong kasi alam kong private na yun. Pero kung kailangan mo ng masasandalan. Nandito ako, kaming lahat para sayo."


Napangiti si Baekhyun. "Salamat, pero sa tingin ko, kailangan ko munang umuwi." Pinagmasdan ni Kyungsoo si Baekhyun. "Sigurado ka ba? Gusto mo ba samahan kita?" Umiling si Baekhyun. "Hindi na, kaya ko. Magenjoy na lang kayo dito. Okay?" Wala nang nagawa pa si Kyungsoo. Pero, inihatid niya si Baekhyun sa Parking lot.



"Call me pag nakauwi kana, okay?" Tumango si Baekhyun. "Okay. Thank you Kyungsoo." Ngumiti si Baekhyun at inistart na ang sasakyan.



Seryosong nagmamaneho si Baekhyun. Pilit na bumabalik ang eksena kanina. Ni-hindi niya na nakausap si Sehun. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya.


Pero may isang lugar siyang pinupuntahan, na nagsisilbing comfort place niya.




"Sino sila--Baekhyun?"





"M-mother Mary..."



Love Orphanage. Every week, months nagpupunta si Baekhyun dito. Lagi siyang nagvovolunteer sa Orphanage na to. Lagi din siyang nagdadala ng regalo, tuwing pupunta siya pero, sa ngayon? Kailangan niya ng yakap ni Mother Mary.



"Dis oras na ng gabi Anak. Halika, pumasok ka." Nagaalalang sabi ni Mother Mary at pinatuloy si Baekhyun sa loob.



"Anong problema, anak? Bakit ka umiiyak?" Yakap yakap ni Mother Mary si Baekhyun habang umiiyak ito.


"N-nagkita po kami.."



Natahimik si Mother Mary. Simula nung umalis si Chanyeol. 2 years ago, hindi na ito pumupunta o dumadalaw man lang sa Love Orphan. Ikinapagtaka yun ni Mother Mary dahil hindi ito sanay na ganun si Chanyeol.



"Shh. Iiyak mo lang anak, at asahan mo, bukas. Wala na yang sakit na nararandaman mo." Tinapik tapik ni Mother Mary ang likod ni Baekhyun ng mahina at hinahagod hagod ito habang yakap yakap si Baekhyun.



"Akala ko po...wala na, pero gumugulo pa din po siya sa isip ko."


"Anak, ganyan talaga ang buhay. Si Chanyeol ang unang lalaki na minahal mo. Parang impotanteng regalo lang yan, na una mong nakuha sa pinakamamahal mo, pag binigyan ka niya ng gamit at iyon ang unang ibinigay niya sa iyo at nawala, panigurado na manghihinayang ka, iisipin mo ng iisipin, hindi ba?" Paliwanag ni Mother Mary.



"Alam mo anak, lahat ng tao. May kanya kanyang buhay at desisyon, kung nag bago siya, desisyon niya yun. Hindi natin hawak ang buhay ng isang tao." Ngumiti si Mother Mary. "At lalong hindi lang si Chanyeol ang nagiisang lalaki, madami pa. Ang una, pwede ding palitan. Pero hindi mo kayang kalimutan."



"Minahal mo na, tama na." Dagdag ni Mother Mary. "Love Scenario by iKON." Hindi alam ni Baekhyun kung bakit bigla siyang tumawa sa sinabi ni Mother Mary.



"Millennial po kayo ah?" Tumawa si Mother Mary. "Ako pa ba? Sweg~" nakangising sabi ni Mother Mary. "Anak, pinapatawa lang kita para mabawasbawasan ang nararandaman mo, Maraming nagmamahal sayo. Magulang mo, ang Panginoon, ang mga kaibigan mo, ako, at ang mga bata dito sa Orphan." Sabi ni Mother Mary. "Hindi mo dapat iniiyakan ang hindi pa patay, hindi mo dapat iniiyakan ang mga taong sinaktan ka. Anak ka ng Dyos, at mahal na mahal ka niya." Dagdag ni Mother Mary.




hyung • chanbaekhunWhere stories live. Discover now