Chapter Seven

18.7K 476 17
                                    

NASA sala si Sam at abala sa paghahanap ng trabaho sa Internet gamit ang kanyang laptop computer nang dumating si Christian. May kasama itong marahil ay kasing-edad din nitong dalagita.

"Ate Sam, kaibigan ko, si Andi."

Tiningnan niya ang ipinakilala nito. Napangiti siya. Quite a pretty girl. Kahit ano pa ito ng kanyang kapatid ay okay lang. Ibig sabihin niyon ay hindi totally "girl" ang kapatid. Nagkakainteres naman pala ito sa opposite sex. She was hoping na sana ay crush ni Christian ang Andi na ito. At nagpapa-cute ang kapatid niya rito.

"Girlfriend ka ba ni Christian?" diretso niyang tanong kay Andi.

"I wish," sagot nito saka inilahad ang palad. "My name's Alexander but you can call me 'Andi' just like Mr. Pretty Boy here." Inakbayan nito si Christian na agad namang pumiksi.

"Kadiri ka! Yuck 'yang iniisip mo, 'no!" reklamo rito ni Christian.

"Sus! Alam ko namang babae ka, eh." Pinalalim nito ang boses. "Ah, Miss, puwede ka bang ligawan?"

Bigla siyang napabungisngis. She was going to like Andi. Baka puwede nitong mapatino ang kapatid niya.

"So, saan at paano kayo nagkakilala?" she asked, turning off her computer. "Bakit ngayon lang kita nakita rito, Andi?"

Napansin niyang nagkatinginan ang mga ito. Napakunot-noo tuloy siya. Parang may sekreto ang mga itong ayaw ipaalam sa kanya.

"Ay, may kopya pala kayo nito," ani Andi. Hawak nito ang isang magazine na madalas niyang makitang binabasa, or rather, tinititigan ni Christian.

"Yup," sagot ng kapatid niya. "And mind you, lahat yata ng babae sa Pilipinas ay may kopya niyan. So, who's your favorite among those babelicious hunks?"

Lalo pa siyang napakunot-noo. Ano raw iyon? May bago na namang salita ang kapatid niya na hindi niya maintindihan.

"I don't like them. I like you," sagot naman ni Andi.

Muli siyang napangiti. Talagang makakasundo ko ito. She knows how to put little brother in his place.

"Duh. I'm off the market. So, who's your favorite?"

Sumalampak si Andi sa sofa saka binuklat ang magazine.

"Hmm, let's see... Ah, here it is. Nathaniel Figueroa. He looks kinda nice here."

"Nice?" ulit ni Christian. "Iyon lang ang masasabi mo kay Nathaniel Figueroa?"

Hinayaan na lamang niyang magdiskusyon ang mga ito. Nakinig na lamang siya sa mga sinasabi ng mga ito.

"Well, he's not just nice." Tumingala ang kapatid niya habang pumipitik ang mga daliri. "What would I call him? Ahm... gorgeous? Handsome? Wonderful?"

Try none of the above, gusto sana niyang sabihin.

"Binayaran ka siguro nito, ano?" sabi rito ni Andi bago bumaling sa kanya. "Ikaw, Ate Sam, ano ang tingin mo kay Nathaniel Figueroa?"

"Sino iyon?"

Namilog ang mga mata nito. "You don't know him? Wow! Meron pa palang hindi nakakakilala sa ku—sa taong iyon."

"Haay, naku, asa ka pa sa ate kong iyan," dugtong naman ng kapatid niya.

"Sa hindi ko kilala ang tinutukoy ninyo, eh."

"Ang jologs mo talaga, sister. Mamundok ka na nga lang." Tumabi ito sa kaibigan saka tinitigan ang larawan sa pahinang nakabukas.

"On second thought, manatili ka na lang dito at pagkatapos ay agawin mo si Nathaniel sa kanyang mga girlfriends," anang kanyang kapatid.

"Don't mind him, Ate Sam. Wait, I heard na nakarating na siya rito. So, how was he?"

Akala pa man din niya ay nakatagpo na siya ng kasagutan para sa problema niya sa kapatid. Iyon pala ay isa pang makulit ang nakita nito at isinama pa sa kanilang bahay. Mukhang magkasangga pa ang mga ito sa pakikialam sa buhay niya.

"Ewan ko sa inyo. At saka sino ba iyang pinag-uukulan ninyo ng pansin?" Kunuha niya ang magazine na hawak ng kapatid at tiningnan ang blowup picture na pinagkakaguluhan ng mga ito. "Eh, ito iyong lalaking nakadisgrasya sa akin noon, ah."

Narinig niyang napasinghap ang mga ito.

"Really, Ate Sam?" tanong ni Andi. "Buntis ka?"

"Ay, type!" sigaw naman ng kapatid niya.

"Tse! Tigilan n'yo ako, ha!"

Nabaling na ang atensiyon niya sa larawan. Yeah, this is the guy. Ang estupidong lalaking nakabanggaan niya noong isang linggo sa Rancho Estate. Funny, he never looked that good when she last saw him. Well, not that he was ugly. He was far from being that.

But he still got those attractive dreadlocks, his hawk-winged eyebrows which, she observed, automatically snapped up when he was amused, his perfect aristocratic nose and very sensual but firm lips. Her favorite feature on his face was his eyes. Those brown eyes that seemed to soften his rugged looks.

But those attributes didn't change her opinion about him. Sa larawan nito sa magazine na iyon, tila ito isang napakabait na santo. But she knew better.

She read the caption below his picture. "'Nathaniel Figueroa: The Untamed Stud.'" Gusto niyang hanapin ang writer niyon at pagsabihan. Dahil alam niya, Nathaniel Figueroa was far from being untamed.

"Kung ako ang masusunod, hindi iyan ang ibibigay kong caption sa kanya," aniya. "His title would be 'Nathaniel Figueroa: King of the Jerks.'"

Inihagis niya pabalik sa kapatid ang magazine.

"Wala ba talaga siyang appeal sa iyo, Ate Sam?" tanong ni Andi. "I mean, guwapo naman siya, 'di ba?"

"Oo nga, Ate. I'm sure bagay na bagay kayo n'on."

"Hoy, kayong dalawa, tigilan na ninyo ako! Wala akong panahon sa mga ganyan." Tumayo na siya at tinungo ang pinto.

Palabas na siya ng pintuan nang muli siyang tawagin ng mga ito. "We could set you up on a date para magkakilala naman kayo nang husto," hirit pa ni Andi. "Sagot namin lahat ng gastos, 'di ba, Christian?"

Tumango naman ang kapatid niya.

"Do that and I'll kill you. Both of you." Tinalikuran na niya ang mga ito.

Kissing Miss WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon