Chapter Eleven

15.8K 202 3
                                    

"PARE, gising ka na ba?"

Tinakpan ni Nathan ng unan ang ulo habang hawak ang cordless phone.

"Byron, you're crazy!" aniya sa haggard na tinig dahil kagigising lang niya at wala pa siyang balak na bumangon. "It's Saturday and it's only seven in the morning. Give me a break, man!"

"Its already eight, actually. At alam mong may affair tayo ngayon sa covered court ng Rancho Estate," pahayag nito sa kabilang linya.

Ang affair na tinutukoy nito ay isang get-together ng mga residente ng Rancho Estate. Para naman daw magkakilala ang bawat naninirahan doon. It was a perfect opportunity to know his neighbors but right now was a bad timing. Ang gusto lang niyang gawin sa araw na iyon ay magbabad sa kanyang silid.

"Pakisabi na lang kay Alec na may sakit ako kaya hindi ako makakadalo ngayon."

"Oo. At pagkatapos ay diyan sa bahay mo ililipat ng kapatid niyang si Jersey ang party. Would you rather want that?"

"No!" Napabalikwas siyang bigla. The one thing he didn't need at that moment was another nosy girl roaming around his house.

Kaya nga siya nagsarili na ay dahil gusto na niyang makawala sa pangungulit ng kapatid niya. At hindi niya hahayaang makalapit man lang sa kanyang tahanan ang makulit na kapatid ng presidente ng homeowners association ng Rancho Estate.

"Kung ganoon, maghanda ka na. Kadaraan lang ni Axel galing sa pagdya-jogging at sinabing pupunta rin siya. Si Thad ay ganoon din."

"Oh, all right." Tuluyan na siyang tumayo. "Ano nga pala iyang naririnig kong ingay?"

"Pressurized water. I'm washing my car. Wait, meron ka na bang ibabandera mamaya?"

"Ibabandera?"

"Oo. Alam mo namang ang gathering din na iyon ay hindi lang basta acquaintance party. Pasiklaban din ng mga girlfriends."

"Gago! Ano'ng akala mo sa akin, makikigulo pa sa munting kompetisyong iyon? Come on, Byron, hindi na tayo bata."

"Hey, pinaaalalahanan lang kita. Magkaibigan tayo kaya ayokong magmukha kang kawawa mamaya kung wala kang bitbit na chick."

Saglit siyang nag-isip. "Nah. Magpapakita lang ako kay Alec and then magpapaalam na ako dahil gusto ko talagang magpahinga sa araw na ito."

"Well, good luck at sana ay makumbinsi mo ang napakapormal na presidente nating iyon."

"Image na talaga iyon ni Alec." Muli niyang sinulyapan ang kama, then decided to go back to sleep.

"Paano, pare, kita na lang tayo mamaya?"

Umungol lamang siya habang hinahayaang akitin siya ng malambot na kama sa pagtulog. Ang huling naramdaman niya ay ang pagbagsak ng kung ano mula sa kanyang kamay. Until another call woke him up.


"KUYA!" bungad ng matinis na tinig ni Xander.

"Oh, no..." ungol ni Nathan.

"Oh, yes. Punta ako riyan, ha?"

Tuluyan nang nawala ang kanyang antok.

"You can't."

"Hmp! Ayaw mo lang talaga akong papuntahin diyan." Narinig niyang humikbi-hikbi ito. "Siguro ikanakahiya mo na ako, ano? Hindi mo na ako mahal."

Naihilamos niya ang mga kamay sa kanyang mukha. There goes her "poem" again. Pero hindi pa rin niya maiwasang maawa rito.

"Xander, hindi ka maaaring pumunta rito dahil may activity ngayon ang Rancho Estate. Walang mag-aasikaso sa iyo."

"Eh, di isama mo na lang ako. Sige na, Kuya, para naman makarating ako riyan."

"You know my address. Kung gusto mong pumunta rito, kahit ayaw ko, alam kong wala akong magagawa."

"Kilala mo rin ako, Kuya. Hindi ako pupunta riyan hangga't hindi ka pumapayag. May paggalang pa rin naman ako sa iyo kahit na minsan nagiging pakialamera ako."

"Right." Bolera talaga ang kapatid niya.

"So, payag ka na?"

"The answer is still 'no.'"

Nasisiguro niyang malaking gulo ang dala nito oras na patuntungin niya ito sa Rancho Estate; particularly in his house where no woman had ever been to.

"Hmp. Ang sabihin mo may babae ka lang diyan kaya—"

"Puwede ba, little sister? Ni wala nga akong ka-date para sa gathering mamaya."

"Ikaw, mawawalan ng babae?"

"Yes, if you must know."

"Then kailangan mo nga ang tulong ko—"

"Which will put me in trouble if I let you. So, bye, sis. May aasikasuhin pa ako."

Pinatay na niya ang telepono bago pa ito makahirit.

He walked by the window and looked out. Women. They always made his head ache. Pero hindi rin naman niya magawang lumayo sa mga ito.

"Especially Samantha Adriano," bulong niya habang unti-unting gumuguhit sa kanyang mga labi ang isang pilyong ngiti. "That particular one is something."

Kissing Miss WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon