Chapter Twenty

16.7K 368 8
                                    

SA ISANG fast-food chain siya dinala ni Nathan. Ipinagpasalamat niyang doon siya nito dinala. Dahil hindi niya alam kung makakain pa siya nang matino kung doon sila ulit pumunta sa restaurant na pinagdalhan nito sa kanya noon.

Habang kumakain ay iniiwasan niyang mapadako ang tingin sa direksiyon nito. Kanina pa kasi niya napupunang iba ang ikinikilos nito. Kung hindi lang niya kabisado ang ugali nito ay iisipin niyang nanliligaw ito sa kanya.

"Dahan-dahan lang at baka mabulunan ka."

Noon lang niya ito binalingan.

"Don't mind me. Ikaw ang dapat na kumakain." French fries lang kasi ang nagagalaw nito.

"I'm fine. Para talaga sa iyo ang celebration na ito. At bilang bawi ko na rin noong una tayong kumain sa labas. Napansin ko kasing hindi ka gaanong nag-enjoy sa pagkain mo dahil nilunod mo lang ang sarili mo sa champagne."

"Ipaalala pa raw ba?"

"Just kidding," bawi nito. "Pero kanina ko pa napapansin na masarap ka palang ilibre. Hindi ka kasi mapili sa pagkain and I like that."

"Well, wala kang magiging problema sa akin pagdating sa mga ganyang bagay. Besides, nakakapang-hinayang naman talaga kung hindi mo kakainin ang mga nakahain sa mesa. Isa pa, minsan lang may nanlibre sa akin kaya susulitin ko na." Ngumiti siya rito.

"Come on, don't tell me na walang nanlilibre sa iyo? Hindi na ako maniniwala niyan."

"Why not? Eh, sa wala talagang gustong manlibre sa akin." She took a bite at her humburger. "Hindi ko sila masisisi. I have a huge appetite as you can see."

"You mean, kahit mga manliligaw mo ay hindi ka magawang i-treat sa labas?"

"Sorry to disappoint you pero hindi ko ginagamit ang magandang mukha kong ito para lang makapang-akit ng mga lalaking manlilibre sa akin."

"And how can you be so sure na hindi nga ako naaakit sa iyo?"

For some weird moment, she thought he was telling the truth. But when she looked at him, flashing her his million-dollar smile, it made her think otherwise.

"I want to ask you something, Sam. " Tumango siya. "Kung naiba lang ang sitwasyon natin, papayag ka bang... you know, makipag-date sa akin?"

Umiling siya.

"Why not?"

"For a very simple reason na ikaw si Nathaniel Figueroa."

"And what's that got to do with us?"

"Ibig sabihin n'on, sikat ka at ayokong laging makakaladkad sa media ang buhay ko. And there are only two things I hate in this world. Politics and show business."

"Pero hindi naman ako pulitiko o artista."

"Maybe. But you're still a high-profile personality. Celebrity na ang status mo at ng mga kaibigan mo."

Medyo pumormal ang mukha nito, marahil ay hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. But she was only telling him the truth.

"So, you knew about us."

"Who wouldn't?" Kumumpas siya. "Four most eligible bachelors of Manila's elite."

"That's the work of the media. You should know that. Hindi ba't Journalism graduate ka?"

"Not yet. How did you know that?"

"Xander," sagot nito. "Mabalik tayo sa usapan. Hindi dahil masyado kaming na-build up ng media, eh, unreachable na kami. We also have a normal life, you know."

"Ah, reality check, Nathan. You are unreachable."

"Kung ganoon, bakit kasama mo ako ngayon at kumakain sa fast-food chain na ito? Teka, kaya ka ba laging galit sa akin ay dahil doon?"

Kissing Miss WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon