Chapter Twenty-three

16.8K 348 9
                                    

nito nang makalapag siya sa domestic airport nang hapong iyon. Magkasama sila nitong nagtungo sa Palawan para sa isang in-depth report tungkol sa nangyaring trahedya sa isang hotel doon.

Akala niya ay maraming patay pero wala naman pala. Kaya lang naman naging big deal iyon ay dahil isa sa mga naging biktima ng misteryosong kaguluhan ay ang kaibigan ni Byron na si Axel de Roque. Naging interesado lang siya nang malamang kilalang mga tao ang iba pang biktima, lalo na nang unti-unting naglitawan ang mga babae ng Café Helenas sa Palawan.

Kumikirot na ang kanyang ulo. Masyado na nga yata siyang babad sa trabaho. Ilang buwan na ba ang nakakaraan mula nang kunin siya ni Byron bilang reporter nito? Dalawa? Tatlo? Hindi na niya matandaan.

Kumusta na kaya si Nathan?

Mula nang huli silang mag-usap ay wala na siyang narinig pa rito. Wala ring masabi sa kanya si Andi dahil hindi naman daw ito nagpupunta sa Rancho Estate.

Mabuti na rin siguro na sa ganoon na lang natapos ang istorya nila ni Nathan. Na hindi na nito nalaman ang damdamin niya. But God only knows kung kailan siya iibig muli.

Kaya nga inaabala niya nang husto ang sarili sa kanyang mga assignments dahil alam niyang sa sandaling wala siyang ginagawa ay si Nathan agad ang maiisip niya.

Inihilig niya ang ulo sa headrest ng sinasakyang taxi. Hindi na naman gumagalaw ang trapiko. Well, ganoon naman palagi. Mas magtataka siguro siya kung luluwag ang mga kalsada sa Manila.

She was about to close her eyes when she spotted a familiar car. Halos katabi lamang iyon ng sinasakyan niya. At lalong mas pamilyar sa kanya ang lalaking sakay niyon... na may kahalikang babae!

Hindi niya alam kung magagalit o iiyak nang mga sandaling iyon. Pero hindi na niya kailangang mamili dahil naramdaman na niya ang mainit na likidong umaagos sa kanyang mga pisngi. Ngunit hindi niya maalis ang mga mata sa kotse ni Nathan. He didn't even bother to close his car window!

Natigilan ito nang magmulat ito ng mga mata at magtama ang kanilang mga paningin.

Binalingan niya ang taxi driver. "Manong, puwede ho bang pakibilisan naman ho ang takbo ng taxi ninyo?" pakiusap niya rito, kahit alam niyang imposible iyong mangyari.

She had seen enough.

"Ako na lang ho kaya ang magmamaneho, manong? Babayaran ko pa rin kayo nang buo basta makaalis lang tayo rito agad. May lisensiya naman ho ako, eh."

Ewan niya kung saglit lang itong nalito o talagang naawa sa kanya ang driver dahil wala itong imik na pinagbigyan siya. Still teary-eyed, naghanap siya ng malulusutang daan sa kabila ng buhul-buhol na trapiko.


MAHINAHON na si Sam nang makarating sa kanilang bahay. Mag-aalas-sais na noon. Naabutan niya roon ang masugid na manliligaw na si Francis. Kahit na tila siya lasing na susuray-suray na naglakad patungo sa sala ay buo ang pasya niyang tapusin na ang pangungulit nito. Pagkatapos ay saka na siya mag-e-emote sa kanyang silid.

"You're a good guy, Francis. Hindi ka mahirap mahalin. Pero pasensiya ka na kung hindi ko matutugunan ang damdamin mo."

"It's that Nathan guy, isn't it?" tanong nito. "Unang kita ko pa lang sa inyo sa restaurant noon, I already knew there was something special going on between you two."

"I hate to admit this to you, but you're wrong."

Ngumiti lamang ito. "Whatever you say. In any case, masuwerte pa rin siya." Tumayo na ito. "Before I go, puwede bang mayakap kita? For old times' sake? Nami-miss ko kasi ang group hug natin nina Christian noong mga bata pa tayo."

Nakangiti niya itong pinagbigyan. They were still hugging nang marinig nila ang pagtikhim ng kung sino. Napalingon siya sa pintuan at ang nakakunot-noong si Nathan ang kanyang nakita. Seryoso itong nakatitig sa kanya.

"Am I interrupting something?" tanong nito.

"Hindi naman," sagot ni Francis. "Paalis na rin ako." Dinampian siya nito ng halik sa pisngi. "I'll see you, Sammy."

Ilang minuto nang nakakaalis si Francis ay mataman pa rin siyang pinagmamasdan ni Nathan.

"Kung may kailangan ka, sabihin mo na agad. Marami pa akong gagawin."

In a few strides, he was already standing in front of her. His nearness overwhelmed her and he was gazing at her intently.

Damn! He looked so handsome and she missed him so much!

"You have time to kiss and hug that guy but you don't have time for me. Really, Sam, you're making me feel left out."

"What are you—"

Natagpuan na lamang niya ang sariling nakakulong na sa mga bisig nito, his mouth was hovering over hers. Tila huminto ang pag-inog ng mundo sa kanilang dalawa. Her thoughts were in chaos at kulang ang salitang "shock" para ipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

Sarisaring emosyon ang nagsasalimbayan sa kanyang dibdib. One part of her wanted to push him away. Another part wanted to mold her body to his, to link her arms together around his neck and open her mouth to his probing tongue, to respond to his fiery kiss and feel the softness of his lips.

Doon siya biglang natauhan. She wasn't imagining those things, she was actually doing it! At gustung-gusto niya ang ginagawa nito. Sa maikling sandali, she had become addicted to his kiss and his touch.

"You're making me feel left out." Nag-echo ang huling sinabi nito sa kanyang utak.

Pinilit niyang alisin sa isip kung gaano katamis ang mga halik nito at saka ubod-lakas itong itinulak. O mas tamang sabihing pinakawalan siya nito.

Kung sa ibang pagkakataon o kung ibang tao ito ay marahil na nasampal na niya ito. Ngunit wala siyang ginawa kundi ang magyuko ng ulo. Nag-iinit ang kanyang mga pisngi at alam niyang namumula ang mga iyon. Tila natunaw ang katarayan niya nang mga sandaling iyon. She had lost her defenses.

Hindi siya makagalaw kahit na nga ni hindi siya nito hinahawakan. He was just staring at her na tila ba naikulong nito ang buo niyang pagkatao sa pamamagitan lamang ng mga mata nito.

Yes, he was the man she had lost her heart to, the very same man who challenged her every action and tamed her weary soul, the man she had fallen in love with.

"What do you want, Nathan?" malamig ang boses na tanong niya rito. She finally got the courage to look at him.

Inilayo nito ang tingin. "I don't know..." mahina nitong sagot. "Nakita kita kanina—"

"Kung si Andi ang hinahanap mo, wala siya rito."

"I know." He let out a desperate sigh. "I miss you, Sam."

tumawa siya nang pagak. "Really?" sarkastiko niyang tanong. "Nami-miss mo ang isang madaldal, kaskasera at matakaw na gaya ko?"

Hindi ito sumagot, patuloy pa rin ang pag-iwas ng tingin sa kanya. Patunay lamang iyon na talagang walang pag-asang naghihintay sa kanilang dalawa. She stiffled a cry and was relieved when the phone rang.

"It was one of my friends," aniya nang matapos sagutin ang telepono. "They are coming over."

"And you want me to leave."

No. "Yes. Karamihan sa kanila ay reporters ding gaya ko. Ayokong matsismis ka na naman kapag naabutan ka nila rito."

Tumango ito, saka tinungo ang pintuan. Ngunit bago tuluyang umalis ay muli siya nitong nilingon.

"I'm sorry for everything," anito.

"Yeah, me, too." She wanted him to just go. Lalo siyang nahihirapan habang nagpapaalam ito sa kanya.

"Siyanga pala, Nathan. Kung sakaling magkita ulit tayo sa ibang lugar, can we pretend that we don't know each other?"

"Bakit?"

"Para na rin sa iyo. Ayokong mapahiya ka nang dahil sa akin." At gusto ko ring habang maaga ay makalimutan na kita. I want my heart back, Nathan.

Nakalayo na ang sasakyan nito ay nakatayo pa rin siya sa gitna ng sala. then she turned off the light, curled up on the sofa and cried.

Kissing Miss WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon