Chapter Twenty-five

15.6K 359 15
                                    

HINDI mapakali si Sam sa kinauupuan habang hinihintay si Byron sa departure area ng domestic airport. Tinawagan kasi siya ng asset nila sa Mindanao na nagkaroon daw ng sagupaan sa isang area roon. Excited siya sa assignment na iyon sa kabila ng nararamdamang kaba. She was making a name now, dahil sa magagandang assignments na ibinibigay sa kanya.

Napalingon siya sa direksiyon ng nag-iingay. Dalawang lalaki ang nakita niyang nagtatalo na ang isa ay may bitbit na camera. Mukhang taga-media rin ang mga ito na gaya niya. Tingin niya ay iisa lang ang kanilang destinasyon. Marami-rami na rin siyang nakita roon na mga kasamahan sa industriya ng pagbabalita.

"Samantha Adriano?"

"Yes?" Ito iyong isa sa mga lalaking nagtatalo kanina.

"I'm Jun Rosario," pakilala nito. "Segment producer ako ng News and Views."

Oh, my! Iyon ang paborito niyang documentary program sa telebisyon. Minsan na rin niyang pinangarap na maging bahagi ng programang iyon.

"I love reading your news and column sa Daily Herald."

"Wow! Sikat na rin pala ako," biro niya.

"And you're humble," anito. "Listen, I know na pagmamay-ari ka ng Daily Herald pero puwede mo ba akong tulungan sa problema ko? Nag-back out kasi iyong reporter namin kaya ngayon ay masisiraan na ako ng ulo kapag hindi pa ako nakakuha ng substitute. Maaari bang ikaw na lang?"

And be seen on national television? "S-sure."

"Salamat! Isa kang anghel! Wait, tatawagin ko lang ang executive producer namin."

Excited na rin siya. Palagay niya ay magugulat si Byron kapag nalaman nito iyon, dahil alagang-alaga siya nito. Laging sinisigurong hindi siya makukuha ng ibang kakompetensiya nito sa larangan ng pagbabalita. Pero alam din niyang fair ito pagdating sa ikabubuti ng mga reporters nito.

Speaking of Byron, bakit ang tagal namang dumating ng boss niyang iyon?

"Sam!"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Maang na napatitig siya sa pamilyar na mukhang inaasam-asam niyang makita.

NATHAN, naibulong niya sa sarili habang titig na titig rito. Paano ito nakapasok roon?

Namalayan na lamang niyang nasa harapan na niya ito. "Sam, you're not going anywhere," he demanded. "Hindi ka aalis."

"And you think you can stop me?" God, he still looked gorgeous kahit na mukhang galit ito. Wala na yata talaga siyang pag-asang maka-recover sa damdamin niya rito. "This is my life, Nathan."

"You are not going anywhere," pagdidiin nito.

Kung determinado siyang gawin ang gusto niyang gawin, mukhang mas determinado itong itali siya sa isang tabi, huwag lang siyang makaalis.

"Sorry. Pero mahal ko ang trabaho ko at walang sino man ang makakapigil sa akin sa paghahatid ng balita."

"You can still find news here in Manila."

"Well, my news is in Mindanao at this moment."

"You're crazy!" bulyaw nito. "Bale-wala na ba sa iyo ang buhay mo, ha? Nagkalat ang kidnapping incidents doon, 'tapos, may kaguluhan pa ngayon, susugod ka pa roon?"

"I'm just doing my job."

"Bullshit that job!"

Tinalikuran niya ito. Wala siyang panahong saluhin ang galit nito nang mga sandaling iyon. Isa pa, wala rin itong karapatan na manduhan siya.

Ngunit mabilis naman siya nitong napigilan sa braso.

"Ano ba!"

"Okay, okay." Itinaas pa nito ang mga kamay bilang pagsuko. "I'm sorry."

"Nagkasundo na tayo noon, 'di ba, Nathan? Na kapag nagkita tayo sa isang lugar ay magpapanggap tayong hindi magkakilala."

"I know." Nagpakawala ito ng buntong-hininga. "Pero lalayo lang ako sa iyo kung hindi ka na tutuloy sa Mindanao."

"You're not in a position to give me a choice, Nathan."

"But, Sam, it's too dangerous out there. You don't have to risk your life just to get your story."

"Hey, Sam, okay na." Napalingon siya kay Jun Rosario. Nakalapit na pala ito sa kanila nang hindi nila napapansin. Nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Nathan.

"Nathaniel Figueroa? Nice to see you here. Magkakilala kayo ni Samantha?"

"No," sagot niya.

"Yes," sagot ni Nathan.

"Ah." Ngunit halata ang pagkalito nito. "So, Sam, sasabay ka ba sa amin sa eroplano o may hinihintay ka pa?"

"Mauna na kayo. Wala pa ang boss ko, eh."

Nang wala na ito ay binalingan niya si Nathan, nakaharang ito sa daraanan niya. "Get out of my way, Nathan."

Namaywang lamang ito. "I won't let you go."

When she looked into his eyes, he seemed to be saying more than he was telling her.

"Well, you have to. Unless you can come up with a better reason for me to stay."

Three words, Nathan. That's all I want to hear from you.

Ngunit hindi na ito muling nagsalita. Nakatitig lamang ito sa kanya hanggang sa dumating si Byron.

"Sam!" Binalingan nito ang kaibigan. "Nathan? Don't tell me pinipigilan mo si Sam?"

"He's not." Wala naman kasi itong dahilan para gawin iyon. "Let's go, Boss?"

She walked past him, brushing her body against his at the same time. Tila pelikulang nagbalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa kanila nito mula nang makita sila nito hanggang sa masalimuot nilang hindi pagkakaunawaan.

"Sige, pare, alis na kami," paalam dito ni Byron.

Kissing Miss WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon