Chapter Nineteen

14.9K 344 15
                                    

"ATE, MAY bisita ka."

Nilingon ni Sam si Christian. Hindi na ito nakikipag-away sa kanya o kumekembot sa pagkilos. Ngunit naging seryoso naman ito at hindi palakibo.

"Sabihin mong wala ako."

Kung si Francis iyon ay wala siyang balak makinig sa maghapon-magdamag nitong monologue. At alam iyon ng kapatid niya.

"Hindi si Francis dahil hindi na iyon makakapasok dito. Naglagay na ako ng 'No Pets Allowed' sign sa gate."

Napangiti siya. "Kung hindi si Francis, eh, sino?"

"Ayaw magpasabi pero kilala mo raw siya."

"Pambihira naman si Mang Robert, oo. Sinabi ko na ngang bukas ko na lang babayaran iyong inutang kong taho. Tatlong piso lang naman iyon."

"Hindi rin si Mang Robert." Tumalikod na ito. "Puntahan mo na lang kasi."

"Christian, may problema ka ba?"

"Wala naman, Ate. Bad mood lang siguro ako ngayon. Bumaba ka na at baka naiinip na ang bisita mo."

Habang pababa sa sala ay iyon pa rin ang laman ng kanyang isip. Tama nga ba ang ginawa nilang hakbang noon ni Nathan? Napatigil siya sa pagbaba nang makita ang bisita.

"Hi" nakangiting bati nito nang makita siya.

Nathan was wearing a simple blue shirt and a pair of faded jeans. He looked so casual and gorgeous and—oh, heck! Gusto niya itong lundagin right there and then at bigyan ng isang torrid kiss sa mga labi. Kaya lang, baka mapagkamalan siya nitong nasisiraan na ng ulo.

"Hindi mo ba nakita ang 'No Pets Allowed' sign sa gate?"

Lumingun-lingon ito sa paligid. "Don't worry," anito. "Ako na mismo ang maghahagis sa kanya palabas kapag nakapasok siya rito."

Hindi na siya magtataka kung magawa nga nitong ihagis si Francis. With those strong arms, broad shoulders, tight abs... Nasapo niya ang noo.

What am I thinking?

"Ano ba talaga ang ipinunta mo rito, Nathan?"

"Ikaw," kampante nitong sagot nang maupo sa sofa.

"A-ako? Bakit ako?" Tila may ilang libong kabayo ang naghahabulan sa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon. Pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso.

"Masagwa naman kung si Christian ang hanapin ko, 'di ba? Besides, may gusto rin akong sabihin sa iyo."

He seemed tense and uncomfortable ngunit nang mapansin marahil nitong nakatingin siya rito ay biglang bumalik ang dati nitong sigla. She knew he was hiding something.

Now it was her turn to feel awkward when he stared at her.

"M-may sasabihin ka?"

"Yes." Nahalata yata nito ang nangyayari sa kanya dahil unti-unti itong ngumiti na tila ba nakakaloko. Mukhang at ease na ang mokong.

He brushed a hand through his hair. "Relax, Sam. I'm not going to bite you."

Hindi siya makasagot at gusto na niyang kurutin ang sarili. Ano ba ang nangyayari sa kanya at mangitian lang nito ay sumisirko na ang puso niya?

"I'm inviting you out."

"What?!" Tila mauubusan siya ng hangin sa dibdib. "You're nuts!"

Napaunat ito sa pagkakaupo. Matagal bago ito nakasagot at tila ba bawat salitang binibitawan ay pinag-isipan nang husto.

"Come, Sam. It's not like we're going on a date or something. We're just going to celebrate dahil tumigil na ang mga kapatid natin sa pakikialam sa atin."

To her surprise, bigla itong humagalpak ng tawa.

"Oh, Sam! Kung nagseselos ka sa mga babaeng nakakasama ko, sabihin mo lang. Your wish is my command."

Tumirik ang kanyang mga mata.

Inihagis niya rito ang hawak na baseball cap.

"Kung lalabas tayo, isuot mo iyan at nang magmukha ka namang tao. Baka kasi isipin ng mga makakakita sa atin na may kasama akong lobo. Ang yabang mo."

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang akong mapansin ng ibang babae dahil gusto mo ay sa iyo lang ako," anito ngunit isinuot na rin ang cap. "Well?"

Napakagat-labi siya nang mapagmasdan ito nang husto.

Damn! Ang guwapo ng ungas!

"Tayo na."

"Hindi mo man lang ba pupurihin ang kaguwapuhan ko?" Nanunukso ang ngiti nito. "I'm hurt."

Hindi niya napigil ang pagngiti.

"Wow! Salamat naman at nasilayan ko rin ang ngiting iyan."

"Heh! Tigilan mo ako." Ngunit hindi nawawala sa mga labi niya ang matamis na ngiting iyon. "Siguruhin mo ring walang reporter na bubuntot sa atin. Kung hindi—"

Sinulyapan niya ito habang patungo sila sa sasakyan nito.

Napalatak ito. "Masyado kang matapang, Sam. Hindi ko na alam kung paano kita paaamuin."

"Don't even try dahil hindi mo ako kaya."

"Dare?"

Hindi na lamang siya kumibo. Dahil sa totoo lang, hindi rin siya sigurado na mananalo siya rito sakaling patulan niya ang hamon nito.

Kissing Miss WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon