Ending

28.6K 701 91
                                    

NAUNA sa arrival area si Byron dahil may kinuha pa si Sam na bagahe sa baggage area ng airport. Titingnan na rin daw nito kung naroon na ang sundo nila.

Palabas na siya nang mamataan ang isang pamilyar na bulto na nakaupo sa isa sa mga benches sa waiting area.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Alam niyang sinabi niya kay Byron na ayaw niyang makita roon si Nathan ngunit ipinagpasalamat na rin niyang sinuway nito ang hiling niya.

She could see Nathan now, all too clearly. He was slumped forward on one of the benches, his face buried in his hands, his elbows resting on his thighs. Suot pa rin nito ang damit na suot nito nang umalis siya.

Naroon ba ito buong magdamag?

Marahil ay naramdaman nitong papalapit siya rito dahil nag-angat ito ng mukha. Nang mga sandaling iyon ay hindi niya alam kung tatakbo palapit dito o babalik na lang sa loob ng airport. But she did neither. Tila napako ang mga paa niya sa kinatatayuan.

Lumapit ito sa kanya. He was more wonderful than she had remembered him. He seemed bigger, broader and incredibly handsome. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi maalis ang mga mata ng ilang tao roon sa pagkakatingin dito.

"You came back," anas nito hustong makalapit sa kanya.

"Mabilis na natapos ang trabaho ko," aniya na pilit kinakalma ang nagwawalang tibok ng kanyang puso. "You look haggard. Didn't you sleep?"

Hinimas nito ang pisngi at baba na unti-unti nang tinutubuan ng balbas, then brushed a hand through his hair. Ngumiti ito. "Look who's talking. You're a mess yourself."

She could sense that he wanted to say something but could not find the words. Tila ba nahihirapan ito. Pero wala iyon kompara sa nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Pilit niyang pinipigil na makita nito ang tunay na damda— Nahihirapan ito?

Tumingin siya sa mga mata nito. His eyes were telling her something, na para bang hinahayaan siya nitong basahin doon ang damdamin nito.

"Give him a chance to talk," sabi ni Byron.

Pinalis niya ang ideyang iyon nang mahagip ng kanyang mga mata ang ilang taga-media na umaali-aligid sa kanila.

"I have to go. Baka kasi may makakita pa sa ating reporter na magkasama, mapahiya ka na naman."

"Will you stop thinking about me?" galit nitong sigaw.

"Yeah, maybe I should start doing that," mahina niyang wika.

"No, that's not what I meant. Ang ibig kong sabihin ay—" Huminto ito at tila iniisip nang husto ang sasabihin.

"Sam, I know I'm stupid when it comes to this crap. But still, I want you to listen. Hindi ko alam kung bakit at ano ang nangyari sa atin na hindi natin naintindihan. Kahit ako ay wala ring ideya kung bakit humantong sa ganito ang lahat..."

Maniniwala na sana siya sa mga sinasabi nito ngunit napansin niya ang pagsulyap-sulyap nito sa kanyang likuran. And she didn't have to turn to know what was getting his attention. Dahil kitang-kita niya sa salaming dingding na nasa bandang likuran nito kung ano iyon.

He was reading a placard held by his friends!

"'Look, Sam, maybe I'm just a hopeless romantic, but, dot dot dot—'oh, heck!"

Talagang hahalakhak sana siya kung hindi lang niya naisip na baka ma-offend ito. Isa pa, gusto rin niyang marinig ang nais nitong sabihin bukod sa kodigo nito sa likod niya.

"Sam, what I'm trying to say is that, I don't want to go on pretending that there's nothing going on between us. Ever since we met, my life had been changed. I always thought I'm contented with what I have. Until you came, driving your way into my heart. Akala ko noong una, normal lamang iyon dahil nagandahan ako sa iyo."

Kissing Miss WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon