Chapter Twenty-two

15.4K 363 0
                                    

"MISS Adriano, are you listening?"

Napapitlag si Sam nang marinig ang tinig ni Byron. "Y-yes, Sir."

Ngunit tiningnan lamang siya nito, halatang nagdududa ito sa kanyang sagot. Hanggang nang mga sandaling iyon ay lumilipad pa rin ang kanyang isip. At lumulutang-lutang pa rin sa utak niya ang mga narinig niyang sinabi ni Nathan tungkol sa kanya.

She wanted to cry, ngunit hindi niya hinayaang matalo siya ng emosyon.

Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko rin sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. Kung sana ay ganoon lang kadaling gawin ang sinabi niya sa sarili.

"Next week, you'll start your training under my supervision. I found out na magaling ka na talaga dahil na-train ka na nang husto noong nag-practicum ka. So, siguro kaunting practice na lang ay maaari ka na naming pakawalan sa field," pahayag ni Byron.

Tango lamang ang isinagot niya rito.

"One more thing, Miss Adriano." Tiningnan siya nito. "If you really want to succeed in this career, I suggest that you start separating your work from your emotions."

Napatango siya. "I understand, Sir."

At determinado siyang maging mahusay na reporter balang-araw. Iyon na ang chance niya kaya dapat lang na walang iistorbo sa kanyang konsentrasyon.

NAKATAYO malapit sa FX ni Sam si Nathan nang makarating siya sa parking lot paglabas niya mula sa trabaho. Hindi niya alam kung babalik siya sa loob o lalapitan ito. Napilitan siyang piliin ang huli dahil nakita na siya nito.

She didn't bother to look at him when she opened the car door with her keys.

"Sam..."

"Ang mabuti pa, Nathan, lumayo ka na. Baka may makakita pa sa iyo, eh, mapahiya ka lang."

"Sam, I want to explain about what you heard—"

Hinarap niya ito. She eyed him. At nagtataka siya sa sarili kung saan pa niya nahugot ang katatagang iyon para salubungin ang tingin nito.

"There is nothing to explain, Nathan. Narinig ko ang mga pinag-usapan ninyo, so what? Totoo naman talaga ang mga sinabi mo."

"Pero—"

"I'm sorry din, Nathan. Ginamit din kasi kita." Natigilan ito. Itinuloy niya ang paghahabi ng kasinungalingan mapagtakpan lamang ang sakit na nararamdaman niya.

"Oo. Ginamit kita para matanggap ako ng kaibigan mong si Byron bilang reporter. Desperado na kasi ako dahil ayaw niya akong tanggapin. So, sinabi ko sa kanyang we're dating. And it worked. So, here I am." She flashed a mocking smile.

"You're joking," anito ngunit may pagbabanta na sa tinig.

"Am I now?" She gave him another fake laugh. "Bakit, Nathan, hindi mo ba matanggap na maaari ding manggamit ang mga babae? Well, you're wrong."

Nakita niyang nagtagis ang mga bagang nito, his anger reflected in his eyes. Ganyan nga, Nathan. Magalit ka nang husto.

"I guess I was wrong." Naningkit ang mga mata nito. "You're no better than the rest of your specie, Sam. Why did I even bother knowing you?"

Then he turned and left. Naramdaman niya ang pag-agos ng mainit na likido sa kanyang mga pisngi.

"Good-bye, Nathan."

It was hard for her to admit that she had fallen for the guy who she knew from the very start was wrong for her. Ngunit hindi niya napigilan ang kanyang puso. Anumang pagtatanggi at pagkainis na nararamdaman niya rito noon ay marahil defense mechanism lamang niya.

Because she had too much pride to admit to herself what she felt for him. Akala niya ay guarded ang kanyang puso dahil ni minsan ay wala pang nakakuha ng atensiyon niya. Ganoon din ang iniisip niya kapag kasama niya ito dahil hindi naman niya nakikitang interesado ito sa kanya.

Napakaraming faults and flaws ang nakita niya rito. He was far from her ideal guy. But Nathan had triggered something inside her nang banggitin nito sa mga kaibigan na hindi siya ang tipo nitong babae.

My sleeping heart. Kahit pala sa usaping pang-puso ay natutulog pa rin siya. Hindi tuloy niya napansing okupado na nito ang puso niya. Now, it was too late.

I had fallen in love already. And I'm falling even more in love with you, Nathaniel Figueroa. And I'm afraid I might not get over this feeling.

Pinaharurot niya ang sasakyan palayo, hoping that she could still catch her heart.

Kissing Miss WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon