Chapter Twelve

26.1K 587 8
                                    

Ruth looked at his side. She's sleeping peacefully. Nakaunan ito sa mga hita niya habang mahimbing na natutulog. Siya naman ay kanina pa nakatingin sa Television. They'd to watch Riverdale Season One. Pero hindi pa natatapos ang buong palabas ay nakita na niyang nakapikit ito. Kaya hinayaan nalang niyang magtuloy tuloy ang tulog nito. He will just carry her to her room para mas makatulog ito ng maayos.

Muling sumingit sa isip niya ang nakita kanina sa hi-way. Fuck you Trey! Nag igting ang bagang niya. Agad na niyuko muli niya si Sheila. He wouldn't let that bastard to hurt the woman he love. Agad siyang natigilan. Tumingala siya at ang kisame ang bumungad sa kanya. Pilit na sumisikil sa isip niya ang mukha ni Julie. Julie's angelic eyes. Julie's smiling face. Pagkatapos ay tumingin siya kay Sheila. Nakalimutan niya ang lahat ng dahil sa babaing ito. Marami itong binago sa kanya. Na hindi niya namamalayan ay nagagawa na pala nitong tibagin ang pader na binalot niya sa sarili. Na hindi niya namamalayan ay nasa loob na pala ito at pilit siyang binabago.

Humaplos ang palad niya sa noo ng dalaga. He memorizing every part of her face. Every inch of it. Abala siya sa ginagawa niya when Muning jumps up to him. Halos bumagsak ang katawan niya sa ibabaw ni Sheila. The dog growls. Pumuwesto ito sa tabi niya at umunan sa kabilang parte ng binti niya. Minsan, parang gusto na niyang ibenta o ibalik kay samuel ang aso nito. He was so clingy every time​ he'd play with Sheila. Naiinis siya na kung minsan ay parang tao ito na pinagseselosan niya. Selos? He laugh. Pati ba naman aso ay pagseselosan niya?

Pinatay nalang niya ang TV at hinawakan ang kamay ni Sheila bago siya sumandal sa upuan at pumikit. Kailangan niyang matulog. Bukas sila bibiyahe ni Sheila patungong Quezon. May rest house siya doon. Masyadong malapit ang lugar na iyon kaya alam niyang hindi maiisip ni Trey na baka doon nagtatago ang asawa nito. Alam niya ang tumatakbo sa isip nito. Susuyurin nito ang parteng visayas at Mindanao para mahanap si Sheila.

At isa pa, hindi kailangan mapalayo siya. Greg needs him right now. Konting pag iimbestiga pa ay lalabas din ang lahat ng katotohanan sa likod ng karumal dumal na pagkamatay ng mga magulang nito.

He closed his eyes. Maya maya pa'y lumalim na ang paghinga niya.

She rushed back to her apartment. Hindi siya tanga at hindi siya nag iimagine lang. Hindi niya imahinasyon ang nakita niya. Someone is outside her apartment. Kita niya na sa kanya nakasunod ang taong iyon. Pagkababa niya ng Cab ay mabilis siyang tumakbo papasok sa loob ng bahay niya. Nilock niya ang pintuan at nanatiling nakatitig sa pinto.

Humawak siya sa impis niyang tiyan. She's pregnant. Hindi niya alam na buntis siya. Nalaman lang niya ng mawalan siya ng malay kanina sa opisina and one of her officemate, Edgar rushed her to the hospital. Si Pearl ang unang dumating. And when she learned about her condition. Alam niyang nasasabik na siya.
At hindi na siya makapaghintay na isilang ang sanggol na nasa sinapupunan niya.

Nagcelebrate pa sila ni Pearl kanina sa isang restaurant. Excited na daw ito na maging Ninang ng anak niya. Ang sabi naman niya ay sabik na rin siyang sabihin sa asawa niya. Sinubukan niyang tawagan si Trey pero hindi ito sumasagot. Kaya ipinagpaliban na muna niya. Pagkatapos nilang maglunch ni Pearl ay inihatid pa siya nito sa office.

Tumulo ang luha niya ng marinig niya ang yabag sa harapan ng pintuan niya. Pagkatapos ay ang sunod sunod na tunog ng door knob. May nagpupumilit buksan iyon. Natuptop niya ang bibig at pinipigil na bumulaslas ng iyak. Alam niyang papatayin siya ng taong iyon. Kitang kita niya kanina ang hawak nitong baril. At mas lalong luminaw sa kanya iyon ng habulin siya nito habang nakatutok sa kanya ang baril na hawak nito.

"Ang baby ko..." Hindi niya napigilang bulong. Kung papatayin siya nito. Paano ang anak niya? Ngayon pa lamang niya nalaman na buntis siya. Gusto pa niyang makita ang anak niya. Gusto pa niya itong iluwal sa daigdig. Gusto pa niya ito itong makasama.

Ang hikbi niya ay naging hagulgol. Nanginginig siya sa takot. Hindi niya maohakbang ang mga paa miski ang mapalapit man lamang sa telepono upang humingi ng tulong. Her knees are trembling in horror. Pati daliri niya ay nanginginig. Naramdaman niya ang panlalambot ng mga binti niya at ang unti unting pagdaloy ng mainit na likidong nagmumula sa pagitan ng mga hita niya.

Ganoon nalang ang panghihilakbot niya ng makitang gunagapang ang dugo doon. "Baby! Anak ko!"

Patuloy ang pagdaloy niyon at hindi niya alam kung hihinto pa. Hinawakan niya ang tiyan at pilit na pinipigil iyon. "A-Anak..."

Bumalikwas ng bangon si Sheila ng maramdaman ang mainit na luhang naglandas sa pisngi niya. "Anak!"

Doon lang niya nalaman na nakahiga siya sa sofa at nakaunan sa asawa niya. "Sweetheart!"

Agad siya nitong niyakap. Umiiyak na sumiksik siya sa dibdib nito. Gumapang naman sa likod niya ang palad nito.

"Hush, I'm here." Pag aalo nito sa kanya. Pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Lumuluha din iyon. Pilit na sumisiksik ang lahat. Yung panaginip niya. Bakit parang totoo?






To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon