Chapter Sixteen

24.6K 534 13
                                    

"Ama namin sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian Mo sundin ang loob Mo..."

Sheila can't help but stare to her husband who's holding her left hand. Masaya siya na nakasama niya itong magsimba. "Stealing is a crime." Hindi na siya nabigla ng humarap ito sa kanya.

Ngumiti siya. "What? Stealing glances with your husband wasn't a crime." Aniya dito.

Hindi nito binitiwan ang kamay niya hanggang sa muli silang umupo. On her right pew, Manang veron and Kaka Nonong sat across them katabi ng mga ito si Catherine. They are invited to join the mass dahil pista daw ni San Antonio De Padua. The patron saint of lost things. She silently prayed. Hindi niya alam pero pakiramdam niya kaya nitong gabayan ang hiling niya patungo sa langit.

Then she remembered what happened last night,

"Are you alright?" Trey immediately guides her towards the chair ng mahigpit siyang mapakapit sa sentido niya. Pagkagaling nila sa sapa ay mabilis lang siyang nagbanlaw sa banyo at nagbihis. Pero paglabas niya ay bigla nalang siyang nakaramdam ng hilo. Then, flashes of scenes that happened from the past played again.

"Y-Yung ulo k-ko!" Kumuha ito ng isnag basong may lamang tubig at saka inabot sa kanya pagkatapos ay ipinainom ang isang tableta sa kanya.

"Pain reliever." Ininom niya iyon. Hindi niya alam kung bakit sumagi sa isip niya ang lahat ng iyon. Nang bahagyang humupa ang sakit ng sentido niya ay tumingala siya sa asawa niya. Hee brows creased when she noticed something. "Masakit pa ba?"

His voice. Ipinilig niya ang ulo. Baka nasobrahan lang siya sa paglangoy kanina. "Tell me, sweetheart. Masakit pa ba?"

Sweetheart. Even the endearment sounds different to her. Agad siyang umiling. "O-Okay lang ako."

He took her hands and kissed them both. "I'm worried, you know. Kung hindi ako pumasok agad baka natumba kana. Buti pa magpahinga ka na muna. Napagod ka siguro." When their eyes met, bigla ay nagrigodon ang dibdib niya. But when he kissed her forehead saka lang nagstabilized ang pintig ng puso niya.

Pumikit muli siya. Her husband is real. He is real. And he is here. Right beside her. After the mass, guys invited them to go on the municipal plaza. Marami daw kasing makikita doon lalo na ang mga bilihin. Isama pa ang masasarap na pagkain.

"Ate ganda, gusto niyo din po ba nung sisiw na iba't ibang kulay?" Catherine asked when Trey carried her in one arm.

Kumunot ang noo niya pero ng makuha niya kung ano ang ibig nitong sabihin ay tumango siya. "Sige, bibili tayo. Ilan ba ang gusto mo?"

Tila nag iisip pa ito bago sumagot. "Kahit ioan po pwede?"

Tumango muli siya. "Yes." Nakangiti niyang tugon. Inihabilin kasi sandali ng mag asawa ang anak ng mga ito dahil may bibilhin lang daw sila. Matao ang lugar dahil pista kaya natatakot din sila na baka mawala ang bata.

Nang makarating sila sa plaza. Agad na nilang nakita ang mga tiangge at bilihan ng samo't saring pagkain. "Food trip?" Trey asked while smiling. Gumanti siya ng ngiti.

"I'm dying to taste all of these foods." Aniya habang nakatanghod sa lalaking nag iihaw ng mga street foods. Nang matanaw nila si na ka nonong ay humiwalay na sa kanila si Catherine. Magkahawak kamay sila ni Trey. They stroll around the plaza. Malapit na sila sa fountain na nasa mismong harapan ng kapitolyo ng hapitin siya nito sa baywang.

"Psssttt.. Ang kamay mo." Saway niya dito habang nakangiti.

Ngumiti ito bago sumeryoso. "Ang ganda mo." Pigil niyang wag mangiti ng sobra. Simpleng puting bestida lang naman ang suot niya. Pinarisan lang din niya iyon ng white flat shoes. Di gaya nito na nakamaong na pantalon at berdeng polo shirt. "Ang sabi ko ang ganda mo. Para kang anghel." Ulit nito.

Kumapit sa batok nito ang mga braso niya bago ngumiti dito. "Mambobola." Aniya. "Bakit nakakita ka na ba ng anghel?" Tudyo niya. Nagsimba lang sila kung ano ano na ang sinaaabi nito.

Tumango ito bago sumeryoso. "Oo." Lumunok siya dahil sa pagkakatitig nito. "Ikaw."






To be continued...






--------

Hindi ko alam kung paano ko ito gagawing kakilig kilig. Pero sana kinilig pa rin kayo kahit konti. Hihihi

Enjoy.
Ai:)

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon