Chapter Fourteen

25.7K 573 9
                                    

"You cooked all of these?"

May halong pagkamangha at pagtatakang tanong ni Sheila ng makita ang lahat ng klaseng Filipino dish na kilala niya. Kanina nang magising siya bandang alas syete ng umaga ay nakita niya itong natutulog sa sofa. Nagtataka pa siya dahil ang huli niyang natatandaan ay katabi niya itong natulog sa loob ng nagiisang silid dito sa bahay.

Nakangiting tumango ito. Pupungas pungas pa ito dahil ginising niya ito sa sofa kanina. "Maaga akong nagising. Kaya naisipan kong gumawa ng breakfast. Tapos umidlip muna ako saglit habang hinihintay kang gumising." Hindi niya maiwasang wag kiligin.

Kakamot kamot pa ito ng batok habang papalapit sa kanya. "H-Hindi mo ba nagustuhan?" May pag aalangan sa tinig nito. Tila tinatantiya kung ano ang posible niyang isagot.

Kusang tumaas ang palad niya sa pisngi nito at humaplos doon. "Salamat sa effort. Tara kain na tayo?" Masigla niyang sabi at saka umupo sa harapan ng mesa.

Her husband joined her. Masigla itong naglagay ng friend rice sa pinggan niya. Nakakatuwa na ngayon lang niya nakikita ang mga bagay na hindi niya alam na kaya pala nitong gawin.

"Gusto mo bang sumama sakin mamaya?" Ani nito nang malunok ang isinubo niyang piraso ng tapa sa bibig nito.

She lowered her gaze to her plate then looked up him. "Saan tayo pupunta?"

Pupuntahan ko ang bahay ng caretaker nitong farm. May importante rin kasi kaming pag uusapan. Pwede kang sumama kung gusto mo." Bumugtong hininga siya. Nilibot niya muli ang paningin sa paligid. May telebisyon naman kaya alam niyang hindi siya mababagot. Kaya lang, kapag ganito kasweet ito sa kanya at ganito kaalaga. Parang hindi na niya gustong malayo dito kahit isang segundo man lamang.

Agad siyang ngumiti. "Gusto kong sumama sayo. Gusto kong mafeel ang buhay nila dito. Nakita ko kanina yung mga tao, namimitas sila ng dalandan. Gusto kong subukan." She picturing herself while eating those fruits habang sinasawsaw niya sa asin. Ngayon palang ay natatakam na siya.

"Well, if that what you want. Be ready. After our breakfast ay doon na ang tuloy natin." Hinawakan nito ang pisngi niya saka marahang pinisil.

Sheila stared to Manang Veron and to her lovely daughter Catherine. Kausap ng asawa niya si Ka Nonong. Ang caretaker ng farm at katiwala nito. Kanina pa siya nakukyutan sa pitong taong gulang na anak ng mag asawa. "Ang ganda niyo po." Natawa siya sa inosenteng papuri ng bata sa kanya. "Para po kayong anghel."

She lovingly touched her chin. It's soft. "Ikaw din. Ang cute-cute mo."

Tumingala ang bata sa ina nito na si Manang Veron. The moment she realized that Catherine is her daughter ay nagulat pa siya. Fifty years old na pala si Manang kaya parang apo na nito si Catherine. Ang kwento nito ay bunso si Catherine. Binata na pala ang dalawang anak nilang lalaki. Ang panganay ay nasa Maynila nagtatrabaho habang nag aaral pa sa kolehiyo ang isa. Nakakatuwa na nabiyayan pa sila ng isang supling. "Nay, pwede po ba nating isama si Ate..." Tumingin ang bata sa kanya na tila nag iisip kung ano ang itatawag sa kanya.

"Sheila." Nakangiting dugtong niya.

Bumaling muli ang bata sa ina. "Si Ate Sheila sa pamumuti ng sinturis? " Tila muling nabuhay ang dugo niya. Lumawak ang ngiti niya sa labi.

"Oo naman. Kaya lang baka hindi pumayag si Sir Ru---." Naputol ang sinasabi nito ng sumulpot sa likod niya ang asawa't saka idinantay sa balikat niya ang braso nito.

"Okay lang ho Manang. Kahapon pa ito sabik na makatikim ng dalandan." Pasimple niya itong kinurot sa tiyan.

"Loko ka talaga." Ngumiti naman si Manang Veron sa kanila.

"Siya, Catherine kunin mo na ang basket natin at tayo'y susulong na." Mabilis na sumunod ang paslit.

Humarap siya sa asawa niya. "Sasama ka ba?"

Sinakop ng isang braso nito ang baywang niya. "Susunod na lamang kami ni Ka nonong doon. Dadaan pa kami sa niyugan. At saka kukunin na ang mga kopra. Ngayon lang ako nakabalik dito kaya kailangan makita ko iyon." Paliwanag nito.

Ngumiti naman siya. "Wag masyadong masipag ha." Tudyo niya dito saka siya tumingkayad para dampian ito ng halik sa pisngi.

"Sa pisngi lang?" Nakangusong sabi nito. Namula ang pisngi niya. "Ano ba 'yan? Ganoon na ba ang pampabwenas ko?"

Hinampas niya ito sa balikat ay saka niya dinukot ang panyo sa likod ng suot niyang pantalon at pinunasan ang pisngi nito. "Edi burahin na natin. Ikaw ha, nag iinarte ka na ngayon."

Pero dahil sa ginawa niya ay mas hinapit pa siya nito papalapit dito. Nalalanghap niya ang mabangong amoy na nagmumula dito. "This is how wives should kiss their husbands." Then he bend over and captured her lips. Namilog ang mga mata niya pero kusa ring pumikit.

Sakop nito ang mga labi niya na hindi niya alam na kaya palang bumuhay sa mga natutuyo niyang ugat. She felt the urge to response to his kisses that's why she clung her arms around his shoulder and closes her eyes and lets him deepen the kiss they're shared.

Hinayaan niyang tangayin siya ng alon ng init na siyang umaalipin sa kanya. Asawa niya ito. Walang masama kung maghalikan sila.

Tila mapupugto ang hininga niya ng sa wakas ay bitawan siya nito. Dama niya ang labi nito sa ilong niya. Humalik ito doon. Hindi siya nagmulat ng mga mata. Hinayaan niyang humaplos sa mukha niya ang hangin na nagmumula dito. "I love you." Those three words slipped out her mouth.

Muli niyang nadama ang labi nito sa gilid ng labi niya saka ang mabining pagbulong nito. "I.. "

"Yiii... Nagkiss sila." Sabay silang bumaling sa batang tila mamimilipit na sa kilig. Ilang metro ang layo sa kanila ay nakatayo si Catherine hawak ang basket habang nakatakip sa bibig nito ang dalawang palad ng Ina.

"P-Pasensya na po kayo sa anak ko."

Tila siya nakalunok ng melon dahil nagbara ang laamunan niya at nanlamig ang mga palad niya. Nakakahiya. Pero ang asawa niya ay tila balewala lang kung may batang nanunuod na pala sa kanina. "It's okay, Manang. I just can't resist my wife."

Dahil sa sinabi nito ay mas lalong uminit ang pisngi niya.






To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon