Ang Naghihintay at Ang Hinihintay

20.1K 556 11
                                    

Ang Naghihintay at Ang Hinihintay

"Talaga po? Payag po kayo na bumalik ako sa Secret Garden niyo?"

Kanina pa nakangiti si Ruth. Sienna has a lot of questions. Naiimagine na niya ang sarili na tumatawa habang hindi ito nauubusan ng tanong.

Tumango siya. "Any time pwede kang pumunta doon." Aniya. Secret Garden ang tawag niya doon. Hindi niya alam na namana pala ng anak niya sa kanya ang pagkahilig sa mga butterflies.

"Yehey!" Sa gulat niya ay yumakap ito sa kanya. "Thank you Mr. Stranger." Sabay halik sa pisngi niya. Gusto niyang humagulgol. Unang beses niyang naranasan iyon. At masarap pala sa pakiramdam. "Sasabihin ko kay mommy na may---ay! Bawal nga po pala sabihin kasi diba secret garden na'tin po 'yon?"

He enjoyed every little moment he had with his daughter. Natatawa siya sa bawat sabihin nito. She's very clever and funny. Hindi nakakasawang titigan ito.

Paulit ulit niyang iniisip na kung sa poder kaya niya lumaki ito. Ganito din kaya siya? "Anyways---Kasama mo ba ang M-Mommy at D-Daddy mo dito?" Gusto niyang batukan ang sarili dahil nagawa pa niyang itanong iyon.

Hindi niya alam kung paano siya haharap. Nakabaon pa rin sa puso niya ang sinapit ni Julie. And Trey was still around. His sister murderer was living with his Daughter! Sinong matinong tao ang magkakayang makitang masama ng anak niya ang taong kumitil sa buhay ng sarili niyang kapatid?

Kung kaya lang niyang hilahin si Sheila papalapit sa kanya at itago ito kasama ang anak nila ay gagawin niya. Pero hindi niya kaya. Kung anong tapang niya sa harapan ng husgado ganoon siya kaduwag para ipaglaban ang taong mahal niya.

"Wala po si Daddy. Hindi po kasi siya sumama." Nakita niya ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata nito. Kinakain siya ng inggit at selos. Inggit na bakit si Trey ang tinatawag nitong daddy at hindi siya. Selos na hindi siya ang kasama nito.

Hinawakan niya ito sa palad. "It's okay Sweetie... N-Nandito naman ako." Bulong niya.

Umaliwalas lang muli ang mukha nito ng banggitin ang ina. "Pero kasama ko naman po si Mommy. Gusto niyo po bang makilala ang mommy ko? Andun po siya sa---."

"Oh my God! Sienna!"

Sabay silang napalingon nang humahagos na lumapit si Sheila. Tila hindi siya nito napansin dahil agad itong lumapit sa anak nila at niyakap iyon. "Saan ka ba galing? Diba ang sabi ko sayo doon ka lang sa table? Are you okay? May nangyari ba sayo?" Halatang halata sa tinig nito ang labis na pag aalala. Sheila love their child so much.

Tumingin ang bata sa kanya. "I'm with Mr. Stranger Mommy. Ipinasyal niya po ako---."

"I told you, Sienna. Don't---Ruth!" Naputol ang sinasabi nito sa bata ng lingunin siya.

God knows how much he love to embrace her right now. How much he wanted to caress her back while she resting on his chest. Gusto niya itong ikulong sa mga bisig niya. "H-Hi!" Saka unti unti itong nag iwas ng tingin. Hindi man nito sabihin pero alam niyang nahihirapan ito sa sitwasyon. "S-Salamat sa pag totour kay S-Sienna."

Hinihintay niyang banggitin nito ang mga katagang, anak natin. Pero tila naghintay lang siya ng ulan sa gitna ng disyerto. Hinawakan nito si Sienna sa braso at iginawi sa isang tabi. "Baby, doon ka muna okay." Tumango ang bata at sumunod.

Nakamata lang siya at hinayaan na mawala sa paningin niya ang bata. Nang mapag isa sila ay saka lang ito muling nagsalita. "S-Si Sienna anak---."

"Natin." Dugtong niya. Kita niya sa mga mata nito ang pagkagulat.

Rumehistro ang pagkabigla dito bago muling bumuka ang bibig. "A-Alam mo?" Naroroon ang pagtataka sa tanong nito.

Dahan dahan siyang tumango. He was expecting her to runaway and denied his paternity to his child pero kabaliktaran. Sheila cried in front of him. "I-I'm sorry... I'm sorry."

Tila binasag ang puso niya. Nakasubsob ang mukha nito sa dalawang palad habang nagtataas baba ang balikat dahil sa pag iyak. "S-Sheila..." Nang mag angat ito ng tingin ay hilam ng luha ang mga mata nito. Namumula pati ang ilong. Gusto niya itong yakapin. Pero natatakot siya na baka hindi na niya ito pakawalan.

"H-Hindi ko gustong itago sayo si Sienna." Paninimula nito.

Nauunawaan niya ito pero masakit pa rin pala na isiping malayo sayo ang anak mo at hindi ka niya kilala. "Bakit hindi ka b-bumalik? Ang tagal kitang hinintay..." Mahinang sumbat niya. Alam niyang wala itong ipinangako sa kanya pero umasa siya.

"B-Bumalik ako. I... I was about to tell you that I'm pregnant pero---."

Lumuwas na daw ng maynila si Ruth sabi ni Ka nonong at ng asawa nito. Hindi na niya ito inabutan. Kailangan niya itong makausap. Kung natatakot si Ruth na lumaban para sa kanila. Siya ang Lalaban. Siya ang lalaban para sa anak nila. Para sa munting sanggol na nasa sinapupunan niya.

Hianwakan niya ang impis na tiyan. Dobleng pag iingat na ang gagawin niya ngayon. Hindi na niya hahayaang mawala ang anghel na nasa tiyan niya. "Wag kang mag alala anak, makikita din natin ang papa mo." Determinado niyang sabi.

Kahapon lang niya nalamang buntis siya. At lalo lang nito pinatibay ang dahilan niya para wag iwan ang binata. Mahal niya si Ruth. Mahal niya ito hindi bilang si Trey kung di bilang isang mabuting asawa't kaibigan. Gusto niyang sabihin iyon dito.

Pagkarating sa bus terminal. Sumakay siya ng biyaheng Cubao. Susubukan niyang puntahan ang address na binigay ng matanda sa kanya sa Quezon. Baka doon niya abutan si Ruth.

Hindi pa gaanong puno ang bus ng magpasya siyang muling bumaba. Gusto muna niyang bumili ng makakain para habang nasa biyahe'y hindi sila magutom na mag ina. Ngayon palang ay nasasabik na siyang iluwal anv anak nila ni Ruth. "Manong sandali lang ho ako." Paalam niya sa konduktor ng bus.

Pumila siya sa bilihan ng pagkain na nasa mismong terminal. Pagkatapos ay nagpasya na siyang bumalik sa bus. Papalapit palang siya doon ng may bumabang lalaki g nakaitim na T-shirt at maong na jacket. Nakasombrero ito at may back pack. Nagtama ang mga mata nila. Pagkatapos ay pinakatitigan nito ang hawak na litrato bago bumaling sa kanya. Tinambol ng takot ang puso niya. Ganito ang naramdaman niya noon. Noong may lalaking humabol din sa kanya.

Humawak siya sa tiyan. Hindi na mawawala ang anak niya. Kitang kita niya kung paano kunin ng lalaki ang baril nito sa loob ng bag. Walang makakapuna agad dahil maraming nagdadaan na tao. Lalo na siyang pinanlamigan ng unti unti itong maglakad. Kaya ang una niyang naisip---tumakbo at tumakas. Hindi niya nailigtas ang anak niya noon. Pero ang sanggol sa sinapupunan niya ay Ililigtas niya. At aggawin niya ang lahat. Kailangan pang makilala ni Ruth ang anak nila.

"I-I'm sorry..." Ani nito matapos ilahad ang lahat. Naikuyom niya ang kamao. Kasalanan niya. Sana hindi niya ito pinalayo sa kanya.

Mabilis niya itong nilapitan at kinulog sa bisig niya. "Hangga't nabubuhay ako... Walang pwedeng makapanakit sa inyo ni Sienna."






To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon