Crazy in Love

18.7K 463 24
                                    

Crazy in Love

"Baba!"

Napapitlag si Sheila sa biglaang pagsigaw ni Trey. Dahan dahan siyang bumaba ng Van. Kanina habang katabi niya ito ay hindi niya mapigilang maiyak. Sobrang natatakot siya.

"S-Si Sienna? N-Nasaan siya?" Hindi niya kasama sa Van ang anak. Hindi rin niya nakita ang dalawang bodyguard na kasama ng anak niya.

Hindi ito sumagot. Bagkus hinawakan lang siya nito sa braso at hinila. "Trey ano ba? Sagutin mo ang tanong ko! Nasaan ang anak ko?" Hindi niya napigilang bulyaw dito. Hindi niya dapat ipakita na natatakot siya dito. Kailangan ipakita niya na hindi siya natatakit na wag itong labanan. Para kay Sienna. Para sa anak niya.

Tumalim ang mga mata nito at sa gulat niya ay malakas na humampas ang palad nito sa mukha niya. Na halos ikatabingi ng mukha niya. Niyanig nito ang buong sistema niya. "Don't shout at me! Hindi mo susubukang galitin pa ako lalo, babe. " He said sarcastically.

Namukal ang luha niya. Totoo nga ang sinabi ni Ruth. Hindi siya dapat magtiwala dito. "A-Ang s-sama mo..." Mahinang bulong niya.

Hindi na ito nagsalita pa at nauna nang naglakad. Hinawakan siya sa braso ng lalaking kasunod nila. "Hawakan mo mabuti 'yan. Wag mong hahayaang makawala." Pipiksi sana siya ng sundin ng lalaki ang sinabi ni Trey.

They're not in San Simon. Hindi niya kilala ang lugar pero nasisiguro niya na wala sila sa San Simon. Malaki ang bahay na tila napaglipasan na ng panahon. Wala din siyang nakikitang mga kalapit bahay maliban sa mataas na pader na nakapalibot sa buong bahay. Pumasok sila sa loob. May mga kagamitan at muwelbes doon. Sa tingin niya ay may nanininarahan pa rin doon. "Dalhin mo sa baba 'yan. Susunod ako."

Namilog ang mga mata njya ng hilahin siya ng lalaki pababa sa hagdang nasa tapat ng malaking pinto. Basement.

Wala na siyang nagawa ng ipasok siya sa isang kwadradong silid. May queen-sized bed doon at lamp shade. Malinis at tahimik. Impit siyang napaiyak. Hindi sa ganitong paraan niya gustong matapos ang lahat. Gusto niyang maunawaan nito ang gusto niyang sabihin. Pero hindi iyon ang nangyari. Napasandal siya sa pader. Kailangan niyang makahingi ng tulong kay Ruth. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nalalaman kung ligtas ba si Sienna o hindi. Hindi siya mapapakali hangga't di niya nakikita ang anak.

Kinapa niya ang bulsa. Shit! Naiwan niya ang cellphone sa loob ng suite nila ni Sienna! Bakit ba nakalimutan niyang dalhin iyon? Nasisiguro niyang tumatawag na si Ruth. God! Help us please...

Bumukas ang pinto at pumasok si Trey. "Let me get out of here!" Malumanay niyang utos dito.

Matalim ang mga mata nito na puno ng galit. Maya maya'y ngumiti naman. "Who says?"

Pinaamo niya ang mukha. Doon niya mabilis nakukuha ang loob nito. Kapag nagpakita siya dito ng ganoong emsoyon at ekspresyon ay madali niya itong napapasunod. "T-Trey... Hayaan mo akong kausapin ka ng maayos. Kaya kong ipaliwanag sayo ---."

Humalakhak ito. "Do you think madadala mo ako sa drama mo? Cut the drama Sheila!"

Sheila. Ngayon niya napagtanto na hindi niya ito madadala. "Pakawalan mo na ako. Kailangan ako ni Sienna ngayon. Please. Sabihin mo sakin kung nasaan siya." Kumikirot ang pisngi niya na kanina lang ay nilapatan nito ng palad. Pero hindi niya iyon ininda. Ang pag aalala kay Sienna ang lumalamon sa lahat.

Napaatras siya ng humakbang ito papalapit sa kanya. "Hindi mo makikita si Sienna hangga't nandito ka!"

Namilog ang mga mata niya. "No!"

"I gave you everything, Sheila. I gave you EVERYTHING!" Napasiksik siya sa sulok dahil sa pagsigaw nito. Natatakot siya. Lalo lang siyang natatakot. Hindi niya inakala na may kapasidad itong saktan siya at magalit gaya ng galit na nakikita niya ngayon. "Pero hindj sapat sayo ang mga 'yon! Nakuha mo pang makipaglandian!"

Nabigla siya ng hilahin nito ang buhok niya. "T-Trey---."

"Hinding hindi kana makikita ng lalaki mo! Hinding hindi ka aalis dito." Hinila siya nito sa kama at kinuha ang dalawang kamay niya.

"A-Anong gagawin mo?" Naghalo halo na ang takot niya. Takot na baka saktan siya nito ulit.

Hindi ito nagsalita. Mula sa drawer ay may kinuha itong lubid. Iginapos nito ang mga kamay niya sa gilid ng kama. "Hinding hindi mo ako iiwan. Dahil kapag ginawa mo 'yon. Ni anino ni Sienna ay hindi mo makikita."

Isipin palang na hindi niya na makikita si Sienna ay parang pinapatay na siya. "Magpasalamat ka at masyado kitang mahal. Kung hindi---."

"Demonyo ka! Baliw ka! Pakawalan mo ko!" Nayanig na naman ang pagkatao niya ng malakas na lumapat muli ang palad nito sa pisngi niya. Nalasahan na niya ang dugo doon.

"You're right! I'm crazy. I'm crazy in love with you, bitch!"






To be continued...






-----

A/N: Short UD lang po ito. Pagtiyagaan niyo na. Hindi ito ang totoong magaganap sana dito. Kaya lang while writing the next scene. May bigla akong naisip. Kung gagawin kong mabait si Trey. Mag eexpect kayo sa kanya. Maghahanap ng kung ano ano. And alam kong maghahanap kayo at magtatanong. Kung may kwento ba siya. Kung may ganito ganyan ba sya. Gusto ko kaya lang komplikado kasi ng buhay niya kaya parang ayoko. Kaya ito ang kinalabasan. Hihihi Sorry sa mga umasa.

Enjoy!
Ai:)

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon