Chapter Thirteen

26K 509 8
                                    

There's a row of coconut trees. Huge mango trees and Dalandan trees. Lahat iyon ay malayang nakikita ng mga mata ni Sheila. The wide hectares planted with so many greeny trees that grow only here in the Philippines. May mga magbubukid siyang nakikita kung saan nagpapastol ng baka at kalabaw. Kanina lang ay may nadaanan silang mga kalalakihan na namimitas ng Dalandan. Pakiramdam niya ay naglalaway na siya sa amoy palang.

Nasasabik na siyang makatikim niyon at isawsaw sa asin. "Dito muna tayo ha. May kailangan kasi akong asikasuhin dito." Bumaling siya sa asawa niya na nakaalalay sa paglalakad niya. May mangilan ngilan na tao ang bumabati sa kanila.

Tumango siya. Mukha namang hindi siya maiinip dito. "Maganda nga dito. Sariwa ang hangin at maraming puno." Ani ni Sheila at saka nagpatiuna sa paglalakad. Ang amoy ng nakakapaglaway na dalandan ay sumisingit sa ilong niya. Kanina pa siya natatakam.

Inakay siya ng asawa niya patungo sa isang bahay na nakatayo di kalayuan. Isang bungalow iyon na yari sa mga kawayan at kahoy. Lumiwanag ang mga mata niya. Lalo na ng mabilis na tumakbo si Muning at tinalon ang tatlong baitang na hagdan. Napangiti siya. This was like a dream. A dream to live in a small but peaceful town with friendly neighborhood. Ginala niya muli ang mga mata. Nakangiti ang mga taong manaka-naka'y napapalingon sa kanila.

"You alright?" Her husband asked. Tumango siya bago siya inalalayan nito papasok sa loob ng bahay. Native ang pagkakayari niyon. Makikita mo na tila isa iyong bahay kubo na may modernong disensyo. Mula sa salas ay may kawayang sofa na napapatungan ng may isang dangkal na kapal ng kutson. Sa center table ay may nakatapong na vase na puno ng mga pebbles. May LED TV din na nakapatong sa malapad na rack. Sa likuran ng salas ay dinning table na yari rin sa kahoy at kawayan. Maging ang dinning chair at ilan pang kasangkapan. Kompleto sa modernong kagamitan ang buong bahay. Mula sa refrigerator hanngang sa microwave oven. May automatic watching machine din siyang nakita malapit sa pintuan ng bathroom. "Gusto mo muna bang magpahinga?" Tanong muli ng asawa niya. Inakay siya nito papasok sa isang silid. Nagiisa lang iyon. Namangha siya nang makapasok sila sa loob. May double bed iyon na sakto lamang para sa mag asawa. Sa bawat sulok ng silid ay may nakatayong lamp post. May rocking chair na yari din sa kahoy na nasa isang sulok katabi ng round table na napapatungan ng iba't ibang libro. Air-conditioned din ang silid. "This will be our room. Magpahinga ka na muna. I'll be outside, may aasikasuhin lang ako." Paalam nito saka humalik sa noo niya at isinara ang pintuan sa likod niya.

Hindi na siya nakaimik pa. Humakbang ang mga paa niya papalapit sa kama. Kulay brown ang kobre kama niyon. Ang unan at kumot naman ay lighter ng kaunti sa kulay ng kobre. Bagay ang kabuuan ng mga kasangkapan sa interior ng silid.

Umupo siya sa gilid niyon at hinaplos ang kama saka dinama ang lambot niyon. Pilit niyang iniwawaksi sa isip kung bakit hindi niya alam na mahilig pala sa ganitong lugar ang asawa niya?

Nagkibit balikat nalang siya. Naramdaman niya ang pagkiskis ng katawan ni Muning sa mga binti niya kaya agad siyang napangiti. "C'mon muning." Agad na sumampa sa kama ang alaga niya at saka dumapa doon. Natatawang humiga siya at idinantay ang braso dito. Hindi na niya namalayan kung kailan siya napapikit. Basta ang alam lang niya komportable siyang nakahiga.

Banayad na mga haplos sa palibot mukha niya ang siyang nagpagising sa kanya. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng asawa niya. "Wake up, Sleeping Beauty." Dumampi sa gilid ng labi niya ang labi nito.

"A-Anong oras na?" Tanong niya ng makabawi sa pagjabigla dahil sa ginawa nito.

Sumandal siya sa headboard at ipinatong ang dalawang palad sa mga hita. Hindi niya akalain na makakatulog pala siya. "Past eight." Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Kaya pala sobrang dilim na sa labas. Dahil kitang kita niya iyon sa mga nakabukas na jalousie.

"Nakatulog ako!" Bulaslas niya.

Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. "A-Anong ngini-ngiti mo d'yan?" Tanong niya na nakakunot ang noo.

"Gigisingin na sana kita kaninang alas sais dahil yayayain na kitang maghapunan. Kaya lang ang higpit ng kapit mo sakin kanina. Ayaw mo nga pakawalan ang kamay ko." Namula ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya inakala na ginawa niya iyon habang natutulog siya. Nakita niya ang pagngiti pa nito lalo. Kaya mas lalong nilamon siya ng pagpakahiya.







To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon