The Broken Man

21.6K 515 13
                                    

The Broken Man

Ilang beses nang pinigilan ni Trey ang pag alis ni Sheila. Hanggang sa nakatulog ito ay hawak pa rin nito ang palad niya. Na para bang aalis siya ano mang oras.

Hinaplos niya ang mukha nito. Natatakot siya. Natatakot siya dahil pakiramdam niya ay sasaktan niya ito. He's broken.

"Dead anniversary ni Julie ngayon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapatahimik ng konsensya ko. I was the one who blame for what happened to her. Niyaya ko siyang magpakalayo layo. It's---my fault."

Puno ng pagsisisi ang bawat bigkas nito ng mga salita. Alam niyang nasasaktan ito. "Wala kang kasalanan." Aniya.

Tumitig ito sa mga mata niya. Bago mapait na ngumiti. "Muntik na akong makulong noon. Julie's brother filed a case against me. Rape and murder. Iyon ang isinampa sakin kaso."

Kapatid ni Julie si Ruth. Alam niya ang lalaki ang tinutukoy nito. "A-Anong nangyari?"

"Thanks to my father. Inareglo niya ang kaso. Walang ebidensya na makapagsabi na ako nga ang pumatay kay Julie. Pero alam ko na isinusumpa na ako ng mga naiwan ni Julie. Na kung hindi marahil ako nakipagrelasyon sa kanya ay baka buhay pa siya ngayon."

Natahimik muli siya. Halata na nagsasabi ito ng totoo. Pero kung hindi ito ang mastermind sa pagkakapatay kay Julie. Sino ang may motibong gawin iyon? "God knows how I really wanted to know who killed Julie. Pero kahit ako ay hindi ko alam. She was okay when I heard her voice over the phone. Magkausap pa kami. Nagtatawanan. Pero nangyari na ang lahat---."

Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. "Wag mong iisipin na nasasaktan lang ako kaya mahal kita. Mahal kita, Sheila. Parte ng madilim kong nakaraan si Julie. But you're the light in my darkest life. Iba ka sa kanya. At iba siya. Natatakot lang ako. Dahil ayokong maulit sayo ang nangyari sa kanya. Dahil mababaliw na ako."

Dahan-dahan niyang hinila ang kamay ng makitang tulog na tulog na ito. Base sa pag akyat baba ng dibdib nito. Ngayon lang niya nakita ang ibang side nito. Na para itong bata na aatungal ng pag iyak dahil iniwan ito ng nanay niya sa loob ng bahay at kinandado. The Prominent Congressman has this, different side. Na hindi mo iisipin na may tinatakasan itong bangungot na hindi palaging nagpapatulog dito.

Malaya niyang napapagmasdan ang mukha nito. Saka niya naalala ang mga panahon na iniisip niya ano nga ba ang nagustuhan niya dito at madaling nahulog ang loob niya? Na sa isang kisap mata lang ay nagpakasal siya dito ng walang alinlangan.

Sumandal siya sa headboard ng kama. Nakataas ang blinds kaya kitang kita niya ang madilim na kalangitan. Ngayon daw ang super bloody moon. At nakikita niya na ang uumpisa na rin ang eclipse. Sabi ng matatanda---lahat daw ng bumabagabag sayo ay ihiling mo sa buwan na sana ay mawala na. Na lahat ng desisyong gusto mong gawin ay magawa mo ng tama. Hindi niya alam. Nalilito siya. Nililito siya ng nararamdaman niya.

Akala niya kapag sumama siya kay Trey au magiging battered wife ang kahahantungan niya. Lalo pa't sinasabing kriminal ang ama nito dahil sa pagpapatakbo ng mga illegal na negosyo. Isama pa na mastermind din ito sa pagkakamatay ng dating kilalang angkan dito sa San Simon. Pero bakit puro kabaitan ang nakikita niya? Bakit tila kasama niyang muli ang Trey na nakilala niya noon sa San Diego? Yung Trey na pinakasalan niya.

Nalilito na siya. Hindi na niya alam kung ano ba ang tama at hindi. Nang yumuko siya muli dito. Bahagyang gumalaw ang talukap ng mga mata nito pero hindi nagmulat. Maya maya'y yumakap ang braso nito sa binti niya. "D-Dito ka lang... Wag kang aalis." Halos bulong na lamang iyon pero sapat na para marinig niya.

Mabait si Trey. Hindi siya masamang tao. Kaya naniniwala siya na hindi nito Pinatay si Julie. Hindi totoo ang bintang ni Ruth. Pero kung hindi ito ang may kagagawan. Sino?

"My father was Ruthless. Kinatatakutan siya dito sa lugar namin kahit noong gobernador pa siya. He was a dominant disciplinarian."

Si Hernan Zaragosa? Pero anong motibo niya para gawin ang ganoon sa isang babaing walang kalaban laban?







To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon