Chapter 1: Welcome to Vampire University

5.1K 97 9
                                    



Allyssa's POV

Nagkulong ako sa kwarto at umiyak. Di ko alam na dito na pala matatapos ang mga pangarap ko. Kahit na nag graduate ako ng salutatorian noong high school, hindi pa rin sapat ito para makatuntong ako ng college. Hindi na makakapasada ng tricycle si papa dahil sa aksidenteng natanggap niya. Si mama naman, hindi sapat ang sweldo niya sa paglalabada para sa tuition fee ko sa college.

Di rin naman ako pwedeng maging working student dahil 17 years old pa lang ako. Dahil sa sobrang talino ko, nag advance ako mula grade 4 patungong grade 5.

Ang tanging pag-asa ko nalang ay ang magtrabaho sa club gabi gabi. Pero hindi naman ako tulad sa ibang mga babae dahil napaconservative ko. And I hate boys...I really really hate boys. Napakagaling kasi ng mga lalake eh, napakagaling manloko. Kaya nung niloko ako ng una kong BF, hindi na ako nagmahal pa ulet.

Wala na talaga akong pag-asa. Dito na siguro matatapos ang mga pangarap ko.

ZZZZTTT ZZZZZTTTT ZZZZZTTT

Nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang nag text. Si Cheska, ang bestfriend ko.

Allysa, may pag-asa pa tayo! May school na may libreng tuition fee, libre ang dorm, libre na ang lahat! May 5,000 pesos pa na allowance every month! Wala na tayong babayaran! Sorry kung bibiglain kita ha, pero mamaya na mag start ang enrolment! Alam mo na ang mga dadalhin sa pag enrol. At saka sa sabado na mag start ang klase! Magempake kana. Magkita-kita tayo mamaya sa Bus terminal.

Biglang lumiwanag ang mundo ko. May pag-asa pa. Salamat sa Diyos at tinupad niya ang hiling ko. Kung anong school man iyon, talagang hulog ito ng langit.

Nagpaalam ako kina mama at papa bago pumunta sa Bus Terminal. Masayang masaya sila sa aking balita. Magbubunga na din ang lahat ng sakripisyo nila na pg-aralin ako mula elementary hanggang high school.

Nakita ko si Cheska na kumakaway sa akin. Akala ko iniwan na niya ako. Agad akong lumapit sa kanya.

"Ally, ready na ba ang mga birth certificate, card, at ID mo?", tanong ni Cheska.

"Siyempre naman, bakit naman yan makakalimutan ng isang salutatorian", sinabi ko ng pabiro.

"Sige tara na"

Napakarami ng tao sa Bus Terminal dito sa Gensan. Agad kaming sumakay sa bus. Papunta pala ito sa Davao.

"Teka paano mo nalaman na sa Davao pala ang bago nating school?", tanong ko sa kanya.

Binigay niya sa akin ang isang brochure. Binasa ko ito. Nanindig ang mga balahibo ko ng makita ko ang pangalan ng university.

"Vampire University?"

"Oo, bakit?", sabi ni Cheska na nakangiti. Parang hindi lang man siya natakot sa pangalan ng bago naming school.

"Hindi ka ba natatakot sa bago nating school Cheska?", tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba Ally, kung Vampire University may bampira agad? Malay mo fan lang ng mga vampires ang gumawa ng school"

Kahit na ano pa ang sabihin niya. Iba pa rin ang pakiramdam ko sa bago naming school. Parang may hindi tama.

--------------------

Sa wakas! After 7 hours na tulog, ay este, na biyahe, nakaabot na rin kami ng Davao. Sumakay kami ng Jeep papunta sa bago naming school.

"Nandito na tayo! Hoooooo", masayang sinabi ni Cheska. Parang excited ata para mag enrol.

Tiningnan ko ang gate ng Vampire University. Namangha ako sa ganda ng school. Napakalayo sa inimagine ko. Akala ko ay kulay black at red ang mga paintings tapos ang mga buildings ay parang mga castles. Nagkamali ako...

Vampire UniversityOnde histórias criam vida. Descubra agora