Love is your greatest rival in a race called life.
Pssshhh. Kasinungalingan. Love keeps a person alive.
*poke*
Sinara ko yung librong binabasa ko pero inipit ko yung pointing finger ko, to serve as a bookmark.
"Ano yun?" tanong ko kay Night.
"Look" sabay turo niya sa may pinto ng room. Nag-aaway yung kaklase namin na babae at lalake.
Sabi na e. Lagot to sakin.
"Game?" tanong niya sakin . Tinatanong pa ba yan? Lol!
"GAME!" with a small curve formed in my lips. Tinuloy ko yung pagbabasa ko at hinantay dumating yung next prof.
"Anu ba yan! Ang tagal naman ni Sir.. Half hour na siyang late pero pagdating dito 1 hour hell parin magtuturo" reklamo nitong katabi kong kararating lang.
"Hoy Ashley! Kararating mo nga lang e. Lakas magreklamo ha!" sabat naman nung nasa harap niya.
"Hoy karin Lhisa! Nagugutom na ako. Nasaan na ba kasi yang Physics teacher na yan?" bulyaw naman niya pabalik.
Ako rin gutom na, tagal naman kasi magbell e. Lunch time na oh! Nawalan na tuloy ako ng gana sa pagbabasa dahil nagugutom na ako.
Naisip kong matulog nalang . Aktong iyuyuko ko na yung ulo ko nang....
"Good Morning class, sorry na-late ako. Nagkaroon kasi ng aberya sa Lab room e. Muntik na ngang masunog yung room e. Mga pabayang estudyante talaga."
"Sabi ba naming mag-explain ka?" Lhisa.
Pfffttt ~ HAHAHAHA! AnakNg!
"Dapat sumama ka na din. Nagpatusta ka" Ashley.
HAHAHAHAHA. Gusto kong tumawa ng malakas. Kaso ayoko nga.. baka pagalitan pa ako e.
"You two!" sabay turo niya sa dalawa. "Shut up!" then he opened his book and browse it.
Okay... Nasabi ko bang... sa school na ito. Walang galang ang mga tao. Kung mag-away man ang professor at student, kinabukasan limot na agad nila. Yung parang walang nangyari kahapon?
"Mr.Ceres" narinig ko nanaman ang surname ko.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Stand up!" he commanded. So what to do? E di tumayo ako.
"What is the derivative of position with respect to time?" tanong niya.
Nasabi ko bang nahawa na din ako sa mga estudyante dito? Umupo ako ng wala man lang response sa kanya.
I mean... ako ang nagpalaganap ng pagkawalang galang sa school. HAHAHA.
"Is anyone in the class knows the answer?" pero busy yung tinatawag niyang class at walang sumagot sa kanya. Yung mga girls nag-uusap about sa latest nail art. Yung boys naman, gaming ang topic. Yung nerds... inaantay ata yung butiki na mahulog sa kisame. HAHAHAHA. Joke lang, iniisip ata yung sagot sa-
"Sir!" told you, nag-iisip yun.
"Yes Mr.Gonzales?" nakangiti niyang tugon dito.
"Velocity?" sagot yan o tanong? -_____-
"Good Mr.Gonzales, you may take your seat"
*****
*BELL RINGS*
Sa wakas! Gutom na gutom na ako. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at lumabas ng room. Pero bago ako makalabas...
"Hi Cloud, I bake some vanilla cake for you. Alam mo bang maaga akong gumising para lutuin yan?" Vanilla?
