Chapter TwentyOne ~Lei Andrei ~

23 0 0
                                        

[Night's PointOfView]

"Alis muna ako ha.." paalam ko sa mga kapatid ko at kay Erica.

"Sige Kuya, kami na muna bahala kay ate Erica." sagot ni Neri, kapatid kong babae na 10 years old.

"Wooow. Eh sarili mo nga di mo kayang alagaan." pang-aasar ni Niel kay Neri.

"Weh? Ikaw nga 13 years old na umiihi pa sa kama e." sabay dila ni Neri kay Niel.

"Hindi na ngayon no.. Sige Kuya, ako na muna bahala dito."

"Good." buti matured na ang utak nito ni Niel. "Neri, wag pasaway kay Kuya ha." dugtong ko.

"Opo. Yan kaya pasaway." sigaw niya mula sa kusina.

Pasakay na sana ako sa kotse ng bigla kong pigilan ni Erica.

"Night.. wait up!" sigaw niya kaya napatigil ako.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Ano...eh.. mag-iingat ka."

Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Sige, sige.. pakibantayan nalang din yung dalawa.." ani ko.

"Sige, ingat!"

"Kiiiisss!"

Napalingon kami sa sumigaw. At ang peste kong kapatid na si Neri pala at katabi niya si Niel na nakabungisngis.

"Manahimik nga kayo, pumasok na kayo don." sigaw ko.

"Sabi ko sayo Kuya Niel e, bagay sila." singit pa ni Neri bago pumasok.

I clambered to my car and started up the engine.

Nabalik na pala sakin yung car keys ko.

Feeling ko nga kinalawang na to dahil ang tagal bago ko magamit ulit e.

Bumalik kasi galing ibang bansa si Dad para asikasuhin yung branch ng business niya dito. So yun, kahapon binalik niya sakin. Actually, nag-family bonding muna kami bago siya bumalik ng US. Isang araw lang naman siya dito e. Baka may pinirmahan lang or ewan. Masaya naman yung paglabas naming mag-aama. Pero sandali lang yon dahil male-late daw siya sa flight at tsaka mag-isa lang din kasi si Erica sa bahay. Hindi ko naman masabi kay Dad yung about kay Erica dahil kung sabihin kong nag-uwi ako ng babae e, baka palayasin na talaga ako. Kahit paliwanagan ko pang desenteng babae si Erica ay magagawa padin nong palayasin ako.

While driving, I can't halt myself from smiling when I remember how my siblings are suprised by Erica.

*Flashback*

Maaga akong nagising para magluto ng almusal, although may maid kami, naisip kong tumulong ako sa kanya sa pagprepare ng almusal. Wala namang masama dun diba?

Marunong naman ako magluto e, kaso yung paprito-prito nga lang.

"Oh Night, good morning. Aga nagising a?" bati sakin ni Ate.

"Good Morning din Ate. Ano po bang almusal? Tulungan ko na po kayo."

"Pancake, Hotdog at Fried Rice ang almusal ngayon.."

"Ganun po ba? Sige po tulungan ko na kayo."

"Oh sige, ikaw na magprito nung Hotdog... ingat sa mantika." paalala niya.

"Bakit po? Nangangagat po ba?" biro ko sa kanya na sabay naming ikinatawa.

After 30mins. natapos na namin ang pagluto.

"Ayan, pwede ka ng mag-asawa." biro sakin ni Ate.

"Hala! Prito lang yun e, si ate talaga." sabay tawa ko.

No ! This Can't Be !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon