Chapter Twenty ~ Anne ~

27 2 1
                                        

[Lyxz's PointOfView]

"Sino yon?"

Si Kuya.

Paano to ngayon? Kailangan di niya mahalata na magsisinungaling ako.

Siguro di niya naman nakita si Cloud no?

Kalma Lyxz, ikalma mo ang sarili mo...

"Hi Kuya. Good Evening, ngayon lang ako nakauwi kasi bumili kami ng kakailanganan namin sa project e. Sorry kung ginabi."

"Sino nga yon?" ma-otoridad niyang tanong.

Pusa, nangangatog na yung tuhod ko, ano ba ang pwede kong sabihing pangalan?

*someone knocks*

Saved by the knock? Woooh.

Binuksan ko yung pinto at isang lalaki ang sumalubong sakin.

Si Lei. (yung seatmate ko, remember?)

"Sino yan?" sabay lapit ni Kuya samin.

Ano ba tong lalaking to, wala nang alam sabihin kundi 'sino'.

"Uhhmm, Good Evening po, naiwan po kasi ito ni Lyxz sa kotse ko." magalang na sabi ni Lei.

What the fck!? Naiwan sa kotse niya?

"Ikaw ba yung kasama niya kanina?" tanong ni Kuya.

Lalo akong pinagpawisan ng malagkit. Yung feeling na, nasa school ka tapos ini-LBM ka. Tapos kahit malamig pinagpapawisan ka. Punyemers.. wag kang magkakamali ng sasabihin, kundi tigwak ka sakin bukas Lei.

Pinandilatan ko siya ng mata at sinuklian naman niya iyon ng isang ngiti.

"Ahh, opo.." sagot ni Lei.

Tinignan ko ang reaksyon ng Kuya ko. Nakakunot ang noo niya pero unti-unting umaayos dahil siguro sa narinig niya.

"Ganun ba? Sige iabot mo na yan sa kapatid ko at papasok na kami sa loob. Teka, nasaan ang kotse mo?"

Ngumiti nanaman si Lei na parang siya ang may kontrol ng pangyayari ngayon.

"Sa kabilang street lang po yung bahay namin."

What a lame reason.

I don't think that my brother will buy it.

Ang akala ko iintrigahin pa ni Kuya pero, nagulat ako nang tumalikod na si Kuya.

"Bilisan niyo jan." yun nalang ang nasabi niya sabay pasok sa bahay.

Ako naman ay dali daling hinila si Lei palayo ng kaunti sa bahay.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na bulong ko sa kanya.

"Saving you?"

"Saving me?" balik ko.

"Hey, you owe me one there, darling."

"Really? Bakit sinabi ko bang kumatok ka sa bahay at sabihing ikaw yung kasama ko?" singhal ko sa kanya.

"No. But actually, naririnig ko yung usapan niyo sa labas at kung hindi pa ko sumingit, baka masabi mo na si Cloud ang kasama mo at magkagulo pa. And another one, pasalamat ka sa librong to." sabay abot niya sakin ng padabog.

"What the hell? Kailangan ganon pa ba iabot?" reklamo ko.

Pano ba naman, binagsak sa kamay ko. Bwisit talaga to.

"Pasalamat ka sa pangingialam ko, Ms.Claveria." sabay talikod niya.

"You know nothing, Lei." sambit ko.

No ! This Can't Be !Where stories live. Discover now