Chapter 4our ~ ALTER ~

54 1 0
                                        

[Alter's PointOfView]

"Yaya, aalis na ako." male-late na ako. First day ko pa naman. Dapat hindi ako magpa-late. Lalo na't makikita ko na si MatchMaker.

"Oh sige, mag-ingat ka. Lalo na dun sa Cloud na yun." Ha! Dapat siya mag-ingat sakin. Lalaki na ngayon ang natatakot sa babae.

"Siya mag-ingat sakin, yaya!" then I went inside the car then started the engine and left.

****

"Eto po yung caf natin. And eto pong building na kaharap niya ay yung building ng freshies." pssshhh.. Oo na! Halata namang caf to e. Ayan o! Ang laki-laki nung nakasulat sa glass door! Kainis naman kasi bakit ko pa kailangang i-tour. Sa sobrang galera ko, kayang-kaya kong matapos ang pag-iikot dito ng buhay.

*Flashback*

Pagkapasok na pagkapasok ko ng school. May sumundo agad saking lalaki at pinapapunta niya akong Principal's Office. Wala kong nagawa kundi sundan siya. Anu ba yan! Kating-kati na ang paa ko na makapunta sa room at makita si MatchMaker.

Eto na papasok na ako ng Office.

"Sige po Ms.Claveria. Pasok na po kayo." teka? Di ako sasamahan nito? Mamaya monster yung principal dito.

"Ahh.. di mo ba ako sasamahan?" tanong ko sa kanya.

"P-po? Hindi na po. S-sige po, alis na ako." takte! Ba't nabubulol yun at nagmamadali pang umalis? Ano bang meron sa principal?

Dahan-dahan kong pinihit yung doorknob...

Nakatalikod yung swivel chair na halos 5 feet ata yung headrest. Di mo talaga makikita yung nakaupo.

"Excuse me?" mahina kong sambit.

Umikot yung swivel chair. At.... *tadaaaa*

Si Mr.Jon Arbuckle yung humarap. Dejoke.

(A/N: Jon Arbuckle, siya po yung amo ni Garfield)

Paano ba naman kasi, kandong kandong niya yung pusa na matabang kulay orange na parang si Garfield at hinihimas himas niya pa ito.

"Mr.Jon Ar- I mean.."

"HAHAHAHAHA." gustong magtayuan nung mga balahibo ko sa katawan. Nakakatakot, para siyang demon!

"I'm not Jon Arbuckle. Is it because of Grin?"

"Grin?"

"Him." sabay turo niya sa pusa. Ahh, ok. Grin pala pangalan nun. Bagay sila. Siya Evil tapos alaga niya si Grin parang Evil Grin. Corny ko.

Nanatili akong tahimik at inantay siyang magsalita.

"Ok.. I'm Zeke Cifer.. Zeke Cifer Ceres." Ceres? Familiar yung surname. San ko ba yun narinig?

(Cifer pronounced as Sayfer)

"Ok. Mr.Zeke Cifer Ceres, bakit niyo pa ako pinapunta dito?" ngumiti lang siya at tumingin sa pusa niya.

"Cifer nalang. Masyado kang magalang. At isa pa, 19 years old palang ako." sabay balik ng tingin sakin.

"N-nineteen?" di nga? Ang bata pa niya.

"Is it absurd for a nineteen year old person to manage a university?" Englishero!

"Not really. But from what I see, you can't manage a university like this." wala ka pang alam sa pamamahal ng ganto no? Bata bata mo pa e. Teka, bat ba nangingialam ako? =______=

"Actually , this is my first year" oh tignan mo. Unang taon niya palang. For sure, bagsak to next year!

"Ok... get to the point Mr.Cifer. You're wasting my time." -_____-

No ! This Can't Be !Where stories live. Discover now