[Cloud's PointOfView]
Teka, umuulan nanaman?
Lasang gatas yung tubig ulan! Bakit lasang gatas?
"HAHAHAHAHA. Nice one Storm." napadilat ako at nakita ko si Storm na dinidilaan ako sa mukha. So.. yung laway niya yung natitikman ko? Yikes!
Pero bakit lasang gatas?
Binuhat ko si Storm at nilapag sa baba ng kama. Si Storm, alaga kong aso yun. Isang Siberian Husky .
"Takte pare, anong oras na. 30 minutes nalang magsisimula na ang klase. Ano nanaman ba kasing ginawa mo kagabi at sobrang puyat ka?" pangaral sakin ni Night.
"Wala, maghapon lang akong nasa Entertainment room. Nawili lang ako kaya di ko namalayang madaling araw na." sambit ko habang nag-aayos para maligo.
"Antayin na kita sa baba, bilisan mo." utos niya. Tibay nito a. Sinabi ko bang antayin ako?
****
"Oh Cloud, di ka ba magb-breakfast?" tanong sakin ni Manang habang inaayos ko yung tie ko.
"Uhhhh... Manang di na po. Late na din kasi kami e." minadali kong ayusin yung tie ko dahil sasabog na yung isa sa galit.
"Manang, si Storm pakainin niyo ng maayos a. Sa school nalang ako kakain"
"Inuna pa ang alaga. Sige, mag-almusal ka nalang sa school mo. H'wag kang papagutom." tinignan ko yung nasa hapag. Pancakes with choco syrup. Gusto ko sanang kumain. Ok naman na ma-late ako e. Remember? Ako may-ari. Kaso itong kasama ko mukhang timang. At ako naman si sunod.
Lumabas na ako ng bahay at nakita ko siyang nag-aantay sa tapat ng kotse ko.
"Hoy, mauna ka na kaya? Gusto kong kumain ng almusal e." sigaw ko sa kanya.
"Di ko dala yung kotse ko. Ano bang almusal? Pakain naman o. Kulang ata nakain ko kanina sa bahay." tignan mo to! Rated Parental Guidance talaga!
Binuksan ko muna yung kotse ko at iniwan namin yung gamit doon.
Pabalik na kami sa bahay ng mapansin ko yung braso ni Night. May kung anong dumi kasi doon.
"Manang.. anong almusal? Kakain daw muna kami!" masayang sigaw nitong si Night. Nakalapit na kami sa lamesa nang...
"Hoy Night, ikaw uubos lahat ng pag-" napatigil si Manang nung sumigaw si Night.
"MANANG!! IMISSYOUSOMUCH!"niyakap niya si Manang habang sumisigaw. Retard! Parang di nagkita kanina -_____-
"Nako, kumain na nga kayo." sabay lakad papaalis ni Manang.
"Yun oh! Panshjkp" HAHAHA. Mabulunan sa-
"Tubig penge. Dali penge" HAHAHA. Nabulunan na nga.
"Oh ayan!" Inabot ko sa kanya yung isang basong tubig.
"Grabe, kala ko matutuluyan na ako dun a." sana nga. HAHAHA.
"Wala naman kasing aagaw jan sa kinuha mo e. Kung makalapang ka akala mo kukuhanan kita." hindi ako pinansin ng loko at tumuloy sa pagkain. Naglagay na ako ng syrup sa pancake ko...
"Sht!!" bwisit naman, natalsikan pa ko sa braso. Buti nalang di sa uniform.
Pupunasan ko na sana... but I remember something..
****
Nasa kotse na kami ngayon. Ten minutes lang naman papuntang school e. Traffic naman. Nakita ko ulit yung dumi sa braso ni Night.
"Night, ano yang nasa braso mo, bakit kulay brown?" huli kang loko ka.
"Ha? Ahhh-ehhh" walang mapalusot to. HAHAHA.
