[Cloud's PointOfView]
"Sino kaya yung pumatay sa lalaking yun?"
"Kanina mo pa yan tinatanong Night. Malay ko kung sino."
"Uyy pare! Si Lyxz oh!" sabay turo niya sa babaeng naglalakad papunta samin.
"Hanggang dito ba naman?" bulong ko.
"Hi Cloud!" masigla niyang bati sakin.
"Hi Lyxz" sagot naman nito ni Night. Cluod nga diba? Hindi Night.
"Anong ginagawa niyo dito sa Bar?"
"Natutulog" bulong ko.
"A-ano yun Cloud?" tapos lumapit siya sakin. Yung halos idikit na niya yung katawan niya sakin.
"Pwedeng umusog ka? Maluwag naman yung upuan diba?" inis kong sabi.
"Hindi ko kasi marinig yung sinabi mo e." Tang inis talaga tong babaeng to.
Tatayo sana ako at papunta sa pwesto ni Night kaso hinawakan niya yung braso ko.
"Oh. San ka pupunta ?"
"Lilipat ng pwesto. May linta kasi dito."
"Okay okay. Kung yung Boyfriend-Girlfriend Issue pa din to. Sige pumapayag na ako na ayaw mo."
....
.....
Whew. Sa wakas!
"Pero pwede ba friends nalang tayo?"
"No. Di ako nakikipagkabigan sa mga babae." diretsahan kong sabi.
"Why? Afraid to fall?"
"No I'm not."
"Then.. let's be friends!"
"Pssshhh.. Fine! So.. pwede ba tigilan at layuan mo na ako?"
"Kung kelan magkaibigan na tayo tsaka kita titigilan? Ano yun makikipagkaibigan ako tapos lalayuan kita?"
"Whatever."
Hindi ko na siya kinausap dahil baka masapak ko lang tong babaeng to.
"Cloud, C-CR lang ako a."
Tumango nalang ako.
So ngayon.. Ako at Siya nalang ang nasa table.
"Cloud, na-inlove ka na ba?"
"H-ha? Ano bang pinagsasabi mo jan. Tsaka pwede ba, kung magtanong ka akala mo close na tayo."
"Just wondering kung na-inlove ka na. Kasi nga diba? Ang dami mo nang babaeng pinaglaruan,pinaikot,sinaktan-"
"Teka lang ha! Para sa kaalaman mo. SILA ang may gusto nun. At para sa dagdag na kaalaman jan sa utak mo, SILA ang nanliligaw sa akin. Katulad mo diba?" putol ko sa kanya.
"O bakit ka HighBlood?"
Tumahimik nalang ako at napa-isip...
Oo... na-inlove na ako. Naisip ko dati na ang playboy na katulad ko, kapag na-inlove.. malamang yung babae na ang 'The One'. Pero mali pala ako. Siya pala yung nangloko sakin. Akalain mo yun, may iba pala. Sa itsura kong to, naghanap pa ng iba. E hamak namang mas lamang ako sa lahat ng aspeto dun.
Sht. Anong pinagsasa-sabi ko? Ang landi pakinggan. -______-
*poke*
"Ano?" inis kong sabi.
"Sagutin mo na yung tanong ko."
"No. Never been. And Never Will!"
"Weh? W-E-H? Di nga Cloud?"
