[Night's PointOfView]
Nakakatawang panoorin kanina sa canteen si Lyxz at Cloud.
Reminiscing that thought makes me smile. Sa wakas, nag-seryoso na si Cloud sa babae. At yung babaeng nagustuhan niya ay katulad niya. Playboy meets playgirl.
"Kuya, anong tinatawa-tawa mo jan? Baliw ka na ba?" tanong sakin ni Neri na parang naw-weird-ohan sakin.
"May naalala lang ako."
"KAIN NA!!" narinig kong sigaw ni Erica sa may kusina.
Si Erica, ilang araw na ba siyang nandito samin? 5? 1 week?
Buti nga nasanay na siya dito samin. Dati kasi kahit ilang beses kong sabihin na 'feel at home', nahihiya pa din siya.
Napag-usapan din namin kung anong balak niya.. kung babalik ba siya sa bahay nila o hindi na at dito na siya titira samin. Kung mag-aaral pa ba siya o titigil na. Ang daming tanong pero hindi niya alam ang isasagot niya. Hindi niya din alam kung may babalikan pa ba siya sa bahay nila o baka tinapon na talaga siya na parang basura ng tatay niya.
"Malalim ata iniisip mo?" napalingon ako sa nagsalita.. si Erica.
"Uhhmm.. school." wala akong ibang maisip na sagot. Ayoko namang sabihing siya yung iniisip ko, about sa plano niya sa buhay. Baka isipin niya pina-aalis ko na siya. Which is not true. Gusto ko lang din namang magkaroon siya ng maayos na buhay. Gusto ko maging maayos siya, siguro dahil kaibigan ko na din siya kaya naiisip ko ang mga gantong bagay.
"Aahh, gusto mo ba tulungan kita?" offer niya. Siguro naman may maitutulong siya.
"Huh? Wag na. I can handle it." I waved my hand.
"Sige ikaw bahala, basta sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.." she smiled.
I smiled back.
"Tara, kain na tayo? Inaantay na nila tayo."
"Oh sige tara.." tumayo na ako sa couch at pumuntang dinning area.
"Ang tagal naman, may ginawa pa kayo no?" ani ni Neri na may mapanuksong ngiti.
"Manahimik ka nga Neri, nasa harap ka ng hapag-kainan." saway sa kanya ni Niel.
"Hey! Tama na yan. Kumain na tayo." saway ko sa kanila. As usual, ako lang naman taga-awat sa dalawang yan.
****
[Lyxz's PointOfView]
Maaga akong nagising para pumasok. Hindi ko kasi nagawa lahat.ng assignments ko. Kaya.. alam niyo na.
"Good Morning Lyxz!"
"Hi Lyxz! Good Morning!"
Puro ganyab ang naririnig ko pagpasok ko palang ng gate.
Ano bang meron at lahat sila binabati ako? Para tuloy akong faculty or principal nito e.
Parang kahapon lang ayaw nila sakin tapos ngayon.. biglang naging mabait sila.
May mali dito e.
'Bakit mo ba ako pinagmamadali? Ano bang meron?' narinig kong reklamo ng isang babae.
'Titignan natin yun facade ng Senior building.'
'Ano bang meron sa facade nun?'
'Basta, tara dali.'
Mabilis na tumakbo yung dalawa.
Ano bang meron?
Teka, building namin yon e. Ano bang meron dun? Hindi naman masamang maki-usyoso diba? Tsaka building namin yon. Malamang dun din punta ko. Hindi ko na kasalanan kung makita yon.
