Chapter 6

64 5 0
                                    

"Luke, saan ba talaga tayo pupunta?" hinihingal na tanong niya sa kaibigan. Kanina pa sila naglalakad at nakakaramdam na rin siya ng pagod. Habol habol na rin niya ang hininga at napapahinto siya kapag may pagkakataon.

Half day lang sila ngayong araw dahil exam week pa rin nila. Pauwi na sana siya nang bigla naman siyang salubungin ni Luke. Sadya raw siyang hinantay ng huli at inaya siyang sumama rito. Hindi naman siya nagdalawang isip pa. Bukod kasi sa malapit naman na silang magkaibigan ay tinatamad pa rin siyang umuwi ng bahay.

"Kaunti na lang, Sydney. Malapit na tayong makarating sa pupuntahan natin," ani Luke at inilahad ang palad nito. Walang pagdadalawang isip na inabot niya iyon at nagsimula na naman silang maglakad.

Magkadaupang palad silang naglalakad paakyat sa burol na tinatahak nila. Sa tutuusin, ilang beses na niyang narinig na sinabi nitong malapit na sila pero heto at naglalakad pa rin sila paakyat. Ngunit hindi na rin masama. Ngayon pang magkahawak kamay sila, kahit siguro abutin pa nang habang buhay ay hindi na siya magrereklamo pa. Holding his hand this close was enough reason for her not to get tired. She should enjoy this moment, since it's her fantasy. To be with the prince she's been dreaming of. To be with Luke, someone who already own her heart.

"We're here!" masayang sabi nito sa kaniya.

Ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata sa nasasaksihan. Hindi niya inasahang napakagandang tanawin pala ang bubungad sa kanila. Daig pa niya ang nasa peak ng napakataas na bundok. Pakiramdam niya ay abot na niya ang kalangitan dahil sa ganda ng tanawing naglalandas ngayon sa kaniyang paningin.

Hindi niya na-imagine na mula sa burol na ito ay makikita niya ang kabuuan ng kanilang munting bayan. Ang pinaghalong kulay ng asul at berdeng tubig ng ilog ay tanaw na tanaw niya. Sa paligid nito'y mga nagkikisigang puno na ang tayog nang pagkakatayo. Ang berdeng bukirin na nagsisilbing carpet. Idagdag pa ang iba't-ibang kulay ng mga bubong ng bahay sa kanilang nayon. She almost hold her breath while scanning the whole scenery. It's indeed a paradise! Akala niya noon, sapat nang makita ang mga nagtataasang bundok at burol sa kanilang lugar ngunit may mas igaganda pa pala ito. Lalo tuloy niyang ginusto na mag-travel all over the Philippines. Alam niya, mas marami pang itinatagong ganda ang sariling bansa kaya pupursigihin niya talagang tangkilikin ito kumpara sa mga bansang hindi naman niya kinagisnan.

"Luke, it's so beautiful! Para akong nakakita nang napakagandang painting sa exhibit! It's all natural and it's really beautiful!" naluluhang sabi niya at hinarap ito. Mas lalo siyang nakaramdam ng saya nang makita ang sayang gumuguhit din sa mukha nito. Batid niya, parehas sila ng nararamdaman ngayon. They were both happy and how she wish that this would not end. She liked the thought of having him beside her. Napakaperpekto. Napakagandang pangitain. Para siyang nabubuhay ngayon sa kaniyang paraiso. Sa kaniyang palasyo, kasama ang prinsipeng pinapangarap niya.

"Yes, so natural," anito at mataman pa ring nakatingin sa kaniya. Nakalulunod man ang tinging ipinupukol nito sa kaniya ay hindi niya inda sapagka't masarap malunod sa presensiya ng taong kaharap niya. "Natural beauty," dugtong nito at saka tumingin sa napakagandang view.

Napangiti naman siya sa sinabi nito. Hindi niya maiwasang kiligin sa kaisipang sinabihan siya nitong maganda. Hindi man direkta o hindi man sigurado kung siya ba ang tinutukoy nito o ang paligid ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga lamang sa mga oras na ito, mabuhay siya sa isang pantasyang binubuo para sa kanilang dalawa.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang lugar na ito, Luke? Napakaganda rito, promise!"

"Actually, wala talaga akong balak na sabihin sa kahit na sino. Alam mo 'yong parang gusto ko itong ipagdamot at angkinin. This place serves as my haven. I consider it as my sanctuary and I don't want anyone to discover it because they might stole it from me," anito at naupo sa ilalim ng puno ng mangga.

My Man in the Mirror (✔)Where stories live. Discover now