Epilogue

72 5 0
                                    

HINDI mapigilan ni Sydney ang mapaluha ngayon. Luha iyon ng kaligayahan habang masayang sinasalubong ang tingin ng mga taong nakakasalubong niya. Halata sa mukha ng mga ito ang kaligayahan para sa kaniya. Kasabay ng luhang iyon ang saliw ng isang napakagandang musika na sa wakas ay naririnig na rin niya. Kay tagal niyang hinantay ang araw na ito. Kay tagal niyang inasam na mangyari ito. At ito nga, dahan dahan siyang naglalakad sa hardin ng pinakamalapit na palasyo sa puso niya. Masaya siyang naglalakad papunta sa prinsipeng parang kailan lang ay pinapangarap pa niya. Mas pa pala sa naiisip niya noon ang kaligayahang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Nakadagdag sa sayang nararamdaman niya nang makita ang pagpupunas nito ng luha na alam niyang dulot ng sobrang kaligayahan. Hindi tuloy niya napigilang matawa na rin sa itsura nito.

Father, I said 'til death do us part
I want to mean it with all of my heart.
Help me to love You, more than I love him
Then I know I can love him more than anyone else.

Ang kantang iyon! Sa wakas ay narinig na rin niya sa mismong araw ng kasal nila ni Luke. Mas lalo lamang siyang nagiging emosyonal. Hindi pa man din nagsisimula ang seremonya ay lunod na lunod na siya sa kaligayahan at pagmamahal.

Nang sa wakas ay naihatid na siya ng mga magulang sa harap ng prinsipeng nag-aabang sa kaniya, mas nadoble ang buhos ng ulan sa kaniyang mga mata. Punong-puno ng pag-ibig na tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay. Mahigpit na hinawakan iyon ng kapareha na tila ba ayaw na siyang pakawalan pa.

"You're the most beautiful bride I've ever seen in my life," puri sa kaniya ni Luke.

"Bola. Don't worry, ikaw rin ang pinaka-gwapo, pinaka-makisig, at pinaka-hot na groom na nakita ko. Ang swerte ko namang bride," sabay silang napalingon ni Luke sa likuran nang korong magtawanan ang mga bisita. Naririnig pala ng mga ito ang usapan nila. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya.

Tumikhim naman ang paring nasa harapan nila dahilan para muling mabalik ang pansin nila sa harapan. Pinasimulan na nga ng pari ang seremonya at kinakabahang hinarap niya ang kapareha nang sabihin na ng pari ang pagpapalitan nila ng vow.

"Sydney, my princess. Mula nang binigyan mo ako ng pagkakataon na tawirin ang pagkakaibigan natin, binigyan mo na rin ako noon ng pagkakataon na muling mabuhay. Sobrang saya ko talaga no'ng araw na ipinagkatiwala mo sa akin ang iyong puso. Noong mga panahon na nagkalayo tayo, iyon 'yong pinakamalungkot na parte ng buhay ko. Kasi hindi ako buo. Kasi may kulang. Kasi wala ka sa tabi ko. Pero salamat, kasi bumalik ka," buong pusong sabi ni Luke sa kaniya. Tila ba wala na ring pakialam sa mga luhang naglalandas ngayon sa mukha nito.

"At noong unang araw na nakita kita after more than a decade, pinangako ko talaga sa sarili ko na hinding hindi na kita pakakawalan pa. That this time, I'll surely take risk just to be with you. Na hindi na ako magpapakaduwag. Ganoon din, pinangarap ko talaga na isang araw, gagawin kitang reyna. From being my princess to my queen, kasi hindi ako makukuntento na prinsesa lamang kita. Gusto ko, isang araw, magigising ako na ikaw na ang reyna ko na siyang mag-aaruga at magmamahal sa bubuuin nating pamilya. And I really thank God, for bringing you back to me. Thank you for loving me. Thank you for a chance that you gave to me. And from this day on, I promise that I'll be a good husband and father of our child. To be the best man of your life. To love you more than anyone else, to be someone who makes you happy, to be your best lifetime partner, in richer and in poorer, 'til death do us part. I love you, Sydney."

Kinikilig na napangiti siya sa rito at hanggang sa mga oras na ito ay hindi niya mapigilan ang luhang pumapatak sa mga mata niya. Hindi naman niya inakalang magiging drama queen pala siya sa araw ng kasal niya.

"Luke Avien Sebastian, I really don't know what exactly to say. Hindi ko alam kung kayang tumbasan ng anumang salita ang nararamdaman kong pagmamahal para sa iyo. Pero sige, susubukan ko," halos magkapanabay silang natawa ni Luke sa sinabi niya. Wala kasi talaga silang hinandang wedding vow para sa isa't-isa dahil mas gusto nilang ipahayag kung anuman ang nararamdaman talaga nila sa kasalukuyan.

Huminga muna siya ng malalim at hinawakan ang kamay nito. "Ramdam mo ba 'yong panginginig ng kamay ko? Ganyan ang epekto mo sa akin sa tuwing makikita kita. Kinakabahan ako, nanginginig, nawawala sa sarili, na maging ang puso ko, tinatraydor, at ipinagkakanulo ako. Napakalaking pader ang pilit kong binuo noon para hindi na ako muling madapa dahil sa'yo. Pero sadyang pasaway pala talaga ang puso, kasi kahit anong pilit ko noong magalit sa'yo, na mawala na sana ang pagmamahal ko sa'yo, sa huli ay babalik at babalik pa rin pala talaga ito sa taong inilaan talaga para rito. The moment I saw you in that mirror, aaminin kong hindi talaga ako pinatahimik noon ng kalooban ko. Sinasabi ng utak ko na mali iyon, na malaking kalokohan lang iyon, pero ang pasaway kong puso, binigyan ako ng pag-asang sa wakas magiging akin ka na. Binigyan ako ng pag-asa ng puso kong sa huli, mahuhulog ka rin sa charm ko. Kahit pa nga sabihin nating, hindi ko naman iyon nagamit talaga. At talagang napatunayan ko kung gaano kalakas ang tama mo sa akin, kasi hindi pa man din kita kinikindatan, hulog na hulog ka na," muli na naman silang natawa.

"But seriously, noong unang araw na pinagpasyahan kong supilin na ang nararamdaman ko sa'yo noon, nawalan na rin ako ng pag-asa na baka nga tayo talaga. Pero noong muli tayong nagkita, napatunayan kong mali pala lahat ng agam agam ko. Na mali palang natakot ako. Na mali palang magpadalus-dalos ng desisyon. Na hindi pala tamang talikuran ang taong tunay na isinisigaw ng puso ko. Kasi kahit anong paglayo ko pala sa'yo, sa huli, sa'yo pa rin pala talaga gugustuhing bumalik ng puso ko. Kaya siguro ganito na lang ako kaemosyonal sa mga oras na ito, kasi sa wakas masasabi kong tayo na talaga. Na akin ka na talaga. Na ako talaga ang orihinal na tenant sa puso mo. Ang nag-iisa at eksklusibong tenant ng buhay mo. Maraming maraming salamat kasi tinuruan mo ulit akong umibig noong mga panahong ginusto ko na namang sumuko. Maraming salamat kasi ipinaramdam mo talaga sa akin kung gaano mo ako kamahal. Hindi ko man maipapangako na magiging perpekto ang pagsasama natin, sinisiguro ko naman na gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa sa iyo. And from this day on, I promise that I will gladly embrace all of your flaws. I will do everything to make you feel love, to make you the most blessed husband in the world, to be the loveliest and prettiest wife of yours, to be the best wife and mother of our child. Araw araw akong magpapasalamat sa Diyos na ibinigay ka niya sa akin. At sinisiguro ko sa'yong mamahalin kita hanggang hindi nauubos ang bukas. Mamahalin kita sa kasaganahan man o paghihirap. Mamahalin kita sa kabila ng mga pagsubok. Mula sa araw na ito hanggang sa kamatayan. Mahal na mahal kita. At masaya kong tinatanggap na sa wakas, ikaw at ako ay mag-asawa na. I love you, my prince. My king, pala!"

"I love you more, hindi na ako makapaghintay na mukha mo ang araw-araw na sasalubong sa akin sa umaga," masuyong sabi nito at pinisil ang kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay nito.

"At ang mukhang ito rin ang gabi-gabi mong makikita bago mo ipikit ang 'yong mga mata," pabirong dagdag niya sa sinabi nito.

"At pangako rin, marami pa tayong lugar sa Pilipinas na pupuntahan ng magkasama..."

Hindi nagtagal ay masayang inanunsiyo na rin ng pari na ganap na nga silang mag-asawa. At habang itinataas ni Luke ang veil na nagtatakip sa kaniyang mukha, nasasabik na ipinikit niya ang kaniyang mga mata upang salubungin ang halik nitong magsisilbing selyo ng pang-habang buhay na pag-iibigan nila.

- THE END -

My Man in the Mirror (✔)Where stories live. Discover now