AUTHOR'S NOTE

69 6 4
                                    

Maraming maraming salamat po sa lahat ng nag-basa! Ito po ang kauna-unahang story na nasulat ko sa loob lamang ng mahigit isang buwan, and take note, natapos ko ito sa mismong araw ng mga puso kaya Happy Valentine's Day!. Hindi ko ini-expect na makakatapos ako ng isang istorya sa ganito kaiksing oras. Oo, maiksi na ito para sa akin dahil hindi naman ako 'yong tipo ng manunulat na lalamayan ang isinusulat ko para lang masabing nakatapos ako ng isang kwento.

Aaminin ko, dala lamang ng malikot kong imahinasyon ang story na ito. Takot ang talagang nag-udyok sa aking maisulat ito. Isang gabi kasi ay nakaramdam ako ng takot na baka makita ko si Bloody Mary kapag humarap ako sa salamin. At para ma-divert ang takot na iyon, nabuhay sa imahinasyon ko ang mga tauhan nila Sydney at Luke.

And I must say that this story serves as my saviour from the anxiety and fear that slowly eats my vulnerable mind. Charot! And for me to bring back the courage that I somewhat lost, I wrote this one.

Sobrang mahal ko ang kwentong ito. At sa sobrang pagmamahal ko nga, ibinahagi ko na rin ang ilan sa mga bagay na paborito ko talaga sa totoong buhay, 'yong kwentong The Five People You Meet in Heaven at 'yong kantang The Marriage Prayer na siyang naging kanta noong kasal nila. Pangarap kong marinig ang kantang iyon sa mismong araw ng kasal ko. Gusto ko rin ang idea ng isang beach o 'di kaya'y garden wedding na siyang makikita rin sa kwentong ito.

At sana, hindi po kayo nabigo ng kwentong ito. Kung may mga pagkukulang man po kayong mapupuna, pauna na po ang paghingi ko ng paumanhin. Pasensya na rin po kung may mga maling grammar kayong mapapansin. At anuman pong komento ang maibigay ninyo sa kwentong ito ay malugod ko pong tatanggapin ng buong puso.

Muli, maraming salamat po sa pagbabasa! God bless you po. 😊

P.S. Kung nagustuhan mo po ang kwentong ito, okay lang po ba kung hilingin ko sa'yong i-suggest ito sa mga kakilala mo? Thank you po ulit, in advance! 😍

Truly yours,
xarisagape 💕

My Man in the Mirror (✔)Where stories live. Discover now