Chapter 8

55 5 0
                                    

"BAKIT hindi mo man lang ako sinabihang pupunta ka pala?" nandito sila ngayon ni Luke sa isang Italian restaurant na malapit sa kompanyang pinagta-trabahuhan niya.

"Kailan pa nagkaroon ng sorpresang ipinapaalam sa isosorpresa 'di ba?" sagot nito at isinubo ang pastang in-order nila. May nakapaskil pang ngiti sa mukha nito habang ngumunguya.

"Ewan ko sa'yo," iniikot niya ang mata upang hindi nito mahalata ang kilig na nararamdaman niya ngayon.

Bakit ba kasi kailangan pa nito ng mga ganitong klase ng pakulo? Hindi naman niya mamasamain kung dadalawin siya nito. Baka nga magpasaboy pa siya ng confetti para rito eh. Baka salubungin din niya ito ng cake at lalagyan niya pa talaga ng Korean candle para iba ang effect. Malugod niyang tatanggapin ang presensiya nito. Pero paano niya magagawa ang mga naisip gayong sinorpresa nga siya nito? Naalala niya tuloy ang korong hiyawan ng mga kasamahan niya sa kanilang department. Pinangunahan pa ng loka-loka niyang kaibigan na si Trina ang pang-aasar sa kanila. Lalo pa at hindi nakaligtas sa mga ito ang dalang bulaklak ni Luke. Hindi pa nakuntento ang binata sa dalang bulaklak, may dala pa itong heart shape chocolate. Buong puso naman niyang tinanggap iyon. Buong puso rin niyang isinugal ang puso niya para rito. Tuluyan na ngang nawala ang mga agam agam niya para rito. Gustuhin man niyang huwag umasa sa ipinapakita nito ay hindi niya magawa. Dahil taliwas sa mga negatibong bagay ang ipinapakita nito. Heto nga at inaya pa siyang lumabas ng binata para mag-lunch. Hindi na sana siya papayag dahil patapos na rin ang oras ng kanilang lunch break pero in-insist ng mga kasamahan niyang sumama na siya. Sila na raw ang bahalang magpaliwanag sa boss nila sakaling hanapin siya. Sa loob loob niya ay alam naman niyang excited lang talaga ang mga ito sa love life niya. Bukod kasi sa mga kaibigan at kapamilya niya, ang mga katrabaho ay panay na rin ang pagbubuyo sa kaniyang maghanap na ng lalaking makakasama niya. Na para bang mapupulot lang iyon sa mga bangketa sa Divisoria.

Oops! Luke is one of a kind! Hindi siya basta-basta nadadampot lang sa Divisoria. Limited edition lang siya! Natawa na lang siya sa naisip niya. Kahit kailan talaga, hindi niya maiwasang umariba ang maharot na bahaging iyon ng isip niya.

"Why?" natatawang tanong sa kaniya ni Luke. Nakaupo ito sa tapat niya. He's wearing a blue polo at tinernuhan ng black pants. Naka-black shoes rin ito at kung susuriin ay masasabi talagang may sinabi ito sa buhay. Sa pagkakaalam niya, napipisil na maging CEO ang binata sa kompanyang pag-aari rin naman ng pamilya nito. No wonder, magiging mabuti itong provider sa future family nito! Guwapo na, mabait na, masayahin na, mapagmahal na, at bonus pang mayaman ito.

Swerte mo, girl!

"Para kang sira. Hindi mo naman na kailangang sorpresahin pa ako. Para ka namang iba niyan," aniya at sumubo ng pagkain. Natigilan naman siya sa pagnguya ng makitang tumaas ang kamay nito at idinampi iyon sa pisngi niya. Gamit ang hinlalaki nito'y may pinahid itong kung ano sa gilid ng labi niya.

Kaagad naman nitong inalis ang pagkakahawak sa mukha niya. Sa tingin niya'y parehas lamang sila ng nararamdaman kanina nang magdikit ang kanilang balat. Again, she felt a warm voltage of electricity running through her veins.

"Delicious," he teasingly declared. Isinubo kasi nito ang daliring ginamit nito kanina. Napagtanto niyang may kumalat palang sauce sa mukha niya at pinunasan iyon ni Luke.

"Baliw," impit ang kilig na sabi niya rito. Kaagad siyang kumuha ng pasta at isinubo iyon kay Luke. Halata naman ang gulat nito sa ginawa niya at ganoon na lang ang tawang kumawala sa kaniya nang may kumalat na sauce sa mukha nito.

Hinuli nito ang kamay niya dahilan para matigilan siya. Tahimik na pinagmasdan niya ito. Muli niyang naramdaman ang nakalulunod na damdaming ito lamang ang may kakayahang magdala sa kaniya roon. By merely seeing his gaze, pakiramdam niya ay nasagot na nito lahat ng tanong sa isipan niya. Halu-halong emosyong ang bumabalot ngayon sa kulay tsokolate nitong mga mata. Hindi tuloy niya naiwasang suriin ang kabuuan ng mukha nito. Ang matangos nitong ilong na bumagay sa nangungusap nitong mga mata. Idagdag pa ang labi nitong tila natural lamang ang pagiging kulay pula. Para bang masarap sa pakiramdam ang matikman ito. Ang swerte naman ng babaeng makakaangkin ng labing iyon. Ang perpekto rin ng pagkakahulma ng mukha nito. Sa palagay niya ay walang laban ang sinumang diyos sa Mt. Olympus kung itatapat ang itsura ng mga ito sa lalaking kaharap ngayon.

My Man in the Mirror (✔)Where stories live. Discover now