#AHNKC 4: Sweet Dave

3.9K 183 17
                                    

A/N: Para po sa mga bagong kita pa lang sa account ko dito na hindi nakakakilala kay John Paul at Justine. Pakibasa na lang po ang una kong akda. Si Malakas at Si Pabebe. Hehehe. Salamat po. :)

Pa-eksena muna ang Junggoys, na-miss ko na kasi sila eh. Hehehehe.

Vote muna please bago mag-basa. Salamat. Enjoy reading. :)



***

~KIM~

Matapos ang gabing iyon, halos isang linggong hindi nagpakita sa akin si Dave. Sa akin ay okay lang naman iyon, alam ko namang dala lang iyon ng kalasingan. Kaya dahil wala siya, kaming dalawa na lang ni Kevin ang laging nasa tambayan, aware naman si Kevin na nagkaroon ng gap samin ni Dave kaya di na siya nagtatanong.

"Dave! Dave!!!" Sigaw ko ng makita ko itong naglalakad papuntang kanto. Tinatawag ko siya pero hindi talaga siya lumilingon.

"Dave saglit lang!!!" Hinabol ko siya, tutal papunta rin naman ako sa kanto.

"May problema ba tayo Dave? Bat ganyan ka? Ramdam ko naiwas ka sakin." Panimula ko.

"Hehehe. Wala naman Kim." Pilit na ngiti niya. "Saka hindi ako naiwas. Busy lang talaga sa school." Dugtong pa nito na hindi man lang lumilingon sa akin. Inaalog-alog ang baryang hawak.

"Bakit ikaw lang ang busy? Si Kevin hindi? Diba classmates kayo? Saka dati, kahit busy, nakakatambay tayo. Bat ka ganyan?"

Hindi na siya nagsalita. Alam kong naiilang na siya sakin dahil dun sa nangyari nung birthday ni Kevin.

"Kung iniisip mo na galit ako sayo dahil dun sa nangyari. Hindi ako galit okay? Hahahaha. Oo, lasing lang tayo nun kaya I understand. Okay na yun Dave. Balik na tayo sa dati!" Nakangiting sabi ko saka yumakap sa braso niya.

"Ikaw naman oh! Hahaha. Tayong tatlo na nga lang magbabarkada dito, mawawala ka pa! Arte mo ah. Hahaha. Tara na! Tambay na tayo don! Kalimutan na natin yun!"

"Salamat Kim! Sobrang nahihiya lang talaga ako sayo dahil sa ginawa ko. Hehehe. Sorry ulit." Napakamot siya sa batok niya. Nasilayan ko naman ang nahihiya niyang ngiti.

"Okay na nga, wag na nating pag-usapan yon! Hahahaha. Tara na! Magpapaload lang ako ha! Antayin ka namin sa tambayan! Magpasoftdrink ka mamaya!"

"Hahaha. Oo ba! Yun lang pala eh!" Masayang sabi ni Dave bago pa man kami magkanya kanyang liko.

***

Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging busy na rin kami lalo na ng dumating ang linggo ng finals. Jusko. Talaga namang tinutukan ko ang exam. Sayang kasi ang scholarship na nakuha ko. Baka mawala pa.

"Aattend ka ba ng halloween party?" Tanong ni Kevin habang nakatambay kami.

"Oo! Mandatory naman kasi! Kaso parang ang panget nga lang ng date. Talagang October 31 tayo ng gabi? HAHAHA. Halloween na halloween." Sagot ko.

"Ewan ko ba sa admin. October 25 to 29 kasi ang mga college. Tapos tayong Grade 11 at 12, October 30 at 31. Sa dami ba namang estudyante, hindi tayo kakasya lahat sa gymnasium." Paliwanag ni Kevin.

Kim Cordova - TRANS x STRAIGHTWhere stories live. Discover now