#Kim 33

1.3K 70 32
                                    

 ~Kim~

Mabilis lumipas ang mga araw. Isang linggo na lang at sembreak na. Makakapagpahinga na rin sa lahat ng stress na pinagdaanan naming lahat. Sa school at sa kanya kanyang mga buhay. Si Buknoy, ayun tamang go with the flow na lang pero araw araw pa rin ang parinig na ang sarap daw pag may jowa. Muntanga. Bahala siya jan. Nandito kami ngayon sa labas ng school. Nag aabang ng masasakyang jeep pauwi.

"Halika na! Ano pang inaantay mo?!" paghila ko kay Buknoy na tila nakatulala. "Aalis na yung jeep bilisan mo na!" sabi ko pa habang hinila pero di talaga siya natinag sa pwesto niya.

"Excited?" natatawang sabi niya habang nakatingin sa relo niya. "Daan muna tayo sa mall, ikot ikot lang." sabi niya.

"Mall pa eh magrarush hour na." sagot ko.

"Wala naman tayong gagawin sa bahay eh. Tapos na rin naman tayong kumain. Mag ikot ikot muna tayo." sabi niya saka hinila na ako pasakay sa kasunod na jeep. Walang palag kaloka.

So ayun na nga. Di ko alam kung anong trip niya. Nagpapagod lang ata kami kaiikot at kakawindow shopping. Wala na rin akong pera dahil Byernes na. Ubos na ang allowance.

"Gutom na ako. Kanina pa tayo paikot-ikot." sabi ko sa kanya sabay hawak sa braso niya para mapatigil sa paglalakad.

"Luh, san na napunta yung kinain mo kanina?! Wala na yun? Tunaw na????" takang tanong niya.

"Oh bakit?! So kelan ako pwedeng magutom ulit? Bukas? Sa isang araw?!" nanlalaking matang tanong ko. "Eh sa gutom na ako eh."

"Tang inang tyan yan. Pang construction worker eh." sabi niya habang nagkakamot ng ulo. "Osya magwithdraw lang ako tapos kain tayo."

"Ay bongga! Treat mo?!!" galak na galak na tanong ko. "Salamat Sir!" sabi ko pa saka hinila na siya sa malapit na ATM. Treat mo pala ha. Kakain ako ng marami. Hahaha.

***

Halos antukin na ako sa kabusugan. Katatapos lang namin kumain at talaga namang busog na busog ako.

"Ano na? Di ka na gumalaw jan? Porket busog na inantok na?"

"True! Hahaha. Pwede bang buhatin mo na lang ako pauwi? Ayaw ko na gumalaw." tamad na tamad na sabi ko habang hinihimas ang tyan.

"Ay wow!" Gulat na sabi niya. "Gusto mo bang mabali ang likod ko. Bigat bigat mo kaya."

"Grabe ka. Kapag ako pumayat. Tingnan mo lang talaga."

"Pag ikaw pumayat, eut ka. Hahahaha."

"Pakyu." sabi ko saka binato ng tissue sa balikat. "Ang bastos ng bunganga mo, baka mamaya may makarinig sayo!" nahihiyang sabi ko na tinawanan lang niya.

"Hahaha. Lika na Ma'am. Pasara na ang mall. Uwi na tayo." Sabi pa niya. Bakit ba kasi pag busog na, nakakatamad na kumilos. Haysss. Inaantok ako.

Naglalakad kami palabas ng mall. Busy ako sa cellphone ko nang biglang humawak si Kulot sa braso ko, bahagya pa akong nagulat nang magslide ang kamay niya mula sa braso papunta sa kamay ko.

"Ano ba Buknoy?! Nagsecellphone ako eh." pag angal ko saka inilapat sa kaliwang kamay ang cellphone ko. "Bitawan mo nga. Para kang..."

Kim Cordova - TRANS x STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon