#AHNKC 11: Friendly Date

2.4K 170 8
                                    

Vote muna please. Salamat po. :)



***

~KIM~



Miyerkules ng hapon nang bumalik kami ni Dave sa ospital. Okay lang din naman dahil wala rin naman kaming gagawin. Pang-umaga ako at absent si Dave. Wala daw silang Prof. Ang tamad. Hahaha.

"Ohhh! Anong nangyari sa braso mo saka sa binti mo! Bat ganyan?" Alalang tanong ko habang tinitingnan ang mga marka doon.

"Maiwan ko muna kayo ha. Aasikasuhin ko lang ang mga bills." Paalam ng Papa ni Kevin saka lumabas na sa kwarto.

"Sige po. " Sagot ni Dave.

"Rashes to. Ganito daw talaga pag na-dengue eh. Pero mawawala naman to." Pagpapaliwanag ni Kevin.

"Ahhh. Kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Oo pinakain na ako ni Mama kanina. Ang sabi ng Doctor, pahuhupain na lang daw tong mga pula pula ko sa balat tapos pwede na akong lumabas. Tapos siguro mga konting lab test pa."

"Nice. Buti naman. Kain tayo tara! Andaming dala ni Dave."

Pansin kong unti unti ng nakakabawi ng lakas si Kevin. Nakakaya na niyang umupo mag-isa at kumilos kilos.

"Halika na. Kain tayo!" Pagyaya sa kanila nang mailatag sa mesa ang mga pagkain.

"Halika na kupal! Hahaha." Yaya ni Dave saka hinila ang upuan palapit doon. "Dala ko yung favorite mong adobong manok na sobrang anghang!"

Napangiti naman kami ni Kevin. Ang sweet talaga ni Dave.

"Tara na! Pinaluto ko pa to kay Mama eh." Nakangiti pang sabi nito saka pumwesto na sa upuan malapit sa kama ni Kevin.

"Hmmm. Hindi ako sanay magkutsara sa kaliwang kamay eh." Nakapout na sabi niya. "Baliw kasi ang mga doctor, pwede naman dito sa kaliwa ikabit ang dextrose diba? Hahaha."

"Sus! Ang sabihin mo, magpapasubo ka lang ulit kay Kim. Hahaha." Kantyaw ni Dave.

"Ganun na nga! Pero sayo naman! Hahaha. Dali na! Pakainin mo na ko! Natatandaan mo nung pilay ka. Pinakain kita non. Hahaha."

"Hahaha. Sige na nga!" Nakangiting sabi ni Dave saka nagsimula ng pakainin si Kevin. Sobrang close talaga nila eh hindi na sila naiilang sa isa't isa.

Baka sila na ang magkatuluyan niyan. HAHAHAHA. Natawa ako sa naisip ko.

"Kain ka na bebe Buknoy! Hahaha." Malokong sabi ni Dave habang inilalapit sa bibig ni Kevin ang kutsara.

"Hahaha. Tangena. Narinig ko na naman yang Buknoy na yan! Hahaha. Ang sagwa.."

"Tingnan mo Kim. Pag ako natawag ng Buknoy nagagalit siya."

"Ewan sa inyo. Hahaha. Baka magkatuluyan kayo niyan!" Pagbibiro ko.

***

Kim Cordova - TRANS x STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon