#AHNKC 20

2.1K 161 34
                                    

Vote please. Keme lang po yung sinabi kong on hold ito. Charing lang yon. Marami pong salamat. Pasensya na kung mabagal ang update. Busy lang. Hehehe.





***

~KIM~





"Buntis si Anna." Kahit na mahina ang pagkakasabi niya nun, rinig na rinig ko talaga. Ang lakas ng impact eh. Sa sobrang lakas, sa isang iglap nadurog ako. Gumuho.

Wala na. Ano pa bang laban ko? Ano pa bang ipaglalaban ko? Wala na. Wala akong laban dun! Buntis na. Bubuo na sila ng pamilya. Oo matagal ko na tong kinatatakutan, na yung lalakeng mahal ko ay iiwan din ako balang araw para bumuo ng pamilya. Ganun naman kasi talaga diba?

Pero kasi... ang aga naman ata. Hindi pa ko handa. Hindi pa talaga.

"O-okay." Umiiyak at nauutal kong sabi saka huminga ng malalim.

Literal na lumalagaslas ang mga luha ko. Ang sakit talaga eh. Hindi ko na nga alam to eh. Siguro mas masakit pa tong nararamdaman ko kesa sa susunugin akong buhay. Basta.

Magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na. Ayaw ko nang makarinig ng kung ano pa mula sa kanya, baka kasi kasinungalingan lang ulit ang marinig ko. Tama na yung narinig ko, na buntis na si Anna.

"Halikan mo ko!" Sabi ko saka pinahid ang luha. Napatingin siya sakin. "For the last time Mahal. Sige na please. For the last time." Humahagulgol kong sabi. "Halikan mo ko sa huling pagkakataon." patuloy ko pa habang nakahawak sa damit niya.

Lalo lang tumulo yung luha ko habang nararamdaman kong papalapit na yung labi niya sa akin. Tuloy tuloy lang ang daloy. Siguro kasi, nararamdaman ng puso ko na ito na ang huling pagkakataon na maglalapat ang aming mga labi. Na mahahalikan niya ako. Ito na yung huling pagkakataon na matitikman ko ang halik niya. Yung halik na una kong natikman, yung halik na kinasanayan ko na. Kinasanayan ko sa loob ng tatlong taon. Yung halik na pagkatapos nito ay wala na. Wala na. Hindi ko na matitikman ulit kasi wala na. Hindi na pwede. Hindi na.

Sa halik na iyon, naramdaman ko lahat. Yung pagmamahal niya sa akin. Yung pangungulila niya sakin. Yung lungkot niya. Ewan ko, siguro ngayon, hindi ko naiintindihan pero siguro balang araw.

Gustuhin ko man pero ayoko nang ipaglaban pa si Jonas, hindi dahil sa hindi ko na siya mahal, kundi dahil mahal ko siya kaya ayokong sirain ang mabubuo nilang pamilya. Oo siguro, nagkamali lang siya nung mabuntis niya si Anna, pero kasi, magiging mali kung ipipilit ko pa ang relasyon namin. May masisirang pamilya. Kawawa ang bata.

Saka isa pa, hindi naman maitatama ng MALI ang isa pang MALI, pero pwede namang itama ang nagawang mali, minsan, kelangan nga lang may magsakripisyo. At in this case, ako.

"Ingatan mo yung magiging pamilya mo ha. Alagaan mo sila Mahal." Sabi ko saka pinahid ang luha. "Sige na Jonas..." Sabi ko saka huminga ng malalim. Ayoko nang umiyak pero tumutulo talaga eh. Kasi naman, nasasaktan talaga ako. Sino bang hindi?

"Sige na." Sabi ko saka napasinghap kasabay ng pagpahid ko ng luha.

"Mahal kita pero pinapalaya na kita. Salamat. Salamat sa lahat." Sabi ko pa saka niyakap siya sa pinakamahigpit na yakap na kaya kong gawin. Last na kasi yun eh. At hindi na mauulit pa.

Kim Cordova - TRANS x STRAIGHTDove le storie prendono vita. Scoprilo ora