#Kim 32

2.2K 118 31
                                    

Pasensya na po kung super bagal ng progress. Nahihiya na ako sa inyong mga readers. Hayssss. Salamat po sa mga readers na willing to wait. 😭😭😭


****


"Kim!!! Buksan mo tong pinto! Sorry na!! Hindi ko naman sinasadya eh. Buksan mo to!" Malakas na sabi ni Buknoy habang kinakatok ang pinto. Tangena naman eh. Hindi ko na alam, ito yung ayokong mangyari eh. Diba totoo? Wala pa nga, nasisira na agad kami. Tsk.

"Hayaan mo muna ako!" Sigaw ko saka pinahid yung luha ko sa magkabilang pisngi. Naiinis ako, nagi-guilty kung bakit ko siya sinampal. Ano ba naman yung ginawa ko, nakakainis. Hayyys.

Nakadapa lang ako sa kama ko, tahimik na umiiyak habang nag-iisip. Sa totoo lang, hindi ko na nga alam kung paano pa ko haharap kay Buknoy. Ewan ko, hindi naman kasi dapat kami nagkakaganito eh. Kung hindi niya kasi pinipilit yung gusto niya eh di sana masaya lang kami. Hindi yung ganito. Parang konti na lang, malapit na kami masira nang tuluyan. Ayoko ng ganito. Nalulungkot ako.

"Sorry na Kim. Sorry... Hindi ko naman sinasadya eh.." Mahina niyang sabi saka tumabi sa akin. Narinig ko pang kumalansing yung hawak niyang mga susi. "Nadala lang ako. Pasensya na." Sabi niya pa.

"Ang kulit mo kasi Buknoy, hindi mo na kasi dapat pinipilit yung mga bagay na hindi naman pwede! Tingnan mo nga, nag-aaway na tayo kahit na hindi naman dapat."

"Hindi mo kasi ako naiintindihan." Mahina niyang sabi. "Gusto ki..."

"Oo gusto mo ko, hindi naman ako bobo ah! Hindi rin ako tanga! Ilang beses mo na ba yang sinabi? Gusto mo ako! Sabi mo pa nga mahal mo na ako! Pero Buknoy namaaan!!! Sana intindihin mo naman ako! Yung punto ko! Hindi tayo pwede! Magbestfriend tayo. Ilang beses ko pa bang sasabihin?" Mahaba kong sabi.

"Pero kasi.."

"Buknoy naman eh! Walang mali sayo, nasayo na nga lahat eh, gwapo, matalino, matangkad, lahat na nasayo, lahat ng hinahanap ng isang babae. Kevs, hindi ka para sakin. Marami pa jang iba. Jusko naman."

"Ikaw nga gusto ko eh." Sabi niya saka tumagilid patalikod sa akin. "Bat di muna kasi natin subukan Kim... Tangina naman eh. Kung alam ko lang na magkakaganito, sana hindi na lang tayo naging magbestfriend. Kung ganon eh di sana hindi ko to pagdadaanan, di sana pwede kitang ligawan, di sana pwede mo akong maging boyfriend. Haysss." Mababakas sa boses niya ang kalungkutan at panghihinayang. Malalim na b untong hininga.

"Di mo ko naiintindihan, mas tatagal tayong magkaibigan Buknoy, hindi natin kailangang pumasok sa isang relasyon. Di yun ganon, di natin kailangang maging magsyota. Hayyy ewan, hindi tayo nagkakaintindihan."

"Ang selfish mo..." Sabi niya lang saka dumapa at hindi na nagsalita ulit. Hindi ko na alam kung sino ba samin ni Buknoy ang mali. Basta kaya ayaw ko siyang patulan dahil mas pinili kong maging magbestfriends kami, dahil sa ganito kami tatagal. Ayokong mawala siya sakin kagaya ng nangyari samin ni Jonas. Hindi ko kaya.

***

"Una na ko, anjan na ang unggoy!" Paalam ni Justine saka nagmadaling lumabas ng room. Uwian na namin, di na ako kumibo, kanina pa ako maraming iniisip. Actually kagabi pa. Wala nga akong tulog eh.

"Is there any problem?" Tanong ni Foster. "You look like a mess." Sabi pa niya. Pinilit kong ngumiti pero talagang tumulo na naman yung luha ko. Kanina ko pa gustong magkwento para ilabas yung mga iniisip ko kaso hindi ako makapagkwento dahil nahihiya ako kay Tintin. Magkaibigan sila ni Buknoy at ayokong malaman niya yung pinagdadaanan namin ngayon.

Kim Cordova - TRANS x STRAIGHTWhere stories live. Discover now