#AHNKC 29

2.3K 154 38
                                    

Sorry po kung matagal ang update. Vote po kayo please and comment din. Salamat po. 😊

***

"Hahaha. Kasi naman Janus, mukang imposible naman yang sinasabi mo. Bagong kilala pa lang tayo. Tapos gusto mo agad ako?" Tanong ko.

"Hmmm, ganun ba? Sige ganito na lang, nagugustuhan na kita. Okay?" Sabi niya saka tinungga ang natitirang alak sa baso niya.

"Ahhh haha, letse. Hahaha." Nahihiya na parang kinikilig kong sabi. "Hahaha. Di ko na alam. Hahaha. Bahala ka jan. Hahaha."

"HAHAHAHA. Ang baliw mo eh! Bat ka ba nara-rattle? Hahaha." Tanong niya. Tangena, parang kaming dalawa na lang ang tao dito ah, literal na di ko na nga marinig ang mga ingay sa paligid. Mas rinig ko pa yung kaba ko. Yung pintig ng puso ko.

"Ahhh. Hahaha. Di ko alam kung bat ganun. Hahaha. Siguro lasing lang ako. Haha."

"Ohhh baka naman, siguro crush mo ako. HAHAHA. Uyyy! Kahit di ako ganun kagwapo, di rin naman ako panget no. Hahaha." Natatawang sabi niya. Di pa ba siya gwapo niyan? Hahaha. Ayaw ko na lang magsalita. Pero basta, ang ganda ng smile niya.

Ganun ba talaga? Kapag sinabi ng isang tao sayo na gusto ka niya, dun mo mas lalong nakikita yung mga magagandang katangian niya. Ganun ba yun? Tell me! Kasi parang ganun yung nangyayari eh.

"Tell me, if so happen, may chance ba ako sayo?" Seryosong tanong niya na napapakunot pa ng noo. Tangena talaga, di ko na talaga alam. Ano ba tong nangyayari? Parang huminto na magproseso ang utak ko.

"Huyyy Janus!! Ano ba! Hahaha. Dalawang Linggo pa lang tayong magkakilala. Di mo pa nga ko kilala, di pa din kita kilala. Ang bilis naman!"

"Hahaha. Nara-rattle siya! Hahaha." Natatawang sabi niya. Bwisit tinawanan pa ako. "Hypothetical question lang naman yun. Ano nga? Kung liligawan kita soon? Sagutin mo ba ako? May chance ba?" Tanong niya pa.

"HAHAHAHA. Tangena. Kung maayos ka naman at matino at seryoso. Oo may chance."

"Hahaha yownnn!"

"Hahaha. Syempre diba, kung okay naman yung manliligaw eh. Hahaha. Saka seryoso ka? Manliligaw ka? Ako? Liligawan mo? Hello! Di naman ako babae! Di naman ako babae para ligawa..." Pinutol niya yung sasabihin ko. Lapat na lapat talaga yung daliri niya sa labi ko. Ang diin pa nga, malamang nalagyan yun ng laway ko. Hahaha.

"Stop it! Di lang babae ang nililigawan. I believe na kapag gusto mo ang isang tao, ligawan mo. It doesn't matter kung ano ang gender niya. Besides, babae ka rin naman kasi pusong babae ka. Di porket gay or trans ka di mo na deserve ang ligawan. Di yun ganun!" Seryosong sabi niya. Aba abaaaa...

"Paimpress ka ah! Hahaha. Galing galing mo jan."

"Hahaha. Uy di ako nagpapa-impress no. Sinasabi ko lang yung totoo."

"Eh naimpress ako eh. Hahaha."

"Hahaha. Well, di ko kasalanan kung maimpress ka. Hahaha."

Ano baaaa! Nakakahiya! Pag tingin namin, nakatingin si Foster at John Paul na kaharap namin.

"Seryosong seryoso kayo jan ah! Hahaha." Natatawang sabi ni John Paul.

Kim Cordova - TRANS x STRAIGHTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora