#AHNKC 22

2.6K 150 12
                                    

Vote po please. Salamat po. :)







***

~KIM~



"Ohhhh!" Gulat na sabi ko pagkababa pa lang sa hagdan.

"Good morning." Nakangiting bati niya sa akin.

"Good morning din. Bat ang aga mo ata nagising?" Pagbati ko kay Dave saka naglakad palapit sa kanya sa kusina.

"Hmmmm, ewan ko, nagising lang ako ng maaga eh tapos hindi na ako nakatulog." Sagot niya saka inilagay sa lababo ang mangkok.

"Wowwww himala. Ngayon ka lang ata nagising ng maaga. Hahahaha."

"Oo nga eh. Kaya ito, nagluto na lang ako. Hehehe." Sabi pa niya na napakamot pa sa ulo.

"Ohhh! Himala nga talaga! Ikaw nagluto? Hahahaha." Himala naman talaga. Wala namang alam yan sa pagluluto eh. Nung huling nagsaing nga yan sablay pa. Hahaha.

"Oo! Hahaha." Sagot niya saka pumwesto na sa mesa. "Tara almusal na tayo."

"Ano ba niluto mo?" Tanong ko saka pumwesto na sa lababo para magmumog.

"Pritong itlog. Hahahaha. Tapos siomai! Lika na dali. Almusal tayo."

***

"Talagang ang aga mo nagising ahhhh, nakapagsaing ka na oh. Hahaha." Sabi ko saka umupo na sa harap niya. "Anong meron?" Tanong ko pa.

"Wala lang. Hahaha. Maaga lang talaga ako nagising." Nakangiting sagot niya saka inusog yung isang tasa sa harap ko.

"Ayan, pinagtimpla na rin kita ng kape. Hehehe." Nakangiting sabi niya. Medyo pigil pa rin yung ngiti niya dahil siguro sa sugat niya sa labi.

"Wow salamat." Nakangiting sagot ko. Biglang tumunog yung cellphone niya na nasa mesa, ewan ko ba kung bakit ayun ang inabot ko imbes na yung tasa ng kape. Hahaha.

"Hahahaha. Yung totoo Kalbo!!! Maaga kang nagising o maaga kang GUMISING!!?" Natatawang tanong ko saka in-slide ang screen para patayin ang alarm.

"Ayan oh!!! Hahaha. Nag-alarm ka eh! Hahaha." Sabi ko pa nang makita ang mga oras doon. 6:00 AM, 6:10 AM, 6:15 AM. Lampas alas syete na ng umaga pero di pa rin niya napapatay yung alarm niya, busy siguro kaya puro snooze na lang.

"Yieeeh!!!! May lakad ka no!! Hahahaha. Kaya ka maaga gumising." Sabi ko pa. Ewan ko ba pero parang namumula si Dave. "May date ka? Haaaa?" Tanong ko pa.

"Wala ahhh!" Sagot niya saka inagaw ang cellphone niya sa kamay ko. "Akin na nga yan! Epal ka! Hahaha." Sabi pa niya.

"Wala daw tapos pa-alarm alarm pang nalalaman! Hahahaha. Wag nga ako Dave! Hahaha." Natatawang sabi ko. Namumula talaga siya. Hahaha. Tisoy kasi kaya halata.

"Ano nga! Bat ang aga mo gumising? Hahaha. Si Buknoy nga tulog na tulog pa! Hahahaha. Diba alas diyes kayo lagi nagigising? Hahaha." Kantyaw ko sa kanya.

Kim Cordova - TRANS x STRAIGHTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora