CHAPTER 7

8.6K 76 1
                                    

AIRA POV

Araw,Linggo,buwan ang lumipas at he'to stay strong parin ang pagiging college namin. Kala niyo relasyon ko 'noh? Well isa yan sa ibabalita ko dahil 6 months nang nanliligaw si Rense sakin. Ang tibay niya 'no? Haha. Si Zen ayun friends na kami dahil sabi niya mag m-move on nadaw siya sa akin at napatawad ko narin siya sa karahasan niyang ginawa,oh diba ayos na ang lahat.

"Baby Ai, Mag b-balentayns na may ka date kana?" Bigla tanong ni Erxi na ikinalingon ko sa kanya.

"Oo naman. Tayo, tayo ang mag d-date! May bago ba don?" Natatawang tanong ko.

"I mean, kayo ni Rense hindi ba kayo mag d-date?"

"Huh? Bakit kami lang? Tayo-tayo dapat"

Hindi na siya nakapagsalita ng biglang dumating ang tatlo si Rense,Zen at Gab na dala ang mga pagkain oh yeah nandito kasi kami sa Canteen.

"Aira babes oh" Sabi ni Rense sabay abot ng spaghetti at Ice tea. Oo babes talaga tawag niya sa akin pasaway eh.

"Aba' naman tol dapat gulay ang ipinapakain mo diyan ng tumaba din" Natatawang sabi ni Gab.

Ngumuso nalang ako at nagsimulang kumain ng bigla mag salita si Zen.

"So guys, anong plano sa valentines?"

"May pasok kasi yun eh" Sabi ni Erxi.

"Edi sa sabado tayo mag bond, uhh! Outing tayo!" Excited na sabi ni Gab. Outing? Mukhang maganda nga.

"Well, that's great so were going to outing! Yey!" Dagdap pa ni Erxi. Bagay talaga sila ni Gab.

Nang matapos kaming kumain bumalik na kami sa mga kanya kanya naming klase si Zen lang ang classmate ko sa kanilang tatlo. Nang makarating kami sa harap ng Classroom biglang nagdrama si Rense "Huhuhu Aira babes, magiingat ka dito ah? Laging makinig kay teacher naku wag pasaway!" See? Hahaha. Ang cute niya talaga!

"Ang drama mo 'tol!" Nauumay na sabi ni Zen at nauna nang pumasok.

"Sige Rense B-bye! Pasok kana rin" Sabi ko sabay pasok sa loob.

Wala pang ilang minuto dumating narin ang prof namin sa filipino.

"Maganda umaga!"

"Magandang umaga rin po Bb. Barat!" Sabi namin sabay upo.

"So bago tayo mag simula ng ating talakayin, may ilang anunsyo lang ako dahil darating na ang mga araw ng puso------" So hindi na ako nakinig basta alam ko may program na naman yan.

"So diyan nag tatapos ang ating talakayan, Paalam na" ehh? Tapos na ang klase?

"Paalam narin po Bb. Barat hanggang sa muli nating pagkikita" Sabi nila. Halaa! Natapos ang klase na lutang ako?

"Are you okay?" Napalingon ako kay Zen.

"H-huh? Ahh. Y-yeah! Hehe"

Ano bang nangyayari sayo Aira?!

"So, let's go they might waiting for us" Ay. Oo ngapala!

"T-tara"

Nang makalabas na kaming lima napadaan kami sa isang nagtitinda ng mga isaw, kwek-kwek yung mga ganon.

"Ate magkano sa ganyan?" Tanong ko sabay turo sa fishball.

"Piso lang ne' bili na kayo" sabi ni ale.

"Wait! Are you sure that is safe?" Biglang tanong ni Zen ng tutusok na ako.

"Oo naman, edi sana namatay na kami nong unang bili namin nito" Sabi ko ng natatawa sabay tusok ng fishball at sawsaw sa sawsawan then nilapit ko ito sa bibig ni Zen "Try mo dali" Nakangiti kong sabi pero siya parang nandidiri.

"Sige na!" Sabi kopa.

"O-okay" Sabi niya sabay subo.

"Masarap?" Nakangiti kong tanong sa kanya kaya agad naman siyang ngumiti at nag thumbs up pa.

"EHEM! EHEM! EHEM! Hello guys! Yhoo. May kasama kayo, baka nakakalimutan niyo nabubuhay pa kami paalala lang." Napatingin kami sa likodan namin ni Zen ng magsalita si Gab at oo nga pala kasama namin sila.

"Hehehe! Sorry" Ngiting asong sabi ko sabay lingon kay Rense pero naka serious mode lang siya.

"Come back is real naba?" Sabi ni Erxi na ikinatahimik ko.

"Uh, hehehe! Gab tara kain na tayo sayang sa oras! Hahahah." Parang baliw na bawi ni Erxi.

"Ahmm. Rense, halika dito ipipili kita" Pagtawag ko kay Rense para hindi awkward. Kaya lumapit naman siya sakin at tumabi nagulat ako ng bigla niya akong akbayan na parang binabakoran. Hindi ko nalang iyon pinansin at ipinili na siya ng masasarap na tusok tusok.

Nang matapos kaming kumain ng streetfood na balak pa talagang ubusin nung tatlong lalake umuwi na kami dahil mag gagabi na.

Hinatid lang ako ni Rense sa bahay at umuwi narin sila ni Gab. Ang tahimik niya parin, ano kayang nangyari don?

Inisip konalang na baka pagod lang siya. Ginawa kona ang Night routine ko at dumiretso na sa kama para matulog.

SOMEONE POV

Ganyan nga. Unti unti konang makukuha ang loob mo. Dahil pag nangyari yun ako at ako lang ang pagkakatiwalaan mo, Panira ngalang ang isa diyan well mawawala rin naman siya sa mundo kaya tiis tiis lang kahit ang sarap ng pugutan ng ulo ang lalakeng yun.

Napangiti ako bigla sa nangyari kanina, Ang sweet namin. Nawala lang ang ngiti ko nang may pumasok sa kwarto ko.

"Hey son, Dinner is ready get down" Sabi ni Mommy.

"Nah, I'm full" Walang emosyong sabi ko.

"B-but son----"

"I SAID I'M FULL" Galit na sigaw ko. Yeah I know that's rude pero ako ito eh.

"O-okay. Just call our maid if you want something" Sabi niya sabay alis sa kwarto ko.

Pumunta ako sa closet ko na punong puno ng picture ni aira at tiningnan ang mga ito.So lovely!

Mapapasakin karin Aira.

A/n: Maikli ba? Hahahaha. Sorna!

MY PSYCHO BOYFRIENDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang