CHAPTER 32

992 23 19
                                    

AIRA POV

Kanina pa tahimik si Zen nang makauwi kami, pagkadating na pagkadating namin agad siyang pumunta sa kwarto hindi ko na nalang sinundan dahil baka may importante lang na gagawin.

Naboring ako sa pagce-cellphone kaya pumunta na akong kwarto dahil ilang minuto narin siya don mukhang nakalimutan na niyang lumabas.

Naabutan ko siyang may ginagawa laptop niya.

"Ano yan?" Tanong ko ng makalapit na ako pero sinara niya rin agad ang laptop.

"Ah nothing, kumain kana ba?"

"Kakakain lang natin kanina"

"Huh? Ah yeah haha."

Napataas kilay ko sa inaakto niya.

"Ano bayang pinagkakaabalahan mo?" Tanong ko sabay kinuha ang laptop niya at binuksan.

Names for baby??

"Hehe. I'm just so excited" Sabi niya sabay kamot sa batok.

"Awwwww you're so sweet!" Naluluha kong sabi at niyakap siya.

"Careful, maipit si baby"

"Ay hehe, maglilinis lang ako katawan napagod ako e" Nakanguso kong sabi sabay layo sa kaniya.

"Sure, wag kang magbababad masama yan."

"Yes ser!"

Tinapos ko ang paglilinis ng katawan at nagpalit ng pantulog saka tumabi kay Zen sa kama at niyakap siya.

"Don't leave me."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang yon.

"Oo naman, ano bayan may anak na tayo iiwan paba kita? hahahaha tulog na tayo, iloveyou." Saka ako sumiksik pa sa kaniya.

"I love you too." Sabay kiss sa noo ko.

Nakatulog ako ng may ngiti sa labi kaya gumising akong fresh inasar panga ako ni Zen na nagpapaganda daw ako para sa kaniya.

"Ang kapal mo!" Binatok ko nga siya ng tissue paper pero tumawa lang ang loko.

"Eh bakit kasi ang ganda mo ngayon?"

"Ano? Ngayon lang?" Naiinis kong tanong at nilapitan siya.

"Hindi ah maganda ka, iba lang ang ganda mo ngayon." Sabay ngiti niya sakin at halik sa pisngi ko kaya feeling ko namula ako dahil ang init ng pisngi ko kaya umiyas nalang ako kaya natawa nalang ulit ang loko.

"After ba nating mag breakfast may pupuntahan ka?"

Tiningnan ko naman ang phone ko para icheck kung may sched ako or plano na.

"Uhm... wala e, ikaw ba?"

"Yeah may aasikasuhin lang ako, gusto mo bang sumama?"

"Ayoko nakakatamad, gusto ko lang matulog muna."

"Alright, mag aayos lang ako." Saka siya tumayo at nilagay ang pinagkainan namin sa lababo.

"Wag mong gagalawin yan, huhugasan ko nalang pag uwi."

Wtf?

"Kaya ko naman yan e."

"Nope." Saka siya umakyat sa taas.

What is his problem?

Nag Youtube nalang ako habang hinihintay siyang bumama at nang makababa na siya nilapitan ko siya.

"Babalik kaba agad?"

"Don't worry babalik ako agad." Sabi niya sabay kiss sa pisngi ko.

"Sige ingat."

Ngumiti lang siya bago tuluyang lumabas ang tahimik tuloy ng bahay kaya hinugasan ko nalang ang pinagkainan namin pero bago ako mag simula tumawag na agad si Erxi sakin kaya in-on ko ang camera at pinatong ito para kahit naghuhugas ako kere parin.

"Kamusta buhay may asawa?"  Gandang bungad niya habang naglalagay ako ng Joy sa sponge

"Loko ka hahaha, nasaan ka ngayon?"

"Nasa bahay lang ses, ang boring nga ih nasan si Zen?"

"Umalis may inasikaso"

"May inasikasong babae..."

"Josq subukan niya lang at puputulan ko siya." Natatawa kong sabi habang nagsasabon na ng plato.

"Joke lang, anyway so wala kang kasama diyan?"

"Malamang naman Erxi."

"Punta ako diyan!! Hehe"

"Aba, sige halika dine at paglilinisin kita ng bahay." Pabiro kong sabi bago pinunasan ng malinis at tuyong pamunas ang mga ginamit namin.

"Apakapal mo naman! Ready lang ako bhie hehe byeee!!"

"Langhiya sige bhie." Then I rolled my eyes before ending the call.

Dahil medyo pawis na ako nagbalak na akong maligo pero yong balak ko na maligo naging balak lang dahil nauwi ako sa sofa at nag cellphone.

Ang tagal ng babaeng yon.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang makarinig ako ng katok mula sa main door kaya nagmadali akong buksan ito.

Ngi!

"Order niyo po sa Lazada Ma'am."

"Ayy, how much po?" Kung ano ano pa naman ang pinang oorder ko.

"890 po Ma'am"

"Saglit lang kuya ah?" Sabi ko at kumuha ng pera.

"Papirma po dito." Saka niya inabot sakin ang cellphone niya at pumirma ako don, sosyal!

"Salamat po." Sabi niya pagkaabot ko ng phone at kinuhaan niya muna ang paligid ng litrato bago inabot sakin ang item sakto namang dating ni Erxi.

"Wow bhie ano yan?" Tanong niya agad.

"Order ko bhie." Bhie amp.

"Ikaw kuya pwede kang iorder?" wtf Erxi!?

"Ay haha kasal na po ako ma'am." Nahihiyang sabi ni kuya.

"Ay ganon ba? pwede pa namang maghiwalay yan e diba Aira?"

"Leche ka umayos ka sige kuya salamat, halika na dito Erxi." Nagpaalam muna si kuya bago umalis na.

"Lika dali tingnan natin mga order mo!"

"Wow!! Excited ka ghorl?"

"Oo ih hehehehe barter hahahaha"

Nagtawanan lang kami habang nagbubukas puro kasi kalokohan si Erxi.

"Maganda 'to oh, try mo minsan tapos photoshoot tayo dito."

"Huh? Dito sa bahay?"

"Oo maganda naman bahay niyo maraming pwedeng gawing pwesto."

Bahay ni Zen.

"Omg!! Try mo ito dali!!" Hyper naman ghorl.

"Oo na sandali." Sabi ko at kinuha ang damit bago pumunta sa cr dito sa baba.

Medyo nahirapan akong magsuot dahil naipit sa likod ko kaya natagalan ako sa pagsusuot.

Narinig kong kumatok si erxi pero di parin ako tapos, ano ba namang damit 'to?

"Sandali lang Erxi."

Hindi sumagot si Erxi kaya baka bumalik na sa sala.

Nang natapos na ako kumatok ulit siya kaya binuksan ko na ito.

"Nahirapan akong suoti--- Rense..."

"Hi Aira."

- Good evening!!



Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jul 27, 2020 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

MY PSYCHO BOYFRIENDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum