CHAPTER 28

888 8 0
                                    


AIRA POV

Nagising ako at nakita kong maliwanag parin sa labas kaya tiningnan ko ang orasan sa pader ilang minuto palang pala akong natutulog nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas muna ako ng kwarto at bumaba para hanapin ang kusina.

"Rense?" Tawag ko dito dahil hindi ko siya nakita sa paligid.

Kumuha nalang ako ng tubig at babalik na agad sa taas ng may narinig akong parang sumisigaw

"Nasaan si Aira!? Ibalik mo siya saking depota ka!"

Zen!?

Kilala ko ang boses niya kaya agad akong pumunta sa pinang galingan ng ingay boses nayon at ayon nakita ko si Rense na maraming pasa sa mukha at katawan. Omygod!

"Zen!" Sigaw ko dito kaya napalingon sakin si Rense na may pagkagulat na itsura.

Lumapit ako kay Zen at sinapo ang mukha niya "What happen to you? Sinong may gawa nito?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"I-i'm fine baby" Saka siya pilit na ngumiti.

"No! come on dadalhin kita sa ospital"

"Hindi na pasa lang naman ito eh"

"Zen.."

"I'm okay baby nandito lang ako para iuwi ka, kaya tara na." Sabi niya at iginaya niya na ako paalis pero hindi pa kami nakakaalis biglang may humawak sa braso ko.

"Rense.. bitaw na kailangan ko pang gamutin si Zen" Pakiusap ko dito pero umiling lang ito.

"No."

"Please Rense..."

"You're not going anywhere with that asshole"

"Pero si Zen"

"Fine. Dito mona siya gamutin" Nagtaka naman ako sa sinabi niyang yon magsasalita pa sana ako ng unahan niya na ako.

"Ayoko lang na umalis ka kaya okay dito nalang mona kayo and after niyang gumaling makakaalis na siya at maiiwan ka dito sakin"

Gusto ko mang mag protesta pero hindi nalang ang mahalaga magamot at makapagpahinga si Zen hindi nalang ako nag salita at inaya nalang si Zen na pumasok pero nag aalangan pa siya.

"Trust me" Yan nalang ang sinabi ko at nginitian siya kaya tumango nalang siya.

"Wag mo na siyang alalayan papatawag ko nalang ang driver para alalayan siyang umakyat sa taas baka mapano si baby pag ikaw pang umalalay" Napahinto ako sa sinabi niyang iyon na nagdulot ng galak sa aking puso sa hindi ko malaman na kadahilanan.

Tumango nalang ako sa kanya at pinaupo mona si Zen sa sofa habang hinihintay ang driver ni Zen.

"Ano ba talagang nangyari sayo Zen? Saan mo nakuha ang mga pasang ito?"

Pero bago pa siya makasalita dumating na ang driver kaya inalalayan niya na ito paakyat pero bago pa maka hakbang paakyart nagsalita agad si Rense

"Take him to the guest room." Tango lang ang ginawa ng driver niya binaling naman ni Rense ang tingin niya sa akin.

"Nagugutom kana ba?" Malambing niyang tanong sakin umiling lang ako at naglakad na papunta sa taas nang pigilan niya ako.

"Where are you going?"

"Ahm kay Zen?"

"Stay. Tatawag ako nang doctor na mag aasikaso sa kanya pag nalinis na nang driver ko ang mga sugat niya"

"Pero Rense..."

"Please baby" Napatingin ako sa mga mata niya at tila nahipnotismo ako nito kaya tumango nalang ako at umupo nalang sa sofa tumabi lang siya sakin at umapaw ang katahimikan samin.

"Boss nalinis ko na ang mga sugat niya" tumango lang siya saka umalis ang driver niya.

"Yo Rense-- ops!" Napatingin ako sa lalaking pumasok nalang bigla sa sala at halata sa mukga niya ang pagkagulat.

"Ahmm hi" Nahihiya kong sabi dahil doon parin siya sa pwesto niya at hindi nagsasalita pero nasa akin parin ang tingin niya.

"Umayos ka nga kurt!" Bulyaw sa kaniya ni Rense kaya napaayos ito bigla at ngumiti ng malapad sa akin at lumapit kaya tumayo ako para makipag shake hands.

"I'm Angelica" Matamis akong ngumiti sa kaniya pero kunot noo ang binalik niya sa akin.

"Angelica? Eh diba air--"

"Shut up kurt!" Sita sa kaniya ni Rense bago ako pinaupo sa ulit sa sofa "mag-uusap lang kami" saka niya ako hinalikan sa noo

"Follow me" Malamig na sabi ni Rense kay kurt tumango mona si kurt sa akin bago sila umalis at nag tungo sa isang kwaro.

Gusto ko sanang puntahan si Zen pero sa laki nang bahay na ito baka maligaw pa ako at ayaw kong magalit si Rense sa akin, ewan ko ba pero may part sa akin na ayaw kong magalit si Rense. Napabuntong hininga nalang ako at hinawakan ang maumbok kona na tiyan.

"Baby gulong gulo na si mommy kakaisip sa mga nangyayari kaya kapit kalang diyan ah? Magiging mabuti rin ang lahat" Natawa ako sa sarili dahil kinakausap ko ang tiyan ko. Nakaramdam ako ng antok kaya humiga muna ako sa sala at nagpadala sa aking antok.

RENSE POV

"Ano ba talaga ang nangyari pre? Paanong naging angelica si Aira?"

Tumingin lang ako sa kanya.

"Hoy ano na wag mo lang akong tingnan diyan" Natawa ako sa paggamit niya ng bossy tone. Siya nga pala si kurt kaibigan ko maliban kay gab basta kaibigan ko siya tapos.

"Ikaw alam mo ba kung anong nangyari kay Aira?" Napatingin ako kay kurt nang sinimulan nitong kausapin ang isang aklat at talagang hinarap niya pa sa mukha niya. Gago talaga.

"Tanga!" Sabi ko bago siya binato nang isa pang aklat.

"Ano ba kasing nangyari sa kanya?"

"Naaksidente sila ni Zen pero siya lang ang napuruhan kaya nagka amnesia siya at ayon ang gagong Zen sinabi kay Aira na siya si Angelica at asawa niya ito kaya pinanghahawakan ngayon ni Aira na kasal siya kay Zen"

"Tangina! Paano nayan? Anong balak mo? Baka hindi kana maalala ni Aira"

"Imposible. Isa lang ang alam kong paraan para makalimutan niya si Zen at maalala ako"

"Ano naman?"

"Dadalhin ko siya sa ibang bansa doon narin kami bubuo ng pamilya"

"Kailan mo naman balak yan?"

"The day after tomorrow."

-------
Hiiiiiiii milabs sorrrrry ngayon nalang ako nakapagupdate ulit nakakalimutan ko kasi na may story pala akong ginagawa. Pero i will try na every saturday mag u-update ako.

ENJOY! 💛

MY PSYCHO BOYFRIENDWhere stories live. Discover now