CHAPTER 29

1.1K 9 5
                                    


AIRA POV

Nagising ako dahil sa paghaplos ng isang kamay sa aking pisngi. Rense.

"Kamusta tulog mo?" Nakangiti niyang tanong sa akin nagtataka naman ako sa kanya dahil kitangkita mo sa mga mata niya na masaya siya. I wonder why?

"Masaya lang ako dahil kasama na ulit kita"

Nababasa niya ba nasa isip ko?

Tumawa siya saka ako hinalikan sa noo "Forget it. Come on it's already dinner, kain na tayo."

"Huh? Anong oras naba?" Ang tagal naman nang tulog ko siguro dahil narin sa buntis ako.

"It's already 7:45"

Si Zen!

"Rense, si Zen ba kumain na? Ayos naba siya? Pwede ko ba siyang puntahan sa kwarto niya?" Bigla namang nagbango ang itsura niya pero bandang huli nagbuntong hininga nalang siya.

"Yeah, he's fine. Come on get up let's eat baka gutom na si baby. Pagkatapos nating kumain pwede mo na siyang puntahan"

Tumango nalang ako at tumayo saka niya ako hinila papunta sa kusina at nakita kong naka handa na ang mga pagkain.

"Niluto mo?" Tanong ko pagkaupo ko.

"Uh yeah hope you like it" Nakangiti niyang sabi saka ako pinaglagyan nang pagkain agad ko itong tinikman pero agad ding bumaliktad ang sikmura ko kaya agad akong pumunta sa lababo at sumuka don lumapit naman sakin si Rense saka hinakod ang likod ko.

"Are you okay?" Nang makapagmumog ako humarap ako sa kaniya saka tumango. "Ganito talaga pag buntis."

"So paano yan, mukhang hindi mo makakain itong niluto ko? Anong gusto mong kainin?"

Talong!

Bigla akong nag crave sa talong na pipritohin nang walang itlog tapos isasawsaw sa suka at toyo. Yum!!

"Ibili mo ako ng talong" Malamig kong sabi dito.

"Talong?" Nagtataka niyang tanong.

"Oo talong, eggplant sa english parang vovo to bilis na nagugutom na kami ni baby!" Masungit kong sabi dito.

"But baby--"

"Don't call me baby, magagalit ang asawa ko."

Nakita kong kumuyom ang kamao niya pero hinayaan ko lang yon dahil totoo namang magagalit si Zen pag may tumawag sakin nang ganun. Hindi na siya nagsalita pa umalis nalang siya bigla kaya ang ginawa ko hinanap ko ang kwarto ni Zen nang makita ko ito kumatok ako pero walang sagot kaya pumasok na ako nakita ko siyang nakahiga at natutulog.

"Zen.." Agad kong hinawakan ang pisngi niya nang makalapit ako at tumabi sa kaniya pero hindi siya nagising kaya ang buhok niya nalang ang sinuklay suklay ko ng kamay ko.

"Gulong gulo na ako Zen.. Hindi ko na alam kong anong totoo tungkol sa akin" Sabi ko dito kahit na alam kong hindi niya ako maririnig dahil tulog siya pero tinuloy ko parin ang pagsasalita.

"Pagmalapit sa akin si Rense pakiramdam ko ang laki ng parte niya sakin para bang kilalang kilala ko na siya dati ayaw kong magtaksil sayo dahil asawa kita pero sorry ganun talaga ang nararamdaman ko" Medyo tumulo na ang luha ko dahil narin siguro sa emosyon na nararamdaman ko.

Inayos ko ang pagkakahiga ko saka ako yumakap sa kaniya. "Sana maging maayos na ang lahat" bulong ko dito saka pumikit dahil inaantok n naman ako pero bago pa ako makatulog narinig ko siyang nagsalita.

"I'm sorry Aira" Saka niya ako hinalikan sa noo.





ZEN POV

Aira.

Napangiti ako nang marinig na naghihilik na siya, napakaantokin talaga.

Naalala ko ang sinabi niya kanina kaya medyo naguilty ako dahil lahat nang nararanasan niyang hirap ngayon ako ang dahilan hindi niyo ako masisisi dahil gusto ko lang naman na maging akin siya at maging masaya. Masama ba iyon?

Mahal ko lang talaga si Aira kaya lahat lahat ginagawa ko para ako at ako lang ang lalaking mamahalin niya pero mukhang ayaw makiayon ni tadhana dahil sa nangyayaring ito pero kahit na ganun gumagawa parin ako nang paraan para kami parin sa huli.

Napangiti ako nang mapait hindi ko talaga kayang bitawan si Aira kahit magkamatayan na kami ni Rense.

Ako ang unang minahal ni Aira eh.

Kahit na tadhana na ang nagsasabi ni hindi kayo pwede gagawa at gagawa ka parin talaga nang paraan para maging pwede kahit nagmumukha kanang tanga.

Kahit ikaw nalang ang gumawa ng paraan o kumapit sa inyong dalawa baka naman kasi maging pwede pa.

Tinitigan ko nang mabuti si Aira biglang nag flashback lahat nang alaala namin noong maayos at masaya pa kami.

Yung panahon na pareho kaming masaya pagnatatapos ang eskwela dahil magkikita ulit kami at mag dadate yung lagi kaming sabay na kakain pag lunch at yung oras na naging legal kami sa bawat pamilya namin.

Mga bagay na alaala nalang.

Mahal ko lang talaga kaya kahit mahirap na ayoko parin na bitiwan siya.

Niyakap ko nalang siya nang mahigpit at bumalik ulit sa pagtulog.


THIRD PERSON POV

Kinaumagahan nagising si Aira na wala na si Zen sa tabi niya kaya bumangon siya at nagtungo mona si banyo para makapagayos bago siya bumaba at naabutan niyang seryosong naguusap si Zen at Rense kaya hindi mona siya nagpakita

"I love her"

"And I love her too"

"I know"

"Then let her go"

Matagal nang katahimikan ang namagitan sa kanila bago nagsalita ang isa

"May bagay talaga na kahit gusto mo hindi mo makukuha hindi dahil sa hindi mo siya kayang kunin kundi hindi talaga pwede"

Wala ulit nagsalita sa kanilang dalawa.

"Magpaparaya na ako"

"Isa lang ang hiling ko alagan at mahalin mo siya higitan mo pa sana ang pagmamahal ko para sa kaniya at wag na wag mo siyang sasaktan kung hindi ako ang sasapak sayo." Narinig niyang medyo tumawa ito pero damang dama niya ang sakit nito kaya nagpakita na siya sa kanila.

Tumayo ang isa sa kanila at lumapit sa kaniya at ginulo ang buhok niya saka ngumiti.

"Alagaan mo anak ko ah" Saka siya nilagpasan nito nang nakangiti.


------

Wait medyo masakit ah bakit kasi ganito pa ginawa ko huhuhuhu. May clue ba kayo kung sino yong nagparaya? Ako kasi wala pa talaga naguguluhan din ako huhuhu 💔
Sino sa tingin niyoo?


- anyway guys pag naguluhan na kayo sa story medyo kasi ang tagal nang update ko kaya nakakalito na talaga I suggest na basahin niyo ulit hehe I suggest lang naman po para sa masisipag mwehehe mwaa love y'all! 💛





MY PSYCHO BOYFRIENDWhere stories live. Discover now